“Tangina, one hour yata akong natawa. Ang tanga ni Zak, sobra,” natatawang sabi ni Cadence sa kabilang linya. Napaismid na lang ako. “Nagtatampo siya sa akin, niloloko ko lang naman siya, e,” nakangusong sabi ko saka napapadyak sa sahig. “Gaga ka kasi, bakit pinaabot mo pa kasi na pumunta siya rito para ipa-hunting sa akin si rekdi kuno? Para lang siyang ewan na nagpunta sa lost and found para ipahanap ang sarili niya,” natatawa pa ring sabi ni Cadence. “How can I make him forgive me?” I asked and bit my nail. Hindi siya lumalabas sa room niya, ipinagluto niya lang ako ng food tapos pumasok na rin agad siya sa kuwarto niya, ni hindi niya ako pinapansin. Siguro napahiya siya dahil pinahanap niya talaga si ‘rekdi’ kuno kay Cadence kahit siya naman 'yon. “Bakit kita tutulungan? Bahala