CHAPTER 2

1477 Words
(LOUIE)   Weeks past. Birthday na ni Nabe sa wednesday at nandito ako sa San Jose para maghanap ng panregalo sa kanya. Noong nakaraan ay binigyan ko siya ng cake at chocolates tapos isang bulaklak. Ngayon ay wala akong maisip na isasama sa cake. Kanina pa ako naglalakad-lakad dito. Linggo ngayon kaya maraming tao, hindi ako umuwi sa amin para lang makabili ng regalo.     Parang may bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ko ng mapatingin ako sa mga nagcu-customize ng kung ano-ano. Lumapit ako doon at tinignan ang tarpaulin kung saan nakalagay ang kanilang mga offer. Maaaring mug, t-shirt, pillow case, phone case, cap at kung ano-ano pa. “Ano iyon iho?” tanong ng lalaki sa akin. “Magkano po pa-customize ng mug?” tanong ko ito. “Depende iho sa gagamiting mug. Kung print lang sa mug eh mura lang kung ang mug naman na gagamitin ay yung pag nilagyan ng mainit na tubig tapos lilitaw ang sulat ay mas mahal” Pinapasok ko nito sa kanyang shop at ipinakita ang mga sample na nandoon. Pinili ko iyong mug na pagnalagyan niya ng mainit na tubig ay lilitaw ang kung ano mang gusto kong ipalagay. Sinabi ko ang gusto kong ilagay sa baso at binayaran ito. Sa wednesday daw pwedeng kuhanin, sasaglitin ko na lang, hapon naman kami magce-celebrate ng birthday niya. Kung wala naman akong time ipapasuyo ko ng ang kay Christian. Nakaplano na din naman kami ng surprise para sa kanya sa gaganapin sa boarding house nila Gail. Gusto ko lang talaga na may nakahiwalay na galing sa akin. Mahal ko eh.   Tinawagan ko ito para itanong kung nasaan na siya. Galing ito sa kanila at napagusapan naming magkikita kami sa Muñoz para mag grocery ng stocks. Hinintay ko siya sa harap ng grocery store, excited na akong makita ito kahit wala pang dalawan araw na hindi kami nagkita. Napangiti ako ng makita itong naglalakad palapit sa akin, nakangiti rin ito at kumakaway pa. Napailing na lang ako ng wala na naman siyang dalang payong, napakainit pa naman dahil tanghaling tapat. “Wala ka na namang dalang payong!” naiinis na turan ko. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa saka marahas na ipinamunas sa mukha niyang pawisan. “Aray naman!!” reklamo nito pero hindi ko tinigilan. Ang mga sumunod na pagpunas ko ay marahan na, ayaw ko naman siyang saktan eh. Ipinikit nito ang kanyang mata habang nakangiti. Napatitig ako sa maganda nitong mukha, walang kahit anong kolorete, natural na mapupula ang labi nito at hindi na kailangan ng liptint. “Sa susunod magdala ka, ang tamad-tamad mo kasing magbibit.” Nginitian ako nito ng pagkatamis-tamis saka umangkla sa braso ko bago ako hinila papasok. “High blood ka naman, chill lang” sabi nitong natatawa habang hinihila ako. “Wala ka ding panyo!!” sabi ko pa dito. “Mayroon naman sayo” sabi nito saka ako binelatan. Nangingiti na lang ako napailing. Pasaway.   Kumuha ito ng cart na agad ko namang kinuha sa kanya. Maraming tao ngayon, karamihan students na maggro-grocery din ng stocks nila para sa parating na linggo. Nakita din namin ang iba naming classmates at kakilala sa ibang course.   “Anong gamit mong sabong panlaba?” tanong nito ng nasa linya na kami ng mga powder detergent. “Surf, mabula iyon hindi na kailangan ng bareta” sagot ko naman at kumuha ng anim na piraso. “Sige ikuha mo din ako, subukan ko” sabi nito kaya dinagdagan ko pa ng anim. Sinusundan ko ito kung saan siya pupunta habang tulak ko ang cart naming dalawa. Napansin kong napapatingin na sa amin ang ibang namimili dahil pinagtatalunan namin kung ano ang mas masarap ramen noodles ba o pancit canton. In the end, pancit canton ang kinuha ko dahil paborito ko iyon at siya naman ay ramen.  Habang nakapila para magbayad ay inaasar ko ito. “Basta libre mo ako sa birthday mo ha?” biro ko dito. “Oo na, saan mo ba gusto?” Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Joke ko lang naman kasi pero syempre sasamantalahin na din, kuripot yan siya eh. “Kahit saan, ikaw bahala” sabi ko. Kahit naman saan, basta ikaw ang kasama ko. Matapos namin mag-grocery ay inihatid ko na ito sa dorm niya bago umuwi sa boarding. May gagawin pa akong requirements.    *** Ala-una ang klase namin kaya naman, ang jogging muna ako ng umaga saka nanood ng movie after. Alas-diyes ng maggayak ako para pumasok. Wala na mga boardmates ko dahil maaga ang kanilang pasok. Sabay kaming kakain ni Nabe kay Aling Pepay. Masarap kasi shanghai doon. Hinitay ko siya sa waiting shed sa harap ng old market. Palengke ito sa loob ng aming University. Napangiti ako ng makita itong naglalakd palapit sa akin, wala na namang payong. Jusmiyo! “Tara na gutom na ako!” sabi nito at hinila na naman ako. Hilig talaga manghila. Nang matapos kaming mag-order ay magkaharap kami sa mesa. Tinitigan ko ito, parang may nagbago sa kanyan. Tinitigan ko ito at napataas ang kilay ko ng mapansin ko ang labi nito. I know her natural lip’s color. “Ano yan?” tanong ko saka ko itinuro ang labi nito. “Hindi ba bagay?” tanong nito saka kinagat ang kanyang ibabang labi. Damn Girl! “Binentahan kasi ako ng ka-room ko nahiya naman akong hindi kumuha dahil halos lahat sila doon bumili” sabi nito saka ngumuso. “Maganda. Bagay sa ‘yo” sabi ko nang hindi tumitingin sa kanyan. Lalo akong naiinlove eh. “Weh?? Thanks” sabi nito saka kami nagumpisang kumain. Bumili pa muna kami ng vitamilk para inumin mamayang break time. Sumakay kami sa NATO, kung sa UP may Jeep sa loob ng kanilang University dito sa amin may NATO, samahan iyon ng mga tricycle dito sa loob ng University. Nang makarating kami sa CED, inabutan ko ng bente iyong driver. “Bayaran ko bukas” sabi nito kaya tumango na lang ako. Kahit naman hindi na eh. Nang marating namin ang tapat ng amin sanang room ay nagkakagulo na ang aming mga blockmates. “Wala daw si Ma’am, mag-attendance na lang daw tapos uwi na” sabi ni Joff. “Ay pota!! Sayang uniform” sabi ko Umirap naman si Nabe dahil sa inis. Nagplantsa-plantsa pa ako tapos wala naman palang klase. Ito lang naman sana iyong nag-iisa naming klase ngayong araw. Ang sarap sanang humilata muna sa bed. Tsk! Agad kaming nag attendance para makauwi na, pwede pa itong uniform sa isang araw.   “Uwi na kayo?” tanong ni Gail. “Kayo ba?” balik ko. “Punta kaming Muñoz, wala pa kaming stocks eh” “Uwi na kami, nakabili na kami kahapon” sabi ko. Nagpaalam na kami kay Joff at Gail. Si Christian naman may sarili din yatang lakad.   Nang makarating kami sa may gate ng CED ay kinakawayan na kami ni kuyang NATO. Tinignan ko si Nabe “Sakay tayo o lakad?” “Init eh, sakay na tayo ako naman magbabayad” sabi nito at dumeretso na pasakay sa tric. Tumabi ako sa kanya sa loob. “Saan tayo?” tanong ng driver. “Tara muna sa boarding. May bago akong movie” aya ko. “Sige, baka wala din akong kasama sa room namin, tapos ang init pa doon” sabi nito saka inilabas ang wallet niya. “Kuya sa bagong sikat, sa may kanto, tabi ng Payeng mini store” sabi ko sa driver. Habang tumatakbo ang tric ay napunta naman sa mukha ko ang buhok ni Nabe, hindi kasi nakatali. “Pwe!! Ang sarap naman ng buhok mo, lasang Palmolive” sabi ko saka ko sinikop ang kanyang buhok gamit ang kamay ko para mahawakan ito. “Hawakan ko na, nakakahiya naman sayo” sabi ko. Natatawang inirapan lang ako nito. Siya ang nagbayad ng pamasahe namin. Hinalungkat ko pa ang bag ko para mahanap ang susi. Agad kong binuksan ang aking electricfan ng makapasok kami. Hinubad ko ang aking sapatos at ganun din si Nabe saka inilagay malapit sa pinto. Isinunod ko ang aking uniform, nakasando naman ako sa loob. Lumapit ako sa locker ko at humugot ng malaking t-shirt. Iyong t-shirt na laging suot niya kapag nandito siya. Ihinagis ko iyon sa kanya na tumama sa mukha niya kaya ako natawa. Inirapan ako nito bago pumasok sa banyo para makapagbihis. Pinalitan ko na din ang pantalon ko ng jersy short. Ini-hanger ko ang aking uniform at naghanda ng isa pa para kay Nabe. Kinuha ko ang laptop ko saka binuksan. Kumuha din ako ng piatos at inilabas nag vitamilk na binili namin kanina. Napatingin ako kay Nabe ng lumabas ito galing banyo. Naka-bun na ang buhok nito. Ang oversize shirt ko ay umabot lang hanggang kalahati ng kanyang hita. Ang mga maggas naman ay hanggang siko niya. Kinuha nito ang hanger at ini-hanger din ang kanyang uniform bago nahiga sa kama ko. “Hoy! Manunuod tayo, hindi matutulog!” sabi ko at hinila ang shirt pababa dahil umangat na ito at kita ko na ang cycling niya. Ganito kami ka-close. Sobra kaming kumportable sa isa’t-isa at ayaw kong magbago ito. Natatakot akong mawala ang closeness namin kung sakaling aamin ako ng nararamdaman ko. Hindi pa ito ang tamang panahon. Isinara ko ang bintana at pinatay ang ilaw bago bumalik sa tabi ni Nabe. Ganito kami lagi kapag walang klase at wala masyadong requirements. Tamang tambay lang. Ipinatong ko sa isang unan ang laptop at parehas kaming nakasandal sa pader. Niyakap nito ang isa ko pang unan at ako namay niyakap ang sariling binti.   Tutok na tutok ako sa pinapaanood namin ng biglang bumagsak ang ulo ni Nabe sa balikat ko. Natawa na lang ako, minsan lang talaga makatapos ng movie ito, laging nakakatulog. Itinigil ko muna ang movie saka ko inayos siya pahiga. Tinitigan ko ito. I wonder if she likes me too. Minsan parang nararamdaman ko, minsan naman parang wala lang. Hindi ko siya maintindihan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD