ILANG ARAW NANG iniiwasan siya ng dalaga. Hindi na ito sumasabay sa pagpasok nila sa opisina. Palagi itong nauuna kung umalis. Pilit man niyang agahan ang paggising para matiyempuhan ito, mas uuna pa rin ito. Himutok niya kung natutulog pa ba ito dahil sa sobrang aga nito kunv gumising at pumasok sa opisina. Maging ang mga kasambahay niya ay walang masabi dahil kagaya niya ay halos hindi na rin nila ito nakikita o nakakausap. Kapag nasa opisina naman ay kumibo-dili ito. Kung hindi niya tatanungin ay hindi ito nagsasalita. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip kung paano ito makakausap ngunit ayaw naman niyang pilitin ito dahil baka mas lalong lumala at umalis ito. Pakunswelo na lang niya ay araw-araw pa rin niya itong nakikita dahil araw-araw pa naman itong pumapasok. At nakakausap pa