Chapter 9

2028 Words
Alexa hailed a taxi and went to her apartment. Gusto muna niyang mag-relax saglit after that incident. Kung hindi kasi ay baka makapatay siya ng tao. Mabuti nga at nakapagtimpi pa siya kani-kanina kung hindi ay kung ano na ang nagawa niya sa bruhang girlfriend ng amo at pati na rin sa amo niya.   Upon reaching her destination, she laid on the sofa. She felt exhausted dealing with her boss and his b***h. Mukhang magdadalawang-isip siya sa balak gawin. It’s just a job, A. No strings attached. You don’t do love. Love is for weak people just like your mom, pakunswelo niya sa sarili. Minutes later, Brandon came with Grace. Dala nito ang parcel na ipinakiusap niya kagabi. “You’re early, Babe,” bungad sa kanya ni Brandon. Tinaasan lang niya ng kilay ang bungad sa kanya ni Brandon. Mukhang maganda ang mood nito kaya sisirain niya mamaya. Damay damay na ito.  “Gracey Baby, where’s my pizza?” tanong niya kay Grace.Humiling kasi siya ng pizza rito dahil ito ang comfort food niya. Bawas init ulo iyon para sa kanya.  “Coming, Baby.” Sabay halik sa pisngi niya. “Hey that’s my baby, A,” sabi nito at lumapit sa kasintahan at hinila ito sa kabilang upuan. Tumawa lang si Amor sa ginawa ni Brandon. Anong ikinaseselos nito?  “Jealous? I can't believe na nagseselos ka sa'kin Bran,” palatak niya sa binata.  “Malay ko ba kung tipo mo talaga ang Baby ko kaya hanggang ngayon ay single ka pa rin.” Lumaki ang mata niya sa tinuran ni Brandon. Hindi niya napigilang damputin ang throw pillow sa tabi niya at ibinato sa binata.  “And what do you mean by that?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Nagkunwari siyang galit. Tingnan lang natin kung saan babagsak ang sinabi nito.  Piningot naman ni Grace ang tainga ni Brandon dahil sa narinig. “That’s rude, Brandon. Amor is my bestfriend since we're in college. I can't believe may ganyan kang iniisip sa kanya.” “Awwww! Baby. Let go. I was just teasing, A!” Pilit nitong hinihila ang kamay ni Grace sa tainga. “Teasing or not, that’s rude!” she exclaimed. At iyon na nga ang kinalabasan. Tatawa-tawa lang si Amor sa kanilang dalawa. She sticked her tongue out at Brandon nang pakawalan ni Grace ang tainga nito na ngayon ay namumula na. Hinilot- hilot ito ng binata at halatang nasaktan talaga sa ginawa ni Grace. Buti nga sa'yo! Nasa ganoong eksena sila nang biglang tumunog ang doorbell dahilan para tumigil si Grace sa panenermon nito kay Brandon. She went towards the door to get the pizza at binuksan agad ito at kinuha ang isa habang pabalik ito sa sala at sinimulang lantakan. She felt relieved.  “You really are the best, Gracey baby!” sabi nito habang nginunguya ang paborito niyang pizza. Nilapag niya ito sa center table pagkatapos ay itinataas ang mga paa sa sofa at nilantakan ito.  “So back to business, guys,” panimula niya.  “What’s your plan?” tanong ni Brandon sa kanya habang hinihilot-hilot ang tainga nito. “I need to get closer to him,” imporma niya sa mga ito. Anong closer iyan, A? “Elaborate closer, A,” sabi ni Grace sa kanya na nakataas ang kilay. May pagdududang siyang nakikita sa kislap ng mga mata nito. “Closer meaning I need to be closed to him everyday. Change of work,” anito habang kumukuha na naman ng panibagong pizza. “Change of work?” tanong ni Grace sa kanya. “As far as I remember, your line of work is to be a maid. Nothing more, nothing less.” “Iyon nga eh. Walang problema sa bahay nila. All systems and cameras are okay. The reason why walang magtatangka sa kanya doon. And Brandon can testify to that. Right Bran? But his work in the office, that’s vulnerable. Marami siyang makakasalamuhang tao and maybe one of them were the one trying to harm him as you mentioned before. So I say, I need to change my line of work,” mahabang paliwanag niya sa mga ito at kumuha na naman ng pizza at maganang nginuya. "Alam kong kayang-kaya niyong gawin iyon." Patango-tango naman ang dalawa habang nakikinig sa paliwanag niya, karagdagang paliwanag niya. Pinag-iisipan ng mga ito kung aayon sa sinabi niya o hindi. But she knew they will agree to her plan.  “Okay I get it!” sabi ni Brandon. “I think I can arrange that one. Leave it to me.” “Good! The sooner the better. I'm getting bored in this job,” palatak niya sa dalawa. Hindi naman kasi niya magawa ang trabaho niya dahil nasa bahay lang siya at ang babantayan niya ay nasa opisina nito. Hindi rin siya makalabas-labas dahil ano na lang ang sasabihin nina Manang Lucia kapag araw-araw siyang lumabas para manmanan ang amo nila. “And by the way, I need a new phone. Hindi niyo sinabing may demonyitang girlfriend pala ang boss ko. Nadali tuloy 'yong cellphone ko.” “Stanley doesn’t do girlfriend, A,” sagot ni Brandon sa kanya. “Dianne was just his fling.” “One of your flings too?”tanong niya rito trying to catch him. Nakita niyang pumalatak si Brandon which answered her suspicion.Matalim naman ang tingin ni Grace rito. She thought of something to play with Brandon and she got him with that statement. Siguradong aso’t pusa na naman ang mga ito. “That was before I meet you, Baby,” sabi nito kay Grace habang nakayakap ito sa likuran ng babae. “Just make it sure na noon iyon, Brandon dahil tatamaan ka sakin kapag nalaman kung hanggang ngayon fling niyo pa rin iyong bruhang iyon,” matigas na sambit ni Grac na kumakawala sa yakap ng kasintahan. "Hindi ka na nahiya. Siyota ng pinsan mo, siyota mo rin. Hindi ka ba nandidiri?" Tawa lang nang tawa si Amor sa dalawa. Love really weakens people. Patunay si Brandon dito. Tigasin sa lahat ng bagay at walang inuurungan but with just a look from Grace para na itong natutunaw at tumitiklop na kaagad. Kulang na lang ay magtago ito sa lungga kagaya ng mga pagong. Nakasimangot na inilapag ni Brandon sa harapan niya ang parcel na ipinakiusap niya dito. It was a latest ipod. Siguradong matutuwa nito si Sonia. “I’ll wire my p*****t to you pagdumating na 'yong bagong phone ko,” nangingiting sabi niya rito na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin dahil sa LQ nila ni Grace. “Gracey baby, bati na kayo ni Bran! Sigurado naman akong one and only ka niya ngayon. Takot lang niya sayo,” malambing niyang sabi kay Grace. Natawa naman si Grace sa kanya. Alam niyang nagtatampo lang ito kuno. Grace loves to tease Brandon. And she loves to tease him too. “So do you have anything else?” tanong sa kanya ni Grace. “Aalis na kami kung wala ka nang sasabihin. Babalik pa kasi ako ng ospital.” “I’ll come with you two. Just drop me by the nearest mall. Bibili na lang ako ng cellphone,” sabi niya sabay abot sa box ng pizza at bag at tumayo na at sumunod kila Brandon at Grace palabas ng apartment. Brandon dropped her at the nearest mall. Nagpaalam siya sa dalawa at sinabing iu-update niya ang mga ito.She happily entered in the mall and look for cellphone stalls. After buying a new cheap phone, she roamed around hoping to see items that will get her interest. Then she caught a glimpse of a familiar figure in a jewelry store. Dahan-dahan siyang lumapit dito upang matiyak kung tama ba ang nasa isip niya. What is he doing here? tanong niya nang matiyak na tama nga siya. She saw her boss looking for something asking for the help of the sales lady. Tumaas ang kilay niya nang makita ang matamis na ngiti ng sales lady rito. Mabilis siyang nagtago sa gilid ng store nabg makitang lumingon ang amo. Ano ba ang ginagawa mo, A? Why stalking your boss? Kastigo niya sa sarili at dali-daling umalis na doon patungo sa grocery department ng mall. Inabala niya ng sarili sa pamimili ng mga pangangailangan. She decided to take out burger and fries on a fastfood before going home. STANLEY felt someone was looking at him so he glanced at his back. Nang makitang wala namang pamilyar na mukha rito ay ipinagpatuloy niya ang pamimili. He doesn’t have an intention to buy something in the store pero pinakiusapan siya ng kaibigang si Rohan na kunin ang ipinagawa nitong singsing para sa kasintahan nito. Looks like his friend is going to propose marriage to her beloved. Isa na naman sa mga kaibigan niya ang magpapasakal este magpapakasal. Naiiling na lang sa naisip. Marriage wasn’t part of his list and never will do. He was about to leave the store when something caught his attention. Lumapit siya rito at pinakatitigan iyon. It was a very simple gold necklace na may pendant na isang maliit na pabilog na tube. He was sure that she will love it. While the sales lady was packing her item he called Rohan. “Hello, de Villa. Meet you at Demon’s later. Got your package,” he called. “Thanks, man! See yah later!” sagot ni Rohan at nagpaalam na rin. He immediately went to the mall parking lot and was about to enter his car when he saw Alexa in the sidewalk waiting for a cab. He drove off his car and went to her side. “Hop in, Alexa!” sabi niya sabay bukas sa passenger side ng kotse. “Naku Sir Stanley, kayo po pala,” sabi nito. “Salamat na lang po pero may pupuntahan pa po ako eh,” tanggi niya rito. “Isasabay na kita. Andami ng dala mo,” giit nito sa kanya. “Naku huwag na, Sir. Salamat na lang talaga. Yakang-yaka ko na po eto. Hindi naman siya gaanong mabigat.” “I insist, Alexa.” Nauubusan  na ito ng pasensiya. Women will die just for him to give them a ride but this stubborn lady was not one of them. At ikinapuputok ng butse niya iyon. “Salamat talaga, Sir,” giit pa rin nito. “You’ll get in the car, Alexa or I will fire you. You choose,” matigas na sabi niya rito. Dali-dali namang pumasok si Alexa sa loob ng kotse dahil sa narinig. Tama nga ang panakot niya, ang sesantehin ito, she will bite it. Tumaas ang gilid ng mga labi ni Stanley habang papasok si Alexa sa kotse niya. “So may daraanan ka pa bago umuwi?” tanong nito kay Alexa habang binabaybay ang daan pauwi. “Next time na lang, Sir. Uwi na lang po tayo.” The ride home was filled with silence. Alexa was just looking by the window as if memorizing every detail of the road. Panaka-naka namang pinagmamasdan ni Stanley ang katabing dalaga. His nostrils were filled with the scent of lilac. It’s captivating him and it’s intoxicating. Naninibago siya sa nararamdaman niya para sa dalaga. He had been with lots of women yet she was the only one who made him feel this way. Naputol ang malalim niyang pag-iisip when he heard a loud thug on the passenger side of his car. Sa sobrang lakas nito ay umikot-ikot ang sasakyan bago sumalpok sa isang pader. Stanley immediately look at Alexa’s side. He unbuckled his seatbeat and reached for Alexa. Hindi niya alintana ang mga sugat at dumudugong noo dahil sa pagsalpukan ng sasakyan nila. His attention was focused on the woman beside him. “Alexa! Alexa! Can you hear me?” nanghihinang tanong niya sa dalaga. Mahina itong dumadaing at tinatawag ang pangalan niya. Pilit niyang tinatanggal ang strap ng seatbelt nito kahit nakakaramdam na siya ng panghihina. Lumalabo na rin ang paningin niya dahil sa dugong dumaladoy sa kanyang mukha. “Alexa! Alexa! Wake up!” tawag niya sa dalaga subalit hindi na ito gumagalaw. “Alexa!” muli niyang tawag sa dalaga hanggang tuluyan ng magdilim ang kanyang paningin. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD