1

2568 Words
Hindi maiwasan ni Linus ang matawa nang hagurin ni Storm ng tingin ang katawan niya. Kakatapos lang niyang maligo at tanging maliit na tuwalya lang ang pinatatakip sa maselang bahagi ng katawan. “Hoy, pinagnanasahan mo na naman ako,” sita niya sa lalaking nakaupo sa kama niya. Storm blushed and looked away. Natawa naman siya saka dumiretso sa closet niya sa kaliwa ng sofa bed. Saktong pagkasuot niya ng itim na boxer brief nang maramdaman niya ang pagyakap ni Storm sa kanya mula sa likod. "s**t, Linus. Why are you so perfect?" bulong nito saka inilubog ang ilong sa likod niya. “Ang bango mo rin.” Napailing-iling siya. Pagkuwa’y, kumalas siya sa lalaki saka pumihit paharap. "Perfect ka dyan?" tugon niya saka pinalo ang bilbil. "Tamo oh? Taba!" Storm looked down at his tummy and giggled like an innocent kid. "Which is why you're perfect,” nakangiting sagot nito saka ipinatong ang kamay sa dibdib niya at pasimple iyong nilamas. “You have a nice build but still soft enough to be cuddly.” Tumingkayad ito saka kumunyapit sa kanya. “Para kang giant teddy bear na pwede kong yakapin habang natutulog." Shit, bakit ba ang cute-cute niya? Now that they were this close, hindi na mapigilan ni Linus ang mamula. Even if Storm wasn’t an effeminate type, there was something on the way he moves that was so adorable. And it’s making him hard! Linus smirked. "Pero bago ka matulog, papagurin muna kita sa kama." Napamulagat ito. "What the hell, Linus?" And now, he’s blushing. Shit. Nakakagigil ka talaga, Storm! Humalakhak si Linus. Pagkuwa’y pinangko niya ang lalaki na parang sanggol at ibinalya sa kama. Then, he landed on the top of Storm. “A-Anong gagawin mo?” nauutal na sambit nito. Dilat na dilat ang mga mata tapos namumula pa. Ngumisi si Linus. "Baby, this is what you've signed up for,” saad niya sa mapang-akit na tono. “Inakit mo ako. Ngayon, panindigan mo." Napasinghap si Storm at napapikit nang ilapit niya ang mukha rito. But he stopped midway. Hindi iyon ang plano niya. Mabilis niyang inilapit ang mga daliri sa tagiliran nito saka kiniliti. As expect, agad na tumawa nang malakas si Storm. “Linus, stop it! Hahaha! Oh my God!” bulalas pa nito habang pinipilit na kumawala sa kanya. Pero ano na lang bang laban nito sa bigat niya? Nang manawa, umalis si Linus sa ibabaw nito saka humiga sa kaliwa. Pareho silang naghahabol ng hininga kakatawa. “Nakakainis ka kamo, Linus,” reklamo ni Storm habang minamasahe ang mga panga. Mahina siyang natawa saka tumagilid at niyapos ito. “Bakit? Disappointed ka bang iyon lang ang ginawa ko?” kantyaw niya. “T-Tange, hindi iyon!” Pero iyon na naman si Storm at namumula. “E ano pala?” “Ma… masakit lang panga ko. Kakatawa.” “Okay na yan. Kesa naman sumakit kakachupa.” Ngumisi siya. Muli itong napamulagat saka siya pinalo sa dibdib. “Tse! Bastos!” Tapos, tinalikuran siya nito. Natawa na naman siya. “Napikon ka na naman.” “Hmp!” Napaikot pa ito ng mga mata. He laughed again and pulled Storm closer. Tapos, pinilit niya itong humarap sa kanya. “Sorry na, baby. Wag ka nang magalit.” Ngumuso pa siya, gaya ng ginagawa ni Storm kapag nagpapa-cute ito sa kanya. “Hmp!” kunwaring pagtataray nito pero pinipigilan naman ang mapangiti. Napailing-iling na lang siya saka hinagkan ang noo nito. Tapos, humikab siya. “Tulog na tayo. Inaantok na ako,” sambit niya pagkatapos. “Sure.” Tapos, lalo pa itong sumiksik palapit sa kanya. Inabot niya ang switch sa ibabaw ng headboard para patayin ang ilaw. “Good night, Storm.” “Good night din, Linus.” Hinagkan niya ang noo nito saka siya pumikit. Yet even when he’s trying to fall asleep, he couldn’t stop smiling. How could he not? This adorable guy was in his arms, acting lovey-dovey with him. Well, wala pa silang label talaga, but who cares? They were going there. For now, he needed to sort his thoughts out. Napawi ang ngiti niya saka dahan-dahang dumilat. Through the faint light coming from the outside, he saw Storm’s face. Mukhang natutulog na rin ang lalaki, at gaya parati, ang cute-cute nito. Nakatulis kasi ang nguso na para bang sanggol na may sinusupsop na pacifier. Paano nga ba sila nauwi sa ganito? The last time Linus remembered, he was madly in love with Eirika, a woman who happened to be Storm’s best friend. First love niya ang babae, at magpasa hanggang ngayon, ramdam niyang may pagtingin pa rin siya rito. So paano nangyaring nasa mga bisig niya ang lalaking ito? Ang lalaking puro kalokohan at sakit ng ulo ang dulot sa kanya, pero sa kabila niyon, hindi pa rin niya magawang magalit? Storm just had an effective way of using his cuteness to make people’s ill feelings go away -- including his frustration on how Eirika could not reciprocate his love for her. Paano nga ba? Ah, tama. It all started with that stupid love potion. Napaismid siya. Para dapat kay Eirika ang potion na iyon pero kay Storm niya na gamit. And now, he had no choice but to deal with all of the craziness that revolved around this guy, who was a walking disaster… - A few months ago… Ang ganda-ganda niya talaga, hindi maiwasan ni Linus na maisip habang nakatingin sa isang babaeng nakaupo sa katabing pavilion ng inookyupa niya. Gaya ng parati, napapalibutan ito ng mga kaklase at masaya itong nakikipag-usap. The girl he was referring to was Shiloah Eirika Fortaleja, isang first year HRM student. Chinita ito at may pinkish white na balat, palibhasa’y galing sa pamilyang may lahing Chinese-Spanish. Maya-maya’y, tumawa si Eirika matapos magbiro ang kausap nitong kaklaseng lalaki. Mahinhin ang pagtawa nito. Napatakip pa nga ng bibig gamit ang kanang kamay nito. Grabe, para siyang angel! Nakangiti siyang bumuntonghininga. Ang saya siguro kapag naging girlfriend ko siya-- Napitlag na lang siya nang biglang mapatingin si Eirika sa kanya. Taranta tuloy siyang umiwas ng tingin. “Hi, Kuya Linus!” malugod nitong pagbati sa kanya. Kumaway pa nga ito. Nahihiyang gumanti siya ng pagkaway. “H-Hi,” nauutal din niyang sabi. Eirika flashed a very beautiful smile, and it took everything in Linus to force himself not blush. Kung bakit ba naman kasi napakagandang babae nito. Kahit yata bakla, magkaka-crush dito! Akmang tatayo na sana siya para makisama sa grupo nito kung hindi lang biglang huminto ang isang itim na BMW sa tapat ni Eirika. Agad na tumayo ang babae. “Paano, guys, mauuna na ako, ha?” paalam nito sa mga kasama habang sinasabit ang hand bag sa kaliwang balikat. Nakipag-beso-beso ito sa mga kaklase. Yumakap pa nga sa ilang lalaking nag-initiate. Then, Eirika faced him. “Bye, Kuya Linus!” Kinawayan lang niya ito. Then, Eirika turned to her back and approached the car. A tall guy who was holding the door at the back seat open. “Hi, Kuya Seth,” bati pa nito sa lalaki saka pumasok sa loob ng kotse. Then, the guy closed the door and faced Eirika’s classmate. “Thank you for staying with Lady Eirika,” sabi pa nito habang nakayukod. It garnered amused ooohs and aaahs from Eirika’s classmates. Tapos, gumawi ang lalaki papunta sa shotgun seat. Ilang sandali pa, umandar na ang kotse. Sinundan ni Linus ng tingin ang kotse hanggang sa mawala iyon nang tuluyan sa paningin niya. Pagkuwa’y bumuntonghininga siya. He’s really in love with Eirika, but it was hopeless for him. Bukod sa sobrang ganda ng babae, napakayaman din nito. She hailed from the clan of Fortalejas, one of the richest families in Asia. Samantalang siya? Napahawak siya sa tiyan niyang nakaumbok. He’s been fat ever since he’s young. Hindi rin siya gwapo. Pawisin pa siya kaya madalas siyang makantiyawang mamantikang baboy. His family might be rich, but they weren’t as rich as the Fortalejas. Maybe some people would argue na pwede niyang ipanlaban ang ugali niya. Pwede naman nga, but he’s studying in Universidad de Santa Juana de Arco, one of the most expensive universities in the country. Sa dami ng gwapo at rich kid dito, imposibleng hindi makahanap si Eirika ng maganda rin ang ugali. Ano na lang ang laban niya sa mga full packaged? Napabuga na lang siya muli ng hangin. Bakit ba kasi ang malas niya? - Hindi na rin nagtagal si Linus. Niligpit na niya ang mga gamit saka naglakad pauwi sa condo unit hindi hindi kalayuan sa pinapasukang eskwelahan. Bakit kaya hindi ako naalala ni Eirika? isip niya habang naglalakad. Nakabulsa pa ang mga kamay niya sa suot na itim na slacks. Tamo, kinukuya pa ako. E magka-edad lang naman kami. Third year na siya sa kursong HRM, and he’s 20 years old. His love for Eirika was not just a simple infatuation. It all started when they were in elementary. He used to be an awkward kid, hence why his classmates were bullying him. But everything changed when Eirika intervened. Pinagtanggol siya nito, at sinabing hindi nito bati ang mga mang-aaway sa kanya. Dahil classroom muse nila si Eirika at maraming nagkaka-crush dito, napilitang sumunod ang mga kaklase niya. Since then, his school days became bearable. Naging close friend din sila ni Eirika, until she transferred to other school on the following year. He never forgot about her. Kaya nang malaman niyang freshman student ito sa department nila, ganoon na lang ang tuwa niya. Ang akala rin niyang babalik din ang pagkakaibigan nila, only for him to find out Eirika didn’t remember him at all. Napatigil sa paglalakad si Linus saka napabuntong-hininga. “Kung gwapo lang sana ako, maglalakas-loob talaga akong ligawan ka,” bulong niya sa sarili saka napailing-iling. Then, he looked around and realized na malapit na pala siya sa condo unit niya. Tatawid na lang siya. “Pssst!” Natigilan si Linus saka lumingon-lingon sa paligid. “Pssst! Nandito ako sa likod mo, pogi.” He turned to his back and saw an old woman. Sa tabi nito ay mayroong retractable table kung saan nakapatong ang iba’t ibang mga abubot. “Halika dito, pogi,” sabi muli ng matanda. Nagtatakang tinuro ni Linus ang sarili. “Ako ho ba?” “Oo naman. Sino pa bang pogi dito?” Okay na sana ang pagpuri nito pero wala naman siyang kasamang ibang tao nang sandaling iyon. Napailing-iling na lang siya saka lumapit sa babae. Ibinaling niya ang tingin sa mga paninda nito. Mga accessory iyon na may tribal design. Kinuha niya ang isang necklace na may pendant na parang pangil ng sabertooth tiger. “Magkano ho ito?” tanong niya sa babae. “Nako, pogi, hindi iyan ang kailangan mo.” Ngumiti ito saka tinaas ang pulang sapin ng mesa at inilabas ang isang clear na botelya na may cork. “Ito ang kailangan mo.” Nagtataka siyang inabot iyon. “Ano ho ito?” tanong niya habang tinitingnan ang laman niyon. May kulay pink na likido sa loob niyon. May mga nakita rin siyang mga petals na pinino. “Love potion iyan, pogi.” Gulat siyang napatingin sa matanda. “Ho?” Ngumiti ito. “Namomorblema ka sa pag-ibig, di ba?” Napakurap-kurap siya. “Paano n’yo ho nalaman?” Tinapat nito ang daliri sa bibig saka tumingin-tingin sa paligid. “Sikreto lang natin ito, ha?” Sumenyas itong lumapit siya. Nang yumukod siya, binulong nitong, “Witch ako.” Napamulagat siya saka napalayo. Muling sumenyas ang matanda na wag maingay. “Kaya ko alam na namomorblema ka sa pag-ibig. Nababasa ko kasi ang laman ng isip mo.” Tapos, pumikit ito at tinapat ang dalawang hintuturo sa sentido. “Nakikita ko ang babaeng nagugustuhan mo. Mahaba ang buhok… maputi… saktuhan ang tangkad… balingkinitan ang katawan… matangos ang ilong… maliit ang mukha… mahinhin… ano pa?” Lalo lang nandilat ang mga mata ni Linus. She perfectly described Eirika! Pero paano? Muling dumilat ang matanda. “Higit sa lahat, busilak ang puso niya. Kaya ikaw ay patay na patay sa kanya.” Napalunok siya saka muling ibinaling ang tingin sa potion. “Paano n’yo naman masisigurong epektitbo itong love potion?” “May success rate iyan na 99%. Maniwala ka sakin. Sa sobrang in-demand niyan, limited edition lang lagi ang binebenta ko. Kaya inaalok ko lang sa totoong nangangailangan, gaya mo,” confident na sabi nito. “Wow,” usal na lang niya. Hindi niya inasahang maririnig niya ang mga salitang gaya ng success rate, in-demand, at limited edition mula sa matandang babae na ito. Kaso, gumagana ba talaga? Tinitigan niyang mabui ang laman niyon. Feeling ko, sine-sales talk lang ako nito. Dahil nahalatang hindi siya kumbinsido, kinuha ng babae ang napili niyang kwintas saka itinabi sa potion. “Dahil first customer kita, ibibigay ko na lang sayo iyang potion pati itong kuwintas sa halagang two hundred,” sabi nito muli. “Good deal na iyan. May love potion ka na, may bago ka pang accessory pampapogi sa first date ninyo.” Bigla siyang nalungkot sa narinig. Pasado alas cuatro na niyon. Kung mula pa kaninang umaga narito ang babae, ibig sabihin, tiniis nito ang init at polusyon para sa kakapiranggot nakita? Napabuga siya ng hangin saka inabot ang wallet sa bulsa. “Sige ho, Manang, bilhin ko na yan.” Kumislap ang mga mata ng babae. “Talaga, pogi?” Tumango siya saka naglabas ng 500-peso bill. “Bayad ko ho. Keep the change na rin.” “Nako, salamat, pogi!” Kumuha ito ng plastc pero agad niya itong pinigilan at sinabing malapit lang naman ang uuwian niya kaya hindi na niya kailangan. Inabot ng babae ang mga nakuha niya saka muling nagpasalamat. Pero may pahabol ito bago siya umalis. “Siya nga pala, pogi, paalala lang,” panimula nito. “Sobrang epektibo ng potion na iyan kaya siguraduhin mo lang na gagamitin mo iyan sa taong iibigin mo talagang tunay.” Tiningnan niya muli ang potion. “Talaga, ho?” “Oo. Kaya wag na wag mong basta-basta gagamitin iyan.” Tumango-tango siya. “E paano kung halimbawa, ginamit ko sa di ko naman gusto--” “Nako! Nako! Nako!” irit nito. “Wag na wag mong gagawin iyan.” “Bakit naman, ho?” Lumunok ito. “Dahil…” “Dahil?” Isa pa ulit na lunok. “Mamalasin ka na habambuhay, maliban na lang kung matututunan mo rin siyang ibigin.” Saglit siyang nag-isip. “So, magiging parang curse ito?” “Oo, pogi. Magiging sumpa iyan sayo kaya kung ako sayo, ingatan mo ang paggamit niyan.” Napailing-iling na lang si Linus saka nagpaalam na sa matanda. “Salamat ulit, Linus, ha? Wag mong kakalimutan ang warning ko sayo!” pahabol nito. Tinaas niya ang kaliwang kamay at kumaway patalikod. “Sige ho! Makakaasa kayo!” Saktong nag-green na rin ang signal para sa pedestrian lane kaya tumawid na siya. Wag kong gagamitin sa hindi ko mahal, ha? isip niya nang nasa kabilang side na siya ng daan. Muli siyang tumigil sa paglalakad at tiningnan ang potion. May talent itong si Manang sa pagse-sales talk, ha? Tamo, tinawag pa ako sa pangalan ko-- Natigilan siya.”Teka, bakit alam niya ang pangalan ko?” He didn’t remember telling her his name! Muli niyang ibinaling ang tingin sa matanda, dahilan para matulala siya. Ang kaninang pwesto nito… ngayon ay bakante na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD