CHAPTER 1

1814 Words
 (Louie) “Ahhhh ahhhh ahhh harder Baby!” ungol na nanggagaling sa cellpong na hawak ni Allen. Kasalukuyan itong nanunuod ng p**n kasama si Ken. Mga board mate ko sila, kaibigan na din. “Putangina niyo!! Mag earphone naman kayo!” sigaw ko sa kanila saka ko ibinato ang unan na malapit sa akin. Mga gago!,  talaga namang sagad pa ang volume, rinig sa buo naming kwarto. Alam naman nilang nagre-review pa ako dahil may exam ako bukas. Ang hirap-hirap pa naman ng math. “Halika na lang dito maki-nood. Huwag ka ng mag-review, papasa ka na diyan” sabi naman ni Ken at ipinagpatuloy nila ang panonood. “f**k!! Yes! Baby! Harder!!” ungol ulit mula sa cellphone. Naipikit ko na lang ng mariin ang aking mga mata dahil sa sa iritasyon. Mga gago, ang sarap nilang pagmumurahin. Kinuha ko na lang ang sarili kong earphone at nag sound trip habang nagrereview. Isinagad ko na din ang volume para hindi ko na marinig ang nakakabwisit na ungol ng kung sinong talantod na pinapanood nila. Good Boy ako. Review muna bago libog.   Maaga akong nagising dahil alas siyete ang pasok ko, last day ng aming first term. Mabilisang luto at kain lang. Student meal, pancit canton plus milo.  Si Ken at Allen tulog pa. Hindi ko kasi sila blockmate, pero sa ibang subject naman ay kaklase ko sila. 2nd Year College na ako dito sa ***** ***** State Universtiy. Education ang kinuha kong course sa hindi ko malamang kadahilanan. Hanggang ngayon tinatanong ko pa din kung bakit ako mag te-teacher. Oo mahilig ako sa bata pero hindi ko pa din makita ang sarili kong nasa apat na sulok ng classroom at nagtuturo sa makukulit na bata.   “Good Morning Louie!” bati ng isa kong kaklase. Inilibot ko ang paningin ko sa classroom namin, halos lahat may hawak na reviewer. Nang makita ko kung nasaan ang hinahanap ko ay agad akong lumapit dito. Seryoso itong nagre-review kaya naman ako itong si sutil, gugulatin ko siya. Dahan-dahan kong naglakad palapit sa kanya. Hindi niya ako napansin dahil nakasuot ito ng earphone. “BOOOO!!!!” sigaw ko sabay hawak sa balikat niya at bahagyang itinulak. “Ay Pink na kabayo!! Ano ba Louie!!” sigaw nito sa akin ng humarap ito. Tinawanan ko lang at naupo na sa tabi nito. Tinanggal nito ang kanyang bag. Sweet talaga ni Nabe, short for Nathalia Babe. She’s my bestfriend. Nag-clicked kami agad unang araw pa lang ng klase noong 1st year kami, ang dami kasi naming pagkakapareho. “Oy lakihan mo iyong sulat mo ha, ko-kopya ako” sabi ko dito. Mabilis na nagsi-upuan ang mga kaklase ko ng dumating iyong prof naming botchog. “Hindi ako nakapag-review ng maayos, nag w*****d ako eh HAHA” sagot naman nito. Ay pota! “Bahala na!” sabi ko na lang. Patingin-tingin ako sa mga kaklase ko na nagsasagot. Bakit parang focus silang lahat, tapos ako wala ng masagot. I hate math!   Nang matapos ang exam, ang ingay na ng klase, lahat pinag-uusapan kung anong sagot nila sa number ganito, ganyan. Basta ako, nag pray na lang. Alam ko namang hindi ako pababayaan ni Lord.   “Saan tayo tatambay Nabe?” tanong ko. May isa’t kalahating oras kasi kaming vacant bago ang susunod na klase. Hindi pa namin exam doon, paano naman kasi wala namang naituro, anong e-exam-in namin. “Sa may canteen na lang tayo, meryanda tayo bago mag-review sa isang prof-ed subject” sabi nito at nagumpisa na kaming maglakad. “Oy sa canteen daw tayo!” sigaw ko naman sa iba naming kaibigan. Actually lima kami sa grupo pero si Nabe ang pinakaclose ko kaya best of bestfriends kami.   “Ang junit naman ditey, waley bang ibang place, bili na lang tayiz saka tayiz maglook ng vacant room” sabi naman ni Joff. He’s gay. Siya lagi ang nagpapasaya sa barkada. Sinang ayunan naman ng lahat kaya iyon ang ginawa namin. “Mga baks may nag whisper with wings sa akin ng chika” sabi ni Joff. Ayan! diyan sya magaling ang sumagap ng balita. Dakilang chismosa iyan eh. “Si Mark na daw at si Jenna” sabi nito. Lahat kami ay napatingin kay Christian dahil may gusto yan kay Jenna.   “Weh? Hindi naman nanliligaw si Mark ….doon ah?” sabi ni Gail na nauwi sa tanong dahil pwede naman kasing nanligaw nga hindi lang namin alam. “Hay naku mga baks, iyon ang balita sa buong batch natin. Matagal na daw nanliligaw, palihim lang” sabi ni Joff. “Awww wawa ka naman Christian HAHA. Sabi ko kasi ligawan mo na, naunahan ka tuloy” sabi ko naman. Masarap asarin yang si Christian madali kasing mapikon. “Eh kung manligaw ka na din, baka maunahan ka pa ng iba” sabi nito sa akin na may makahulugang tingin. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko naman alam ang ibig niyang sabihin. “Huh?” “Wala, sabi ko ang gwapo ko” sabi na lang nito na may nakakalokong ngiti pa din sa mga labi. “Hay naku!, mag-review na nga tayo nang may maisagot naman tayo sa test. Hayaan niyo na sila kung sila na!” sabi naman ni Nabe. Eto talaga sobrang maaral. Ayaw niya kasing matanggal sa pagiging college Scholar, kaya dapat lagi ang GPA niyan every sem ay nasa 1.75 pataas. “Matanong nga kita Nabe” pabitin na sabi ni Christian sabay baling sa akin ng kanyang tingin. “Pwede ka na ba mag-boyfriend?” napatingin ako kay Nabe at naghintay ng sagot niya pero ngumiti lang naman at hindi na sumagot. I know she’s not yet allowed.   Alas-tres na natapos ang klase namin. Uwian na. Mabuti na lang marami naman akong nasagot kanina sa exam. “Jollibee tayo?” aya ni Gail. Siya naman sa barkada ang puro kain lang pero hindi naman tumataba. Sana all. “Game!” sabi naman ni Christian. Kaya ayun sumakay na kami ng Jeep. Katabi ko si Nabe na tahimik lang. Bakit na naman kaya? Lagi yang ganyan eh, bigla-bigla na lang tatahimik nang walang dahilan. May problema kaya? Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng bente saka ko inabot kay Christian, wala akong coins eh. “Oh bayad ni Louie at Nabe” sabi nito at inabot naman kay Joff ang bente dahil siya ang malapit sa driver. Mabilis lang naman ang byahe, kaya malapit na kami. Inilabas ni Nabe ang kanyang wallet saka kumuha ng ten pesos. Pinigilan ko ito ng kakalabitin na nito si Christian para iabot ang kanyang bayad. “Bayad na” sabi ko saka ko siya nginitian. “Sino nagbayad? Ikaw?” sabi nito at inaabot sa akin iyong ten pesos pero hindi ko tinanggap. ‘ “Ayiiiee libre! Thanks!!” sabi nito saka itinago na ang wallet. “Para!!!!!!” malakas na sabi ni Gail. Bumaba kami sa may kanto at kailangan pa namin tumawid para marating ang Jollibee. Takot tumawid si Nabe kaya naman agad ko nang hinawakan ang siko nito at iginiya ng tumawid na kami. Nang makatawid kami ay kusang kumapit ang kanyang mga kamay sa may bag ko. Nasanay na din ako dahil noong 1st year niya pa gawain yan. Para siyang batang mawawala kapag bumitaw lalo na kapag nasa labas kami ng University.     “Anong sayo Nabe?” tanong ko sa kanya habang nakapila kami para umorder. “Supermeal A” sabi nito at inabot sa akin ang two-hundred pesos “Hanap akong pwesto” sabi nito at kinuha nito ang bag ko.   “Mabuti na lang wala ng exam, iyong kay Sir Bernard siguro next week na lang iyon. Sigurado dalawang term na lang tayo doon” sabi ni Joff. “Naka-stress! Kung ano-ano pa kasi pinapa-pass nila” reklamo ni Gail. Nakakainis nga, yung iba prof kung ano-ano pinapa-pass. Iyong iba nagpapaexam kahit wala namang itinuro. Mayroon naman nagturo nga tapos naintindihan naman pero kapag exam na wala naman doon iyong itinuro niya. Madalas ito sa mga subject na hindi Prof Ed.   Masaya kaming nagkwe-kwentuhan lalo na at si Joff na namang ang bangkera sa chismis. Ang ingay-ingay nga namin dito sa Jollibee, nakakahiya na din dahil tumitingin na ang ibang kumain. Ito namang mga hinayupak kong kaibigan walang namang pakialam. Hagalpakmpa kung tumawa, hindi man inalala na mga future teacher kami.   “Hala ang gwapo talaga” sabi ni Gail at nag-ala giraffe na kakatingin sa isang crew ng Jollibee na pumasok na sa loob. Nakangiting napapailing na lang ako dahil sa dami ng crush niyan. Bawat year yata sa Educ may crush siya at mayroon din sa ibang course.   Alas-singko na nang nagpasya kaming umuwi. Dumaan kami kanina sa bookstore, at bumili ng kung ano-anong kailangan. Sa Bagong Sikat ang boarding house namin, sa may labas lang ito ng University at pwede akong bumaba na sa may kanto at doon maglakad pauwi pero hindi ko ginawa. Nasanay kasi akong inihahatid muna si Nabe sa dorm niya sa loob naman ng University. Si Gail at Joff ay nasa isang building lang ang boarding house na along the highway, magkaiba nga lang ng sila palapag. Si Christian naman ay taga San Jose. Pumara si Joff kaya gumiid ang jeep at tumuigl. “Bye Guys!! Ingat!!” sabi ni Gail. “Babush!! mga bekss!! Ang ganda ko talaga!!” sabi naman ni Joff na ikinatawa namin at ng ibang pang mga pasahero ng jeep. Kahihiyan talaga ang isang iyon. “Bye!” sabay naming sabi ni Nabe at tango lang naman ang kay Christian.   Malakas akong pumara bago pa tumapat sa may kanto ng PNR ang xlt, dahil kapag sa may babaan talaga, sa may overpass pa kami bababa ay obligado kaming aakyat ng overpass, kung dito sa may kanto ay okay lang dahil may pedestrian lane. Itong kanto naman kasi ng PNR ay katapat na din ng main gate. “Kamay” sabi ko at agad namang ikinawit ni Nabe ang kanyang braso sa akin. Tumingin ako sa kaliwa at kanan kung may paparaating bang sasakyan at noong wala na ay mabilisan kaming naglakad patawid. Madalas kapag naglalakad kami ay magkalingkis ang aming braso o kaya naman ay nakakapit ito sa akin o sa bag ko, nakasanayan na namin iyon dahil hindi naman kami mapaghiwalay. Pagkapasok sa main gate ay mabagal kaming naglakad, pinili naming maglakad dahil sa sarap ng simoy ng hangin at dahil malapit lang din namang ang kanyang dorm. Hindi mainit dahil maraming puno sa paligid. Sabi nga nila ang University dawn a aming pinapasukan ay isang paaralan sa gitna ng gubat dahil totoo namang napapalibutan ng malalaking puno ang aming paaralan. “Anong mga gagawain bukas?” tanong ko. Baka kasi may hindi na naman ako maalala. “Wala, discussion ulit” sabi nito habang nakatingin sa mga naglalaro ng basketball sa may Gym. Madadaanan kasi ito bago ang kanilang dorm. “Bye Bestfriend, thank you sa paghatid” sabi nito at kumakaway na pumasok sa gate ng kanilang dorm. Nginitian ko ito at kinawayan pabalik. Ang bilis ng t***k ng puso ko. May lihim akong pagtingin sa kaibigan ko, sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero nabigo ako. I tried so hard not to fall for her but who am I kidding? Ang babaeng kagaya ni Nabe ay hindi mahirap mahalin. Nasa kanyan na ang lahat, total package kumbaga. Nag-umpisa na akong maglakad pauwi, sa may third gate naman ako dadaan. Yung gate sa likod ng University dahil may daan doon patungong Bagong Sikat. Sa gate din na iyong ako dumadaan kapag hindi ako galing Muñoz. Nakakatakot. Ang relasyon namin na dapat hanggang pagkakaibigan lang ay kinulang para sa akin. Gusto ko ng mas higit pa, pero natatakot akong sumugal. Alam kong sa oras na umamin ako at hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko, kahit itanggi namin ay maaaring magkalamat ang aming pagkakaibigan. Natatakot akong mag-iba ang pakikitungo namin sa isa’t-isa. Isa pang dahilan ay natatakot akong ma-reject. I hate rejections. Pipiliin ko na lang itago kaysa naman mawala siya sa tabi ko. Hindi ko kaya iyon, na-awkward kami sa isa’t-isa, na baka iwasan niya ako. I’m helpless, totally smitten.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD