CHAPTER 4

1441 Words
CHAPTER 4 (NABE) “Uy kaibigan mo lang talaga iyong cutie na pumunta dito noong birthday mo?” tanong ng isang roommate ko na si Hazel. “Mabilis naman akong tumango kahit hindi ako nakatingin sa kanya. “Sayang naman, jowain mo na, bagay kayo!” sabi nito saka humagikgik na para nga naman talagang kinikilig. Tumingin ako sa kanya na parang nandidiri sa sinabi niya pero nakangisi naman “Jusmeee! Hindi kami talo ng mokong na iyon!” sabi ko at agad na ibinalik ang paningin sa aking ginagawang homework. “Kahit man lang crush?” tanong nito. Napairap na lang pero hindi ko na siya sinagot. Aamin naman anting gwapo talaga si Ranz, ang dami nga nagkakagusto dun sa mokong na iyo. Mabenta nga siya sa mga freshy. (1st Year) “Feeling ko, may gusto sa iyo yun.” sabi naman ni Jona na kapapasok lang ng aming kwarto dahil katatapos lang nitong maligo. “Hmmmp!” inismiran ko na lang sila at nagpatuloy sa ginagawa ko. Bago matulog ay nagreply muna ako sa chat ni Ranz. “Goodnight see yah tom” iyon lang at pagkatapos ay agad din akong nag log out. Wala pang isang minuto ng maibaba ko ang phone ko ay nag ri-ring na ito. Napairap na lang ako ng makita ang name at naka-wacky nitong picture sa screen ng phone. “Ano? Matutulog na ako!” sabi ko. “Sungit talaga, itatanong ko lang naman kung anong oras kita susunduin bukas.” sabi nito. “Mga eight-thirty na lang, kahit naman sinabing pweding malate, ayoko naman ng ganun” sabi ko. “Okay madam sungit” sabi nito na ikinaira ko na naman. Matutulog na nga lang mang-iinis pa. “Sige na goodnight na bestfriend” sabi ko. “Goodnight po” sagot nto kaya naman matapos iyon ay mabilis ko ng pinatay ang tawag.   “Sana all tinatawagan sa gabi” nang-aasar na sabi ni Ate Shenna. Jusmee, issue talaga itong mga ito. “Tigilan mo ako ate Shenna, parang wala kang kapuyatan ah, sumbong kita sa Tita mo eh” bwelta ko naman napasimangot sa kanya. Pinilit kong matulog, dahil maaga pa kami bukas.   Nakangiting Ranza agad ang bumungad sa akin pagkalabas ng gate namin. “Bakit hindi ka pumasok sa may lobby?” tanong ko. Tinangka nitong kuhanin ang bag ko pero umiling na lang ako. Ipapabuhat ko pa ba? Napaka-gaan na nga lang. Nag-umpisa na kaming malakad. Hindi naman ganun kainit dahil nga dito sa University ay punong-puno ng mga puno. “Ang sarap talangang maglakad kapag ganitong oras. Ang sarap ng simo’y ng hangin.” sabi ko. (RANZ) Sa totoo lang napakaganda talaga ng University namin pero mas maganda pa din kapag si Nabe ang tinitignan ko. Hindi ito nagsalita ngunit nakangiti naman habang nakakatingin sa paligid. Tinitignan nito ang mga puno at ang mga estudyanteng naglalakad papasok. “Tignan mo ang mga estudyante, yung iba hindi pa nakakapagsuklay.” sabi nito sabay tawa. “Late na nga kasi, napuyat yang mga yan kagabi. Ang hindi lang natin sure ay kung anong pinagkapuyatan nila” sabi ko. “Nag review yan.” sabi nito. “Pwede, pero malay mo naman adik lang din sa pagbabasa sa wattpad.” sabi ko sabay akbay sa kanya. Iginiya ko sa siya sa aking kanan kasi may makakasalubong kaming grupo ng mga lalaking estudyante, baka mabangga pa ang Nabe ko. Oo “KO”, inaangkin ko na. “Grabe ka naman, malay mo naman talaga nag review ang mga yan, may quiz siguro o kung ano man” sabi nito. “O kaya naman ay naglaro ng Mobile Legends o kaya naman nag bebe time, maraming mga possible na reasons.” sabi ko habang tinitignan pa din ang mga estudyanteng naglalakad. “Edi oo na lang” sab nito saka ako inirapan. Fvck She’s so beautiful! Ang sikat ng araw na pilit na sumisingit sa pagitan ng mga dahon ng mga tabi-tabing puno ay tumatama sa mukha niya. She’s glowing. Pabiro kong sinakal si Nabe at itinago ang kanyang mukha sa dibdib ko ng mapadaan na sa amin ang grupo ng mga lalaking estudyante. Hindi nakaligtas sa aking ang tingin nila kay Nabe. Kung pwede ko lang sanang singhalan sila at sabihin huwag nang tumingin kasi akin ang babaeng ito.  “Ano ba!!” singhal nito sa akin at pilit na kumawala sa akbay ko. “Kaaga-aga naman, magkaamoy na naman tayo!” sabi nito, mukhang asar na. Lagi kasi kaming magkasama kaya lagi na kaming magka-amoy sabi ng mga taong nakapaligid sa amin. Magkaiba kami ng pabango pero dahil lagi ko siyang inaakbayan at niyayakap na din, nahahalo na ang amo’y ko sa kanya which is gustong-gusto ko kahit na naiinis siya. Tinawanan ko na lang ang asar niyang mukha. Sobrang ganda pa din kahit nakakunot na ang kanyang noo at magsasalubong na ang kanyang kilay.   Palapit na kami sa second gate ng makita namin ni Christian. Agad naman itong tumakbo palapit sa amin. “Morning monggies!” bati nito sa amin at nakipag fist-bump. “Mas mukha kang monggi dahil diyan sa laki ng eyebags mo!” pabalang na sagot ni Nabe kay Christian. “Wow! Fresh ka? Ganda ka?” tanong naman ni Christian. Napatigil kami ni Christian ng tumigil si Nabe sa paglalakad. Humarap ito kay Christian na nakataas na ngayon ang isang kilay dahil sa pagtataka kung bakit tumigil si Nabe. “Alam mo Christian..” sab nito ng seryoso at saka biglang hinawi ang kanyang buhok na tumama sa mukhani Christian sabay sabig “Oo maganda talaga ako!” sabi nito saka nagpatuloy ng lakad habang natatawa. Natawa na din ako dahil ang pangit ng mukha ni Christina, mukhang masakit din matamaan ng bukhok sa mukha. “Gago ang sakit, natusok pa iyong mata ko!” sabi nitong habang humahabol sa amin ng lakad. Nilingon ko naman ito at nakitang nagkukusot ito ng mata. “Yabang na ni Nabe o porque maganda at fresh, hawaan mo naman ni Gail!” sabi nito kaya naman natawa na naman ako. “Subukan mo iparinig kay Gail iyan, kagat na naman aabutin mo, may lahing aso pa naman iyon.” sabi ko habang natatawa pa din. “Sakit! Mabubulag na yata ako!” sabi nito kaya naman nahampas pa siya ni Nabe. “Ang OA mo naman!” sabi nito sabay irap pa at nauna ng naglakad. “Bulag ka naman na talaga matagal na, bulag sa pag-ibig kay Jenna.” pang-aasar ko dito saka tumakbo, ready na manapak ang loko eh. Kumpirmado na kasi na si Jenna, iyong babaeng gusto niya at si Mark na batchmate din naman ay official na talaga. “Gago, putang-ina mo!” sabi nito saka ipinakita ang gitnang daliri nito sa akin. Mabait ako, hindi ko iyon ginagawa dahil pupukpukin ni Nabe ang daliri ko kapag nakita niya ako.   (NABE)   Sobrang ingay. Wala pa din kasi iyong Prof. namin at malaki na naman ang chance na hindi na naman papasok iyon. Tamad iyon eh, puro na lang pa assignment. Inayos ko ang pagkakapatong ng aking kamay na may hawak na phone. Nakapatong itong sa ulo ni Ranz na nakadukdok sa table ko. Oo, sa table ng armchair na kinauupuan ko, mukhang tanga, pwede naman sa table ng armchair na kinauupuan niya, mukha tuloy siyang nahihirapan. “Ikaw naman ang puyat sa atin eh” sabi ko at ipinapatuloy ang binabasa kong story sa w*****d. Nakakainis lang kasi iyong Author na si SarangBabess, siya nagsulat nitong story ay hindi pa din nag-uupdate doon sa Secret Series 3: Loving Him. “….kasi kita…” ‘ Napakunot ang noo ko ng hindi ko naman naintindihan kung anong sinabi nito. Ang salitang “kita” lang ang narinig ko. “Anong sabi mo?” tanong ko. Umiling lang ito kaya napairap na lang ako. “Ang bingi mo kasi” sabi nito, ngayon narinig ko na. “Eh kung inaayos mo kasi at hindi ka parang ngongo diyan! Naintindihan ko sana haneh?” sabi ko. “Wala! Ang ganda mo sabi ko” sabi nito. Ughhhh!! Lagi ko iyang naririnig sa kanya, hindi ko alam kung seryoso ba siya o talagang niloloko na lang ako ng kaibigan kong ito. Nagulat ako ng hawakan nito ang isa kong kamay at ipinatong nito ito sa kanyang ulo. Napairap na lang ako. He always wanted me to fingercomb his hair. I can feel the eyes that is staring on us while I fingercomb his hair. Wala akong pakia-alam, hindi pa ba sila sanay? Magkaibigan lang kami, matagal na malinaw iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD