Kabanata 5

1116 Words
Shae's PoV "Oo pwede kana lumabas"iyon nalang na sabi ko dahil sobrang sakit na ng mga nalalaman ko kaya ko pa kayang mag trabaho sa kanya? Pagkalabas niya bumangon kaagad ako at nilock ko ang pinto hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko bakit nasasaktan ako sa tuwing maririnig ko na ibang lumalabas sa bibig niyang babae. Totoo nga bang may mahal na siyang iba? Totoo nga bang taken na siya kung totoo naman sana naman maghiwalay sila. Ay takte!! ano bang pinagiisip ko nandiyan naman si Kei hindi naman siguro masamang umibig sa sa kanya hindi ba? Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at tinawagan ko ang phone ni Kei kaso ang tagal niyang sagutin kaya tinext ko nalang siya na mag kita kami sa labas ng kompanya mamaya may itatanong at sasabihin lang ako sa kanya. Binuksan ko ang pinto at tumingin ako sa dalawang sides kung nandito pa siya pero wala naman siguro. Ano ako may bodyguard? Nagsimula na ako mag lakad kahit na masakit pa ang ulo ko pinilit ko pa rin. Nakalabas na ako ng kompanya at tinignan ko kung nandoon na si Kei pero wala paLalabas na sana ako ng may makita akong babae na kinausap ang mga guard dito kaya naman ako si chismosa nakinig. "Sino po sila miss?"tanong ng isang guard. "I'm Matt's fiance papasukin niyo ako"nanlaki ang mga mata ko at nag skip ng heartbeat ang puso ko bakit parang sinaksak ako ng ilang beses nanaman? "Fiance?!"nagulat ang mga guard at binaba ng babae ang salamin niya kaya nakita ko ang mukha niya blonde ang buhok niya at gupit lalaki ang buhok niya at may itim na nakalagay sa leeg niya. "Anong kailangan mo?"narinig ko ang boses ni Matt at pumulupot ang babae kay matt kaya napayuko ako at tuluyan nang umalis. Hindi ko na kayang nakikita silang dalawa na nag lalandian sa harapan ko lalo na 'yong babaeng mukhang napakabitch pa kaya hindi na ako mangingipasok sa relasyon nila. Dahil fiance niya na si Matt at ako isang babaeng mahal si matt at hindi na ako pwede sa kanya dahil may nag mamayari na sa kanya at hindi ako 'yon. "Shae!"narinig ko ang pagtawag sa akin ni kei kaya napalingon ako at lumapit na sa kanya buti nalang nandito na si Kei. "Ang aga mo para sa umaga!"pangaasar ko sa kanya at ngumisi naman siya. "Ano ba kasi nangyari ha? Bakit mo ako tinawagan at tinext?"tanong niya saakin at tumingin ulit ako sa gawi nila Matt at ng babae na papasok na sa loob kaya iniwas ko na ang tingin ko sa kanila. "Ahhh.. Si Matt pala dahil kay Matt dahil nakita mo na ang fiance niya"sabi niya sa akin at hinawakan niya bigla ang kamay ko at sabay umalis doon sa mismong harapan ng kompanya. Pumasok kami sa kotse niya at tahimik kaming nagbibiyahe nakarating kami sa isang dagat kung saan tahimik lang at bumaba siya doon at pinagbuksan pa ako ng pinto. "Dito lang kita madadala dahil nakakagaan ng loob dito"sabi niya at umupo sa buhangin kaya tumabi na rin ako sa kanya at tumingin sa mga kaunting taong naglalakad. "Alam kong masakit makita silang dalawa dahil parehas lang tayo nasasaktan tayong parehas."sabi niya kaya nagulat ako anong ibig niyang sabihin na nasasaktan din siya? "Anong ibig mong sabihin na nasasaktan ka din?"tanong ko sa kanya "Dahil 'yong fiance niya ex-girlfriend ko."hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at napaluluon nalang ako ng laway ko paano na ako mag sasabi kay kei nito kung pwede sa kanya nalang ang pagmamahal ko? "Ganun ba?"sabi ko at tumingin sa bawat daliri ng paa ko na nakalubog sa buhangin. "Oo, ang pangalan niya ay Joice tyler na magiging mendoza na"sabi niya kaya hindi na ako nakaimik paano ko pa kaya pag papatuloy ang pagmamahal ko kay Matt? Tumayo ako at umunat sanhi para hindi niya malaman na umiiyak na ako sa kaloob-looban ko hindi ko na kasi kayang nasasaktan ng ganito ng sobra sobra. Siguro nga hindi kami nararapat ni Matt at hinding hindi siya magigign akin kahit kailan tapos nagsimula na akong maglakad hindi ko na hinintay pa si kei na sundan ako. Maya maya may humawak sa kamay ko at inikot ako paharap sa humila sa akin at nakita ko si Kei na nag aalala ang itsura niya kaya nagulat naman ako. "Bakit?"nauutal kong tanong sa kanya. "Kung inaakala mong mahal ko pa ang babaeng 'yon, ang totoo hindi na dahil iba na ang nilalaman nito"sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso at sino naman kaya ang nilalaman ng puso niya? "Sino naman?"tanong ko sa kanya at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Ikaw."nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung bakit huminto ang oras sa mga sinabi niya bakit ako? Wala naman akong ginawa sa kanya? para magustuhan niya ako wala naman din akong ganda para magustuhan niya ako pero bakit ako pa? Ibig sabihin ba nito sumuko na siya kay Joice at wala na din akong chance kay Matt? Napayuko ako at hindi ko na napigilan hindi pumatak ang luha ko kaya napayakap nalamang ako kay Kei ng sobrang higpit. "Wala na nga ba akong chance kay Matt?"mangiyak ngiyak kong sabi at hindi siya umiimik. "Talaga bang susuko kana kay Joice na 'yon?"tanong ko pa ulit at humagulgol ako ng malakas. "Sabihin mong hindi mo ako gusto! ayokong makuha si Matt ng ganun na lamang mahal na mahal ko siya ayokong makuha siya ng iba!"sigaw ko at bigla siyang kumalas ng pagkakayap. "Wala na ba talaga akong puwesto diyan sa puso mo?"tanong niya sa akin. "Hindi kana ba pwede ulit mag mahal?"dugtong pa niya at may kinuha siya sa bulsa niya na isang singsing kaya naman nagulat ako. "Let's get married. Gusto mo ba talagang sabihin ko sayo ang nararamdaman ng matt na 'yon?"sabi niya sa akin at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ng una. "Bakit may alam ka ba sa nararamdaman ni Matt?"medyo nainis na din ako sa tanong ko dahil napakaselfish niya gusto niya akong angkinin na hindi ko naman siya mahal. "Mahal ka niya, gusto ka niya since ng pumasok ka sa trabaho niya. Hindi mo ba naalala na siya ang childhood friend mo?!"pagalit niya sabi sa akin, anong pinagsasabi niya? Wala akong maalala noon bata pa ako at ang alam ko lang nagising ako sa isang hospital. "Isa ako doon shae! isa ako doon na childhood friend mo na ngayon ay bestfriend mo na!"sabi niya kaya nakaramdam ako ng sakit sa ulo na hindi ko alam kung bakit. "Tama na!! huwag mo nang paalala sa akin lahat!"sigaw ko at napaupo ako sa sobrang sakit ng ulo ko. "Shae! Hindi kayo bagay sa isa't isa at tayo ang dapat!"sigaw niya kaya tuluyan na akong nahimatay at may nag flash na salita sa isipan ko. "I'm going to married you Shae."boses ni Matt 'yon pero bakit nga ba siya nasa alala ko noong bata pa ako? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD