03

2120 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "I'm Clark Jimenez, personal lawyer at secretary ni Mr. Gustavo. Dahil nakapag-decide na kayo na ihandle ang company at iba pang business ng mga Gustavo nandito ako para personal na i-assist kayo." Hindi pinansin ni Sebastian ang lalaki at pinagpatuloy nito ang pag-check ng folder. "Wala pa sa actual training si Boss para na talaga siyang CEO," bulong ni Genesis kay Renz bago tiningnan ang magiging assistant ni Sebastian. Bahagyang tiningnan ni Sebastian si Genesis na nakatingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng table niya. Tiningnan din nito si Clark na nakatingin sa kanya. Napa-pokerface si Sebastian. Nagtaka si Clark kaya mabilis itong yumuko. Gwapo din ang lalaki at mas papasa itong model kaysa assistant, mukhang nasa 24 years old lang din ito, halatang mataas ang pinag-aralan dahil sa behavior nito at confident sa sarili. Siniko ni Renz si Genesis kaya napatingin ang dalaga. Nakatingin si Renz kay Sebastian kaya napatingin din ang babae kay Sebastian na kakaiba ang tingin sa kanya. "Lumabas na kayo Renz at Genesis. Ipatatawag ko na lang kayo kung may kailangan ako," malamig na sambit ni Sebastian. Agad tumalima sina Renz dahil halatang wala sa mood ang binata. "Anong nangyari? May mali na naman ba nakain si Boss?" tanong ni Genesis kay Renz na kasalukuyang inaayos ang buhok. "Kung mukhang poisonous lang din naman ang tinutukoy mo young lady. Wala ng tatalo sa luto mo." "Nangaasar ka ba Alejandro?" "Hindi young lady, I just telling the truth." Ayon nga dahil hindi naman lumabas pa si Sebastian sa office niya wala ng ginawa sina Renz at Genesis kung hindi magliwaliw. Nakatayo lang si Renz sa pinto ng opisina habang si Genesis nakadapa sa sofa na nasa living room at nakasimangot. "I don't mind kung wala akong ginagawa at nakatayo lang sa loob ng opisina basta nakikita ko gwapong mukha ng squirrel na iyon huhu," bubulong-bulong na sambit ni Genesis hanggang sa mapatingin siya sa hagdan ng may lalaking bumaba. Lumiwanag ang mukha ni Genesis matapos makita ang lalaki at mabilis na tumayo. "Tapos na ba si Boss?" tanong ni Genesis sa binata matapos salubungin si Clark. Tinitigan siya ni Clark kaya hindi maiwasan ni Genesis na magtaka. Umiwas ito ng tingin at nilagay ang kamay sa bulsa. "Imposible na matapos iyon ni Mr.Gustavo ng isang araw. Kukuha lang ako ng tubig kaya ako bumaba." "Kumain na din kayo Mr. Jimenez hehe. Alam ko po may niluto na silang dinner." Niyaya ni Genesis ang lalaki sa kusina at tinawag ang isa sa mga katulong para iimporma ang existance ng binata. Bahagyang bumagsak ang balikat ni Genesis matapos malaman na hindi pa niya makikita si Sebastian. "Oy Genesis!" Napatingin si Genesis sa hagdan na hindi malayo sa bukana ng kusina matapos marinig si Renz. Nasa itaas ito ng hagdan at nakasilip lang. "Pinatatawag ka ni Sir." Tuluyan lumiwanag ang mukha ni Genesis matapos malaman iyon. Tumakbo agad ang lalaki pataas at nilampasan si Renz. Hindi naman nakalampas sa mata ni Renz ang pagsunod ng tingin ni Clark Jimenez kay Genesis. "Ano kayang mga kasalanan ni Young lady 'nong past life niya at lapitin siya ng mga problema," bulong ni Renz bago tumalikod at tuluyan na din umakyat pataas. "Malalaking tao ang nakakasama ni Young lady at hindi malayong iba sa kanila kilala siya kahit pa sabihin na binago nito ang feature at appearance niya as a Salcedo." — "Boss!" Binuksan ni Genesis ang pintuan. Doon nakita niya si Sebastian na may suot na salamin. Sa harap nito tambak ang mga libro, papel at folder na nasa ibabaw lang din ng lamesa. Hindi maiwasan ni Genesis na mas kuminang ang mata matapos makita ang serious side ng binata. "Hihi kapag nakakakita ako ng mga taong stressed sa loob ng opisina ang haggard nila tingnan tapos kapag ikaw ang hot! Nasaan ang hustisya Sir Sebastian." Lumapit si Genesis sa lamesa. Tiningnan siya ni Sebastian kaya ang ginawa ng dalaga binaba nito ang sarili at pinatong ang ulo sa lamesa. "Namis mo ba ang kagandahan ko boss at pinatawag mo ako?" tanong ni Genesis na kinurap-kurap ang mata naging dahilan para mapailing ang binata. Tinanggal nito ang salamin at bahagyang hinilot ang bridge ng ilong habang pinipigilan mapangiti. "Iniisip ko lang kung anong mas nakaka-stressed itong mga task ko na nasa lamesa o mukha mo pero mukhang alam ko na ang sagot dahil pinatong mo lang naman 'yang baba mo sa stamp pad." "Ohmygosh! Kaya pala ang lamig!" Pinunasan iyon ng babae ngunit mas kumalat lang iyon at umabot sa pisngi. Napailing ang binata at kumuha ng wipe. Medyo lumapit ito sa lamesa at siya mismo ang nagpunas sa pisngi ng babae. "Nagiging inconsiderate ka na naman sa mga galaw mo Genesis." "Ikaw naman may kasalanan, boss." "Ako pa sinisisi mo." "Ayusin mo 'yang sarili mo. Lumabas kana ulit." Inabot nito ang lalagyan ng wipes sa dalaga at nag-gesture na umalis. "Pero boss pinatawag mo ako. May iba ka pa bang kailangan?" Tiningnan ni Genesis si Sebastian na nakatingin sa papel. Para bang may gusto itong sabihin pero kinakalkula niya pa kung sasabihin iyon o hindi. "Kung wala boss, pwede doon muna ako sa sofa? Promise! Hindi ako mag-iingay!" Napatingin si Sebastian kay Genesis. Kumunot ang noo nito sa babae na kinatakha ng dalaga. "Bakit naman gusto mo mag-stay sa opisina?" "In some reason boss, mahilig ako sa magagandang face! Hindi ako mabubuhay nang walang maganda akong mukha na nakikita at sa kasamaang palad ikaw lang meron 'non sa mansyon na ito," ani ni Genesis na kinataas ng kilay ni Sebastian. Ang alam ni Sebastian gwapo din si Renz at lagi iyon kasama ni Genesis. "Hindi mo na ako kailangan bolahin Genesis kung si Clark lang din naman ang pagpapantasyahan mo dito." Nagtaka si Genesis matapos makita ang pagkadisgusto sa mukha ni Sebastian hanggang sa maisip nito na nagseselos ang binata. "Boss nagseselos ka ba?" "Sir Sebastian malinaw ang sinabi ko kanina ikaw lang ang may pretty face sa mansyon nito it's mean magkaiba tayo ng perspective in terms of real beauty specially kung tinutukoy mo si Mr. Jimenez." Nag-cross arm si Genesis matapos tumayo at sinalubong ng tingin si Sebastian na parang hinahalukay pati ang kaluluwa niya. Nagsukatan sila ng tingin hanggang sa umiwas ng tingin si Sebastian na kinasuntok ni Genesis sa hangin. Ayon sa observation niya kapag may argument silang dalawa ni Sebastian kapag umiwas ng tingin si Sebastian it's mean siya ang panalo at payag ito sa gusto niya. Nang bumalik ang lawyer umupo si Genesis sa sofa na nasa pinakadulo ng opisina. Tinitigan nito si Sebastian na busy sa pagpirma at pakikinig sa sinasabi ng lawyer. Hanggang sa maya-maya napansin ito ni Clark. Nakatingin ngayon si Clark sa dalaga na nasa pinakadulo ng kwarto at nakatingin kay Sebastian. "Stop staring her, Mr.Jimenez." "Siya lang ang maid mo na nandito. Hindi ka ba nagdududa na baka spy din siya galing sa ibang company." "Kanina pa tayo nag-uusap about sa company." "Kung spy siya hindi niya pipiliin ang pwesto na pinakamalayo sa pwesto natin na dalawa." "Hindi niya tayo naririnig mula dito." "Paano ka nakakasigurado?" Bumukas ang pintuan at pumasok si Renz. Yumuko ito bilang respeto bago tinungo ang pwesto ni Genesis. Hindi nagbubulungan ang dalawa pero hindi nila naririnig ang usapan ng dalawa mula sa side nila. "Outsider pa din siya at alam mo ang reason kung bakit—." "Alam ko ang lahat Mr.Jimenez, You don't need to worry dahil kilala ko din si Genesis." "Hindi siya nandito para kuhanin ang tiwala ko." Inangat ni Sebastian ang tingin. Tiningnan siya ni Genesis na agad lumiwanag ang mukha matapos magtama ang mata nila. "She want my attention and that thing." — Tiningnan ni Genesis ang wall clock na nasa opisina. Past 8 pm na. Tumayo na si Genesis at naglakad ang babae palapit kina Sebastian. Napatigil si Clark sa pagsasalita matapos lumapit si Genesis kay Sebastian. "Hindi kita pinatatawag." Lumuhod ang babae sa harap ni Sebastian na kinakunot noo ni Clark. "Boss, oras na ng dinner. Kung hindi ka kakain ulit ngayon at papaakyat ka lang ng kape dito sa opisina mo." "Papabuhat ulit kita kay Renz pababa ng hagdan." "Are you out of mind? Nagtatrabah—." Tumayo si Genesis at tiningnan si Clark. Napansin ni Clark ang behavior ni Genesis ay malayo sa estado meron ito ngayon. Hindi 'man lang ito yumuyuko kahit kilala na siya nito. "Mawalang galang na Mr.Jimenez pero hihiramin ko muna si boss kahit 20 minutes para sa dinner niya." Hindi pa nakakasagot si Clark hinawakan na ni Genesis ang handle ng wheel chair at tinulak iyon palabas ng opisina. "Genesis, sino may sabi sayo na pwede ka magdesisyon para sa sarili ko. Kakain ako kung kailan ko gust—." "Boss may usapan tayo. Once na may hindi ka inutos na related sa pagkain mo ng tamang oras ako na ang magde-decide. Hindi ka kumain ng lunch kaya isang malaking NO na kapag dinner." Sinundan ng tingin ni Clark si Genesis na ngayon ay todo sermon sa binata na hindi na lang umimik. — Malalim na din ang gabi kaya napagpasyahan ni Clark Jimenez umuwi. Pinagpahinga na din ni Genesis si Sebastian matapos ito ihatid sa kwarto. Nang makalabas si Genesis sa room ni Sebastian napatingin ito kay Renz na nakapamulsahan na naghihintay sa kanya sa labas. "Napansin mo ba ang tingin sayo ni Mr.Jimenez?" "Nah, masyado kasi akong maganda." "Young lady, hindi mo ba naisip na baka nakikilala ka niya." "And so?" "Genesis, magiging delikado ang buhay ko once na malaman nila na Salcedo ka at nandito ka para sa blueprint." "Hindi nila mapapatunayan na isa akong Salcedo kung hindi ko pagiinteresan ang blueprint." "At sinong may sabi 'sayo na nandito pa din ako dahil doon. Sinabi ko na sa iyo wala na akong pakialam sa blueprint." Nagpatuloy sa paglalakad si Genesis hanggang sa makarating sila sa hagdan at bumaba. "Iiwan mo na lang ba lahat Young lady?" tanong ni Renz kay Genesis na kinatigil ng babae. Bahagya nilingon ni Genesis si Renz na kinatigil ni Renz. Nakita ng binata ang sobrang lungkot sa mata ni Genesis dahilan para manlamig ang buong katawan niya. "Wala akong maiiwan Renz dahil wala akong kahit na ano." "Kung pwede ko lang iwan din ang pangalan ko behind ginawa ko na dahil kahit ito hindi sa akin." Hindi alam ni Renz kung ano ang ire-react matapos makita ang side na iyon ng dalaga. Mula ng sumampa siya sa mansyon ng mga Salcedo si Genesis ang pinakahinahangaan niya sa magkakapatid. Malakas ito at matatag kumpara sa mga normal na babae. Lahat din kaya nitong i-achieved dahil sa taglay nitong talino, ganda at confident. Isa sa mga katangian ng isang Salcedo kaya sa paningin ni Renz ang dalaga talaga ang karapatdapat maging head ng Salcedo family. Kinuha ni Renz ang maliit na bagay na nasa bulsa. Sinira iyon gamit ang mga palad at bumuga ng hangin. "Pero isa pa din babae si Young lady." Inangat ni Renz ang tingin at pinako ang tingin sa daan kung saan tumungo ang babae. — Matapos ang pag-uusap nila ni Renz tumungo si Genesis sa garden. Umupo siya sa isa sa mga bench na nandoon at tumingala sa langit kung saan nakikita niya ang napakalaking buwan. "Dahil nasanay ako sa presence ni Sebastian kahit sa ibang tao nailalabas ko ang weakness ko," bulong ni Genesis. Sa pamilya ng Salcedo sumpa ang kahinaan. Pinalaki silang magkakapatid na walang kahinaan dahil sa environment na meron sila. Kahit sarili nilang kamag-anak gusto sila patayin para sa mana at posisyon. Kahit silang magkakapatid nagpapatayan para lang din sa kapangyarihan. Nawalan siya ng ina dahil lang din sa tradisyon at pamilya nila. Lahat iyon dahil sa dugo na nanalaytay sa mga ugat niya. Pumikit si Genesis at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa balat niya. "I'm tired," bulong ni Genesis. Pagmulat niya ng mata at pagtingin sa balkonahe na hindi kalayuan sa pwesto niya matapos niya maramdaman na may nakatingin sa kanya. Napatigil ang babae matapos makita na si Sebastian iyon. Tumama ang mga mata niya sa asul na mga mata ni Sebastian. Hindi maiwasan ni Genesis na mas mamangha matapos makita na para iyon kumikinang dahil sa liwanag ng buwan. "Boss! Hindi ka ba makatulog!" "Pwede ba ako umakyat diyan!" Tumayo si Genesis at nakangiting nakatingin kay Sebastian na nakatitig lang sa kanya. Lumakas ang hangin kaya bahagya napahawak si Genesis sa mahaba nitong buhok na bahagyang nilipad ng hangin. "Papasok ka sa kwarto ng lalaki. Tingin mo ba talaga sa akin bata?" "Boss?" ani ni Genesis. Inismiran siya ni Sebastian at umikot habang tulak ang sariling wheel chair. Dahil doon nagtatalon si Genesis at agad tumakbo papasok ng mansyon para pumunta sa kwarto ni Sebastian.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD