CHAPTER 3

1019 Words
(LOUIE) Ngayon ang birthday ni Nabe. Tinawagan ko naman ito kanina para batiin at ang babae, kagigigsing lang. Wala pa sa hwisyo. Naihanda na ni Joff at Gail ang banderitas sa boarding nila. Nag-order lang naman kami ng isang bilaong pancit at spag para sa handa nito tapos cake. Ako naman ay bumili din ng cake, iyong mug na ipinagawa ko ay pinakuha ko na lang kay Christian. May klase pa kami hanggang alas-tres, after noon ay diretso na kami sa boarding house nila Gail. Ang alam lang ni Nabe ay ililibre lang niya kami doon sa kainan sa baba. Nauna na si Gail kanina pumasok para maihanda ang cake at mga pagkain. Kasama rin namin ang ilan sa malapit na kaklase namin. Narito din si Allen at Ken. “Ano bang gusto niyo?” tanong ni Nabe sa amin. Tumingin ito sa menu ng kainan. “Mamaya na akyat muna tayo, iwan natin mga gamit natin sa room nila Gail” sabi naman ni Christian na sinang-ayunan namin. Si Nabe ang nagbukas ng pinto ng room nila Gail at kaming mga nasa likod ay sumigaw ng surprise tapos kumanta ng happy birthday. I can’t take my eyes off of her. Ang mga ngiti niya at maluha-luhang mata. Ang namumula niyang mukha. Ganda talaga. Siniko ako ni Christian saka bumulong “Hoy, natulala ka na, tutulo na laway mo” natatawang sabi nito. Inambahan ko lang ito ng suntok habang nakangisi ito sa akin. He knows na may gusto ako kay Nabe. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, siguro masyando na akong halata o keen observer lang talaga siya dahil siya lang naman ang nakakapasin. Lumapit ako kay Nabe saka ko ito niyakap at binati ulit. “Happy Birthday Bestfriend.” bulong ko sa tainga nito. “Ayyiieeeee” kantyaw ng mga kaibigan namin na ikinailing na lang namin. “Napakama-issue niyo talaga. Bestfriend kami! BESTFRIEND!” sabi nito habang natatawa pa dahil sa pang-aasar nila. Ouch! Bestfriend! “Weh? Bestfriend lang talaga?” tanong naman ni Nemie na kaklase namin. “Oo nga, hindi ko papaatulan itong kulugong ito noh” sabi ni Nabe. I admit, nasaktan ako sa mga sinasabi niya. Napatunayan kong kaibigan lang talaga ang turing nito sa akin. Bakit pa kasi ako umasa? Unti-unti kong niluwagan ang yakap ko dito at pabirong sinabunutan ito. “Sa tingin mo naman gusto kita, Iba tipo ko ano!” sabi ko naman para mapagtakpan ang nasaktan kong damdamin at ego na din. Okay naman ako, madami nga daw nagkakagusto sa akin pero si Nabe hindi man lang magkagusto sa akin. “Paano magkakagusto sa iba iyan, eh may iba ng gusto!” pabirong sabi ni Ica. “Heh!! Pinagsasabi mo?!” sabi naman ni Nabe kay Ica. I saw it. Ang makahulugang tingin at ngiti ni Ica kay Nabe. So she like someone huh? Kaya pala. “Ouch!!!” sigaw naman ni Christian sabay tingin sa akin. Kunyari pang nauntog at nasaktan, mang-aasar lang naman. Parang tanga! Pinilit kong ngumiti at magsaya. Birthday ito ng bestfriend ko kaya dapat masaya. Isinantabi ko muna ang feelings ko. Kinalimutan ko munang harap-harapan nitong sinabing kahit kailan ay hindi ito magkakagusto sa akin. I think, mananatiling lihim na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakakatakot. Hindi ko man aminin, isa akong soft hearted na tao at maypagka-sensitive din kaya naman ang bilis kong masaktan. Ito pa lang na indiretct rejection masakit na paano pa kaya kapag umamin na ako tapos na reject? Masaya kaming nagcelebrate nag birthday niya, tawanan, kwentuhan at puro kalokohan. Umuwi kami ng bago mag-alas siyete. Nasa boarding ang binili kong cake para sa kanya at mamaya ko din ibibigay ang regalo ko.   Pagkauwi ko kanina ay kinuha ko agad ang cake at mug saka nag tric papunta sa dorm nila. Alas-otso naman ang curfew, may forty minutes’ pa ako. “Pwede po bang pakitawag si Nabe ng Room 5” pakiusap ko sa babaeng nanunood sa may lobby. Tumango naman ito at tumayo na para tawagin si Nabe. “NABE DAW PO NG ROOM 5, MAY NAGHAHANP SAYONG LALAKI SA LABAS!!” sigaw ng babae na rinig ata sa buong dorm nila. Bakit isinigaw pa, pwede namang puntahan.   Ilang sandali pa ay nakita ko na si Nabe nakapagbihis na ito at mukhang nagulat ng makita ako. “Hoy, anong meron?” tanong nito saka tinignan ang mga dala ko. “Happy Birthday Babe” nakangiting bati. “WOOOOOO!!” sigaw ng mga nasa lobby na nakatingin sa amin. “Naku Nabe ah!! Pumapag-ibig ka ha!!” asar pa ng isang nitong ka-dorm. Napayuko ako dahil sa hiya, ramdam ko ding nag-init ang aking mukha. f**k!! Dapat pala doon sa kakaunting tao. “Hoy!! Hindi ah. Bestfriend ko ito!! Bestfriend. Issue na naman kayo!” sabi nito bago bumaling sa akin. “Thank You! May paganito ka pa ha!!” nakangiti nitong sabi ng tinanggap nito ang cake at iyong mug na inilagay ko sa isang maliit na paper bag. Ang ganda talaga ng ngiti niya, masaya akong napasaya ko siya.   Naupo kami sa may upuan na nasa may lobby. Nakikita ko pa lang siyang nakangiti para na akong nasa langit. Napailing na lang ako, patay na patay lang Ranz? “Bakit?” tanong nito, natigil itong nagbubukas ng paper bag. “Wala, ganda mo eh” napataas ang kilay nito sa sinabi ko. Takte! Kailangan ko na yatang lagyan ng tape ang bibig ko kapag kasama ko siya, hindi ko napipigilan sabihin kung ano ang nasa isip ko. Kinuha ko ang phone ko at palihim siyang kinuhanan ng litrato habang hirap itong binubuksan ang paper bag na naka stapler. Agad kong naibaba ang phone ko ng mag-angat ito ng tingin sa akin. Kinabahan ako doon ah. “WOW!! Thank You!!” sabi nito at bigla na lang akong niyakap. Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat pero ginantihan ko din naman. “Welcome” Binuksan nito ang cake at nagpicture-picture na kami. I admit that we really look like a couple. How I wished. I just watched her smile and laugh on my stupid jokes. Nang mag-alas-otso na, ayaw ko pa sanang umalis, kaso magsasara na ang dorm nila. Inaya ko itong kumain ng dinner pero nakaplano na pala sila ng mga roomates niyang sabay silang kakain para sa celebration nito. Niyakap ko siya ulit, kumaway na may ngiti sa labi bago tumalikod para maglakad paalis. “Ranz” tawag nito sa akin at naramdaman ko na lang ang mga braso nito sa aking beywang. This is what I can’t understand, ganitong mga actions niya. Nakakalito. “Thank you so much” mahinang sabi nito, sapat lang para marinig ko. I feel like we were more than friends, but then, we’re not. I’m sure may mga pagkakataon din na ipinaramdam ko sa kanya ang feelings ko pero parang wala lang sa kanya ito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD