Picture

2544 Words
“Hello, Amy!”   Agad na nag-angat ng tingin si Amy, ang secretary ni Triton sa akin matapos marinig ang pagtawag ko. Her face automatically lit up when she saw me.   “Miss Euri! Hindi ka nagsabing pupunta ka,” nakangiting sabi n’ya na agad kong nginitian pabalik at inilingan.   “I’m here for a business, Amy,” nakangiting sabi ko. “Pure business,” dagdag ko pa at ngumisi. Bumungisngis s’ya at halata sa mukha ang hindi paniniwala dahil sa sinabi ko. Well, she knew that I only have one reason for always coming here. At kung business mang matatawag ‘yon, then that’s probably the ‘business’ that I always wanted to pursue. I smirked as my thoughts suddenly filled with naughty and sexy scenes with her Boss.   “Gaano ka-pure?” hirit n’ya pa na akala talaga ay si Triton ang ipinunta ko dito. Tumawa ako at sasagot na sana pero bumukas na ang pinto ng opisina ni Triton at iniluwa no’n ang co-model kong si Nathalie.   “Euri!” tawag n’ya kaagad nang masalubong ang tingin ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Amy nang makita si Nathalie. “Come here!” yaya n’ya kaagad na mukhang nagtataka pa kung bakit hindi pa rin ako pumapasok sa loob.   “Sunod ako, Nath,” sabi ko kaya tumango lang s’ya at pumasok na ulit sa loob. Hinarap ko si Amy na tulala pa rin na nakatingin sa pinto kahit wala na doon si Nathalie. “Okay ka lang? Gusto mong ikuha kita ng autograph no’n?” natatawang sabi ko. Nathalie Montecarlo was one of the most hype commercial model these days. Pero ang alam ko ay hanggang commercials lang ang gusto n’ya kahit na marami na s’yang offers to enter into a show business kagaya ng kakambal n’ya na mas pinipili ang business nila kaysa ang lumabas sa TV. Well, I have received offers for show business, too. Pero kung hindi naman ang Asawa ko ang magiging leading man, baka kahit kiligin sa mga gagawing eksena ay hindi ko magawa!   Iiling-iling na iniwanan ko na si Amy na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over pagkakita kay Nathalie. Hindi na ako nag-abalang kumatok bago pumasok.   “If that’s the case, then we will just settle on the new Marketing plan-”   Nabitin sa ere ang sinasabi ng isang lalaking ka-meeting ni Triton nang tuluyang makapasok ako sa loob. Ang chinito at nanunuri n’yang mga mata ay agad na napako sa akin. Kung hindi pa tumikhim si Triton ay hindi n’ya pa iaalis ang titig n’ya sa akin.   “Excuse me,” rinig kong paalam ni Triton sa kanila at saka tumayo. My heart started racing instantly when I saw him walked towards my direction. Madilim na naman ang mukha n’ya at mukhang iritado habang papalapit sa akin. Pilit na ngumiti ako para itago ang kabang nararamdaman.   “Asawa ko, good morning!” bati ko habang ngiting-ngiti sa kanya. Kitang-kita ko ang pag-iigtingan ng mga panga n’ya na halatang nagtitimpi nang medyo makalapit na s’ya sa akin. Napalunok ako nang maamoy ang bango n’ya. Gosh! Amoy pa lang nakakabaliw na!   “What the hell are you doing here again, Eureka-”   “Euri! Halika na dito! Bilis!”   Nabitin ang gagawin n’ya sanang paninita sa akin nang biglang dumungaw sa private office n’ya si Nathalie. Kunot ang noo n’yang napatingin sa pinsan n’ya at saka ibinalik ang tingin sa akin. Napangisi ako ng malapad.   “Your cousin asked me to come here,” nagpipigil ng ngiting sabi ko. Kitang-kitang ko ang paggalaw ng Adam’s apple n’ya at hindi nakapagsalita habang nananatili ang titig sa akin. Gusto kong mapamura habang pinapanood s’yang titig na titig sa akin. Kahit na iritadong-iritado ang ekspresyon n’ya ay hindi ‘yon nakabawas sa ka-gwapuhan n’yang taglay. He was wearing his usual office attire na ngayon ay white dress shirt lang ang naiwan na nakarolyo ng maayos hanggang sa siko n’ya. He isn’t wearing his usual eye glasses kaya exposed na exposed sa harapan ko ang mga mata n’yang masyadong misteryoso kung tumingin. How can he manage to look this hot even if he’s mad?   “Akala mo na naman ikaw ang ipinunta ko dito?” pang-aasar ko habang pinanliliitan s’ya ng mga mata. “Hmm.. gwapo ka sana kaso assuming ka madalas!” tudyo ko at marahang tinapik ang pisngi n’ya kahit na gusto ko nang panginigan ng kamay dahil lang sa simpleng paglapat ng balat n’ya sa palad ko. Hindi s’ya nakagalaw kaya sinamantala ko ‘yon para iwanan na s’ya doon. Humahalakhak si Nathalie sa akin nang makapasok na ako sa loob ng private office ni Triton. She obviously heard and saw what I did to her grumpy cousin! Napangisi ako.   “I really admire your guts, Euri. You are so brave to do that to Triton. Ikaw lang yata ang hindi naiintimidate sa suplado kong pinsan na ‘yon!” komento n’ya habang umuupo sa medyo may kahabaang couch at iniaabot sa akin ang paper bag na alam kong isa sa mga products ng Curved, ang isa sa papasikat na clothing brand kung saan kinuha ako bilang isa sa kanilang mga brand ambassador. “Here. Try if it fits you. Medyo may kaliitan kasi yata ‘yang nakuha kong size. I was quite preoccupied yesterday kaya kung ano ang nadampot ko ay ‘yon na,” nakangiwi n’yang sabi at saka humalukipkip.   “Why? Did your Dad find out?” usisa ko habang hinihinaan ang boses kahit na kami lang namang dalawa ang nandito. Behind her beautiful face and almost perfect features was a secret that she cannot tell and show to all the people around her. Isa ako sa mga napili n’yang pagsabihan no’n and I can say that I admire her even more for enduring and hiding something like that. Bumuntonghininga s’ya at saka umiling.   “I don’t know what to do anymore, Euri. My psychologist cousin, Jude, said that it was just normal. Pero sa tingin ko ay hindi,” sabi n’ya at saka bumuntonghininga. Pinanood ko s’yang parang maiiyak na naman. Tumikhim agad ako at umisip ng paraan para mapagaan ang pakiramdam n’ya.   “Want me to set you up again? May nakilala akong isang hottie sa Paris! I can give you his i********: account if you want,” sabi ko at agad na dinukot ang phone sa bulsa at mabilis na nagpipindot doon. “Here,” sabi ko at iniharap sa kanya ang half Filipino and half Spanish na naging co-model ko sa isang project na isa rin sa mga International models ng Yu International. Tumango lang s’ya at saka binasa ang pangalan bago pilit na nginitian ako.   “Why? Didn’t you find him attractive?” nakangiwing tanong ko nang wala man lang akong nakitang kahit na anong bakas ng excitement na nakita sa mga mata n’ya matapos n’yang makita ang picture ng co-model ko.   “I don’t know, Euri. Maybe, I will try to reach out to him first. Baka sa una lang ‘to,” sabi n’ya at pilit akong nginitian. Tumango na lang ako at nginitian s’ya pabalik. “Try to fit the dress,” utos n’ya kaya tumango na lang ako at kinuha ang paper bag at saka tumayo. Nilinga ko pa ang tingin ko sa paligid ng private office ni Triton dahil ito pa lang ang pangalawang beses na nakapasok ako dito. I didn’t have time to appreciate it when he dragged me here the last time dahil iritang irita ako noon sa kanya. Now that I am looking at it again, manghang mangha ako sa ganda at sobrang linis na paligid.   I saw a black partition curtain at the side kaya lumapit ako doon para doon magbihis. Napasinghap ako nang makita ang isang hindi kalakihang kama doon. Mayroon ding private room si Daddy sa opisina n’ya kaya hindi na ako nagulat na mayroon din s’ya nito dahil mukhang madalas din ang pag-oovertime ni Triton sa trabaho katulad ni Daddy. Excited na lumapit ako sa kama at umupo doon. Napasinghot ako nang maamoy ang pabango n’yang marahil ay kumapit na doon. No doubt that he’s always here dahil parang naiwan na doon ang amoy n’ya! Pinigilan ko ang sariling mahiga sa kama kahit na natutukso akong amoy-amoyin ang sheet at mga unan n’ya doon.   I fit the dress at medyo alanganin pa akong humarap sa maliit na salamin doon dahil sa pakiramdam ko pa lang ay medyo mahigpit na ang size lalo na sa gawing dibdib.   It was a sexy sheath wine red slit prom dress na sobrang sexy ng cut. My curves were indeed showing na lalo pang na-highlight dahil nakataas ngayon ang buhok ko. Napangiwi ako nang makitang halos kalahati na ng dibdib ko ang nakikita dahil medyo maliit ang size ng dress. But it was indeed fabulous! If I am going to wear this dress in my prom, baka hindi na ako iwanan ng camera dahil sa sobrang bongga ng suot ko!   Kinuha ko ang phone ko at umupo sa kama ni Triton at saka nag-pose at kumuha ng ilang selfies bago tuluyang lumabas doon.   Kitang-kita ko ang gulat at pagkamangha sa mga mata ni Nathalie nang lumabas ako mula doon. Nakayapak na lumapit ako sa kanya at umikot pa sa harapan n’ya.   “Tadan! How do I look?” ngiting-ngiting tanong ko habang nakapameywang sa harapan n’ya. Tumayo s’ya at manghang-manghang inikutan ako.   “Wow, Euri! You look stunning! You definitely nailed this dress!” bulalas n’ya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Napangiti ako dahil hindi naman pangkaraniwang tao lang si Nathalie. She has a great taste in dresses at ang makatanggap ng papuri mula sa kanya ay masasabi kong isang privilege.   “Thanks, Nath!” I said and winked at her. Umiling s’ya at saka kinuha ang phone.   “Let’s do the photo shoot here. Tutal ay nakaayos ka na rin naman. Let’s do it here!” sabi n’ya na agad luminga sa paligid para maghanap ng magandang pwesto. Napako ang tingin n’ya sa couch at agad na itinuro ‘yon. “You sit there, Euri. Cross your legs!” utos n’ya kaya agad na lumapit ako doon at naupo. I crossed my legs to highlight the slit of the dress and smiled at the camera. Ilang shots ang ginawa n’ya sa iba-ibang angle at sa itsura n’ya ay mukhang manghang mangha s’ya sa mga kuha n’ya.   “Wait here. I’ll just change and we’ll do the photo shoot together,” paalam n’ya matapos ang ilang solo shots na ginawa sa akin bago kumilos para magbihis din ng dress na naka-assign sa kanya.   Ngiting-ngiti pa ako nang mag-angat ng tingin at agad na nasalubong ang mga mata ni Triton na ngayon ay nakatutok na pala sa akin kahit na may kalayuan din ang distansya namin. Halos mapasinghap ako nang pakiramdam ko ay tumatagos ang mga tingin n’ya sa glass door na s’yang naghihiwalay lang sa opisina n’ya at dito sa private room kung saan ako naka-upo ngayon. Parang wala s’yang pakialam sa mga ka-meeting n’ya na halatang nagdidiscuss ng kung ano sa harapan n’ya.   “Holy s**t,” mahinang mura ko nang magtagal ang titig n’ya sa akin. Para akong mabubuwal kahit na maayos naman akong nakaupo sa couch dahil sa intensity ng mga titig n’ya!   “Ano, Asawa ko? Gandang-ganda ka ba sa akin?” bulong kong halos hindi ibuka ang bibig kahit na sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa ginagawa n’yang paninitig.   “Euri!”   Kung hindi pa ako tinawag ni Nathalie ay hindi ko pa maaalis ang tingin ko sa gawi ni Triton. Halos hindi ko ma-appreciate ang ganda n’yang litaw na litaw sa suot n’yang mint green dress na halos pareho ng cut ng sa akin, ang kaibahan lang ay medyo conservative ang tabas ng sa kanya samantalang ang sa akin ay medyo daring dahil halos kalahati na lang ng dibdib ko ang natatakpan.   “Wow, Nath! You’re gorgeous as ever!” komento ko at nang tumayo ako ay muntik pa akong mapaupo ulit dahil sa pangangatog ng tuhod dahil sa titig ng pinsan n’ya. s**t!   Nang minsang magawi ang tingin ko sa labas ay naabutan ko pa rin ang titig ni Triton kaya halos mawala ako sa sarili habang kinukuhanan ng solo pictures si Nathalie.   Ilang solo shots pa ang kinuha n’ya sa akin habang nakatayo doon sa black partition curtain kaya halos tumagal pa kami ng kalahating oras doon.   “Gosh! I forgot to bring my tripod today,” nakangusong sabi n’ya matapos magkalutkot sa bag n’ya dahil nagyayang magpicture kami ng magkasama. Tumayo ako at lumapit sa kanya.   “Maybe some other time, Nath. Tapos naman na natin ang solo pictures kaya-”   “I have an idea,” nakangising sabi n’ya at saka pumihit na patalikod sa akin at naglakad palabas ng private room. Nagkibit balikat ako at naglakad palapit sa couch para makaupo muna doon dahil sa ngawit sa ginawang pictorial.   I was about to take a seat when Nath entered the room again. But this time, hindi na s’ya nag-iisa!   Kasunod n’ya ang pinsan n’yang nakakunot na kaagad ang noo habang naglalakad kasunod n’ya. Ilang beses na napalunok ako nang muling magtama ang paningin namin. Kitang-kita ko ang mabagal na paghagod n’ya ng tingin sa kabuuan ko at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng mga panga n’ya nang mapadako ang tingin n’ya sa gawing dibdib ko.   “Euri! Come here. I asked Triton to take some pictures of us,” sabi ni Nathalie kaya lumipat ang tingin ko sa kanya. “Make us look really good, okay?” bilin pa nito sa pinsan habang naglalakad na palapit doon sa partition curtain kung saan kami nag-picture taking kanina.   “Euri?” muling tawag ni Nathalie sa akin nang hindi ako agad nakakilos dahil sa pagkabigla.   “O-oh? I’m coming,” natatarantang sambit ko at agad na iniiwas ang tingin kay Triton na halatang hindi nagugustuhan ang nakikitang ayos ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD