Chapter 7

2277 Words
Two weeks had passed and Alexa noticed that his boss often doesn’t go home. Nagtataka siya kung saan ito natutulog nitong mga nakaraang araw. Wala rin siyang nabalitaang masamang nangyari rito which was a good thing. These two weeks were quiet. No threats. No uneventful accidents at ipinagpapasalamat niya ito. “Manang Lucia, nagtataka lang ako bakit hindi umuuwi si Sir?” tanong niya habang nasa kusina sila at kumakain ng agahan. “Ay naku dumating na naman 'yong bruhang girlfriend ni Sir. Malamang doon siya tumutuloy sa condo nito.” May kaunting kirot siyang naramdaman sa nalaman. I thought, he doesn’t do girlfriend? “Akala ko ho ba hindi 'yun naggi-girlfriend? Akalain mo may gf pala!” “Hay naku, Alexa alam mo ba 'yang gf ni Sir naku naku! Ang sarap putulan ng sungay!” nanggigil na turan ni Sonia sa kanya. “Ay oo kung hindi lang kami katulong dito malamang nasa hukay na iyon,” segunda naman ni April. “Hoy 'yang mga bibig niyo baka may makarinig sa inyo,” saway ni Mang Lucia sa mga ito. May iba pa ba silang kasama rito? tanong ni Alexa sa sarili. To her curiosity she asked, “Bakit naman? Gigil na gigil kayo ah. Saan ang giyera?” “Si Ma’am Dianne lang ang girlfriend ni Sir. Kasal nalang ang kulang sa kanila kaya kung makapag-asta iyon parang reyna rito sa bahay. Antipatika. Utos nang utos. Muntik muntikan ko ngang lagyan ng lason 'yung juice niya noong sinigaw-sigawan si Manang Lucia" Nagulat siya sa tinuran nito. Why does their boss tolerate such behaviour samantalang ayon dito malaki ang respeto nito sa mga katulad nilang kasambahay. “Eh si Sir wala siyang sinasabi kapag ganoon?” “Pasalamat siya hindi nakikita ni Sir. Kung andiyan si Sir akala mo santa. Santang demonyita naman!” April added. Now she knew why. “Don’t worry reresbak tayo, Manang!” She smirked while thinking something wicked to avenge them. Let’s see what their boss would do. Kinagabihan masaya silang naghahapunan sa kusina nang dumating ang amo kasama ang kasintahan nito. Good timing! Pero bakit dismayado ka? “Manang, pahatid ng makakain sa kwarto. Make it for two,” Stanley said while massaging his nape. “Yes, Sir,” sagot ng mayordoma. “Bilisan niyo na riyan. Alexa tulungan mo ako rito at ipaghain natin si Sir,” tawag nito sa kanya. Nang makalabas ang amo sa kusina, nagsimula nang magbulungan ang dalawang kasama niya. “Naku andito iyong bruha,” gigil na turan ni Sonia. “Oo nga. Nakakawalang gana! Siguradong andito na naman iyon ng isang linggo. Isang linggo na naman tayong nasa impyerno,” madamdaming saad ni April na ikinatawa niya. “Aba't masaya ka pa. Kung ako sa'yo humanda ka na.” “Bakit na naman ako hahanda?” nagtatakang tanong niya kay April. “Yung bruhang iyon insecure sa magaganda. At ikaw maganda ka. Kaya sigurado akong ikaw ang makikita noon,” babala nito sa kaniya. “Insecure siya sa beauty ko? Ang haba ng hair ko, April,” natatawang sabi niya rito. “Hindi iyon maiinsecure dahil katulong lang ako dito, ” dagdag pa nito. “Pustahan pa tayo eh!” sabad naman ni Sonia. Habang nakikinig lang ang matandang kasama nila at patuloy na ipinaghahanda ng makakain ang amo nila. “Oh sige! Kapag nakitaan natin ng insecurity si Ma’am Dianne, sa inyo na iyong sahod ko ng isang buwan.” “Sigurado ka ba riyan ,Alexa?” gulat na tanong ni Manang Lucia. “Oo naman ho, Manang. Imposible naman ho kasi iyong sinasabi nila.” “Eh kung nanalo ka?” tanong ni Sonia sa kanya. “Ibibigay niyo sa akin ang day-off niyo. Oh ano payag kayo?” “Siguradong panalo na kami niyan ni April, Alexa. Maggoodbye ka na sa sweldo mo!” kampanteng-kampanteng sagot ni Sonia sa kanya. “Oh hala tama na yan. Sonia, ihatid mo na ito sa kwarto ni Sir. Bilisan mo," utos ni Manang Lucia rito na agad namang sumunod ngunit nababakas sa mga labi nito ang kasiyahan sa ginawa nilang pustahan. “Aba'y sigurado ka ba Alexa na isang buwang sahod? Eh kung matalo ka anong ipapadala mo sa pamilya mo sa probinsiya?” nag-aalalang tanong ng matanda sa kanya. “Naku, Manang huwag niyo po akong alalahanin may ipon po ako.” She didn’t bother whether she will lose for she knew that those two needed money the most. Nasa ospital ang kapatid ni Sonia habang nag-papaaral naman si April ng kapatid nito. And she didn’t really need her compensation as maid. She has her own money aside from her pay upon accepting this job. SAKTONG kalalabas lang ng banyo ni Stanley nang marinig niya ang mga katok. Kaagad niyang tinungo ang pinto at pinagbuksan kung sino man. “Sir, heto na po ang hapunan ninyo, “ saad ni Sonia habang inilalapag ang tray sa bedside table. “Thank you, Sonia,” pasalamat niya sa katulong. Akmang lalabas na ito nang tawagin ulit niya. “Sonia, how’s the new maid?” tanong nito sa kanya. “Okay naman po, Sir. Mabait at masipag po si Alexa. Akala ko nga ho walang alam parang hindi katulong ang itsura pero masipag po at marunong sa gawaing bahay,” sagot nito sa kanya. “Mabuti naman at hindi kayo pinapahirapan lalo na si Manang Lucia.” “Iyon lang po ba ang itatanong niyo, Sir?” tanong ni Sonia sa kanya. “That’s all, Sonia.” “Sige po sir. Lalabas na po ako,” paalam nito sa kanya. MAAGANG nagising si Alexa kinabukasan. Manang Lucia asked her to cook breakfast and clean the living room. She was busy cleaning the picture frames on the side table while listening music. Kagabi ay hiniram niya ang ipod ni Sonia na bigay raw ng amo nila noong nakaraang pasko. She was enjoying the beat of the song when she heard a very loud shout. “Hey you! Hindi mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka lang!” galit na tanong ni Dianne sa kanya nang makalapit. “Pasensiya na, Ma’am,” hinging-paumanhin niya rito. “Hindi ka pinapasweldo ng amo mo para lang humingi ka ng pasensiya dahil hindi mo ginagawa ang trabaho mo,” mataray nitong sabi sa kanya. “Mga mutsatsang walang silbi!” dagdag pa nito na kinairita niya. The line of her patience was slowly snapping minutes by minutes. She was controlling herself to spank this woman when Dianne grabbed the ipod in her hands and forcefully threw it on the floor. It shattered into pieces. Hindi pa ito nakontento. Kinuha pa nito ang cellphone niya na nasa kamay niya and threw it on the floor and stomped it. “Ganito dapat ang ginagawa sa mga mutsatsang katulad mo para magtanda ka. Sa uulitin gawin mo ang trabaho mo ng maayos at kung hindi kung ano-ano ang ginagawa mo. Kabago-bago mo palang dito,” dagdag pa nito habang patuloy na inapak-apakan ang cellphone niya. Namula si Alexa habang nakakuyom ang mga kamao. She gritted her teeth and shut her eyes. She was stilled at what she just witnessed. And what makes her furious was the fact that her cellphone and Sonia’s ipod was scattered into pieces in the floor. Halos naiiyak na siya sa galit. This daughter of a b***h! How dare you! She doesn’t mind her cellphone, she can buy one but Sonia’s ipod was a different case. That was their boss’ gift to her last Christmas. She deeply sighed and closed her eyes. One, two, three, she counted. Lumuhod siya sa sahig at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na piraso ng ipod at cellphone. She was gripping the pieces tightly that her hands was slowly bleeding. Nangingiting nakatingin lang si Dianne sa katulong at hindi pa nakontento sinipa pa nito ang ilang piraso na nasa paanan niya dahilan para tumilapon ito sa kung saan. "Bagay nga sa'yo 'yan b***h!" Agad naputol ang pagtitimping ginagawa niya sa ginawa ng babae. She quickly stood up and pushed Dianne dahilan para mawalan ito ng balance at napaupo sa sahig. Malakas na mapasigaw si Dianne sa pagkabigla. ”How dare you b***h! Stanley!” malakas na sigaw nito at malakas na pinagmumura siya. “What’s happening here?” tanong ni Stanley na humahangos pababa sa hagdanan. He helped Dianne stand up while looking at her new maid who was picking up something on the floor. “What’s going here, Dianne?” tanong ito sa kasintahan. “What did I do?” she said sarcasticly. “I just teach your new maid a lesson and look what she did to me? She pushed me. She pushed me!” sigaw nito at akmang lalapitan ang katulong para sugurin subalit napigilan ito ni Stanley. Stanley had an idea of what had happened. This scene was not new to him. Dianne often threw things when she dislikes something. At ang bago niyang katulong ang napagdiskitahan nito. He intensely looked at his new maid while picking up the things on the floor. Hindi lingid sa kanya ang namumulang mukha nito dahil sa galit. There was something on her eyes. Rage. No. Deeper than that. Mukhang papatay ito ng tao. Then he noticed her bleeding hands. “Alexa, go clean your hands. They’re bleeding,” utos nito sa kanya. But to his dismay, his maid was still looking for some pieces and picking them up, deaf to his command. “Alexa!” tawag niya rito. “See look at her,” Dianne said. “You should fire her now.” “Alexa!” tawag ulit niya sa dalaga but still she doesn’t listen and continued what she’s doing. “Alexa!” malakas na tawag niya rito. He knew that it was Dianne’s fault but she was disrespecting him now. What the hell does she want?, he thought. Lumingon naman ito sa kanya at tiningnan siya ng matalim. Her eyes speak anger while looking at them. “Go to Manang Lucia at sabihin mong ipaghain kami ng agahan. Tawagin mo si April para linisan 'yan,” utos niya rito at iginiya si Dianne patungo sa dining room. Galit na tumayo si Alexa at itinigil ang ginagawa at mabilis na tinungo ang kusina at tinawag si Manang Lucia. “Oh anong nangyari sa'yo, Alexa? Bakit dumudugo 'yang kamay mo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Makakapatay ako ng tao, Manang!” mahina niyang sagot sa matanda. “Ipaghain niyo na raw ang mga amo natin, Manang. Hahanapin ko lang si April. Pwede bang sa kwarto muna ako, Manang?” tanong niya sa matanda. “Sige lang. Mag-usap na lang tayo mamaya,” sabi nito at lumabas patungong dining area bitbit ang mga pagkain. Hinanap niya si April at sinabi nito ang pakay at pumasok sa kwarto nila. She spent the whole day in there. She didn’t go out to eat lunch and even dinner. Sabay-sabay na pumasok ng kwarto nila ang dalawang katulong kasama si Manang Lucia na may dalang pagkain para sa kanya. “Ano bang nangyari kanina, Alexa?” tanong ni Manang Lucia sa kanya. “Hindi naman sa nangingialam ako pero panay ang mura ni Ma’am Dianne kanina at sinasabing palayasin ka na?” So ito pa ang may ganang magalit?, she thought. She took the pieces of the broken ipod of Sonia together with the cellphone. “I’m sorry, Sonia. Don’t worry papalitan ko ito.” She’s so sorry for Sonia lalo nang makita niya itong napaluha habang kinukuha ang pira-pirasong ipod nito. “Papalitan ko 'yan Sonia. I’m sorry,” sabi niya rito at lumapit dito at niyakap. It maybe a small thing for others but she knew it’s a big thing for Sonia lalo na sa estado ng buhay nito. I will let that b***h pay for it. Humanda siya. “Okay lang, Alexa. Alam ko namang hindi ikaw ang may gawa nito," maluha-luha nitong sabi sa kanya. “'Yang Dianne talagang 'yan kahit kailan ugaling demonya!” galit na turan ni April. "Nang makita ko 'yan kanina habang naglilinis ako alam ko na agad na ipod ni Sonia. Hindi lang ako umimik dahil ayokong sumama ang loob mo, Sonia,” dagdag pa ito. “Don’t worry, Sonia I will let that b***h pay for this. And don’t worry papalitan ko 'yan ng mas maganda at mas bago. Huwag ka nang umiyak. Naguiguilty ako eh,” alo niya kay Sonia. “Lintik lang ang walang ganti. Hindi ko hahayaan na basta nalang tayo ganoon ganoonin ng bruhang iyon.” “As if naman makakaganti tayo doon. Di sisante na tayo!” sabi ni April. “Don’t worry, April akong bahala sa kanya. Hindi ko kayo ipapahamak,” sabi niya habang sumusubo sa pagkaing dala ni Manang Lucia. “Manood nalang tayo. May ibinigay si Mang Delfin kanina na bagong dvd. Bagong palabas daw iyon sa sine.” Sabay lapit sa tv at binuksan ito. Good thing about their rooms, may tv ito at dvd player na pwede nilang gamitin anytime. Habang masaya silang nanonood, lumabas naman si Manang Lucia para raw kumuha ng makakain nila habang nanonood. Buti nalang mabait sa kanila ang matanda at hindi sila nito pinapabayaan. Magiging mabait pa kaya ang mga ito kung malalaman nila kung sino talaga siya? *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD