I look like hell. I sighed and stared at the ceiling. Kanina pa tumutunog ang phone ko sa bedside table ngunit hindi sinasagot. Kakagising ko lang but I feel so drained already, pinagod ko ang sarili ko ng ilang araw sa shooting. Kahapon ang last shoot ng movie namin ni Castor. Tinanggap ko kaagad ang susunod na political action movie na gaganapan ko without reading the whole script, gusto kong pagurin ang sarili ko, I want to distract myself from thinking about him... about them. I'm keeping myself busy just to avoid them. Ilang araw na rin ang nakalipas nang bumalik si Jaze, ilang araw na rin akong umiiwas sa kanya. Sa totoo lang, nauubusan na ako ng excuses para hindi kami mag-usap. Nagpupumilit siya na kausapin ako. Sa totoo lang, nako-konsensya na ako dahil sa pag-iwas ko sa kany