Chapter 17

2101 Words

HINDI MAKATULOG si Stanley. Pabaling-baling siya sa kanyang higaan. Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang tawag na natanggap ng dalaga habang pauwi sila kanina. Nagngingitngit ang kanyang kalooban sa kung sino man iyon. Matinding selos ang nararamdaman niya ngayon. Inilamukos niya ang mga kamay sa mukha at padabog na bumangon dahil hindi rin naman siya dalawin ng antok kahit na anong gawin niya. Napapagod na ang mga mata niyang nakapikit pero hindi naman siya dalawin ng antok. Isinandal niya ang likod sa headboard ng kama at tumingala sa kisame ng kwarto. “Who the hell was that? D*mmit!” kausap niya sa sarili. Para na siyang nababaliw sa kakaisip kung sino ba iyon at kung ano ang relasyon nito sa dalaga.  Pinanggigilan niyang sakalin ang unan na hawak at nang magsawa ay ibinato pa ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD