Chapter 1

718 Words
Disclaimer No part of this book may be reprinted reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Harry Jr. (POV) Intramural sa school namin at napakaraming studyante sa iba't-ibang paaralan. Ang school namin ang host ngayong taon kaya busy din si Mommy. Siya ay elementary teacher noon pero dahil sa pag babago ng curriculum ay nag-aral siya ulit para maka pagturo sa higher grade. My Mom is teaching Grade 8 and I am in grade 11 sa isang public school. Apat kaming mag-kakapatid at ako lang ang nag-iisang lalaki. Napalalim ang aking paghinga bakit ako nag-aaral sa public school na punagtuturuan ni Mommy. It's part of the training to be a King soon. My Grandfather is the richest King of all the kings. My mother is a princess and My Dad is a silent billionaire. Mag-isa lang akong naka-upo sa silong ng mangga habang nanunuod ng volleyball. "Anak ayaw mo ba talagang sumali sa search for Mr. Intramural 2024?" Tanong ni Mommy mula sa aking likuran na hindi ko namalayan ang kanyang paglapit. "No Mom." Maiksing sagot ko. "Anak, magaling ka naman sa basketball, table tennis, arts at iba bakit wala ka man lang sinalihan?" "I am okay Mom." Sagot ko na lang at hinalikan ako sa pisngi ni Mommy bago siya umalis. Alam kong maraming nakatingin na studyante, very sweet kasi si Mommy sa akin kahit noong bata ako ay lagi niya akong hinahalikan at niyayakap. Pero ngayon at nagbibinata na ako dapat bawas bawasan niya ang pagtrato sa akin na parang baby. Maraming nag kakagusto sa akin at marami din akong natatanggap na love letters at si Mommy ang taga basa. I have a few friends pero busy sila sa kanilang practice. Mamayang lunch pa kami mag meet. I have my lunch that my Mom always prepared. Like rice, eggs, tinapa, and other foods that simple people can afford. Sa ilang taon na pagbabaon ko ay nasanay na ako. People only know that my Mom is only a simple public teacher. Dad help to hide her identity as the wife of a billionaire and a princess. Napatingin ako sa aking orasan, nakaramdam na ako ng gutom. Saktong pagtayo ko ay parating na ang mga kaibigan ko na pawisan. "Harry, lika na kain na tayo." Aya sa akin ni Joe. "Okay." Sagot ko at sumunod na ako sa kanila. Sa likran ng aming paaralan ay may maliit na kubo at doon kami laging tumatambay. Pagdating namin sa kubo ay nag sihubaran sila dahil sa sobrang init. Kahit ako ay napa hubad na din at isinampay ang uniform ko sa aking balikat. "Mamaya nood tayo ng Mr and Miss Intramural." Masayang sabi ni Joe na inilabas na ang kanyang baon. Napatingin ako sa baon niya isang red egg at dalawang kamatis. "Excited ka lang makakita ng hita." Natatawang sabat ni Benjamin Nagtawanan kami at inilabas ko na rin ang aking baon na hotdog at isang delata na tuna. May pambukas kami ng delata na iniiwan namin dito sa kubo. Inilagay namin ang lahat ng ulam namin sa gitna at si Kiko lang ang walang ulam. "Pasensiya na wala akong maishare." Nahihiyang sabi ni Kiko "Okay lang nasanay na kami." Sabat ni Joe kaya nagtawanan ulit kami. Pinagsaluhan namin ang aming mga ulam at pagkatapos ay humiga ang mga kaibigan ko dahil napagod sila sa practice nila. Nang sila ay tulog na ay mabilis kong nilagyan ng limang libo ang bag ni Kiko. Sa aming mag kakaibigan ay siya ang nahihirapan dahil ulila na siya at may kapatid pa siya na nag-aaral din. Ang kwento niya sa amin ay pagkatapos ng klase namin ay dumederetso siya sa pamilihan. Para maging kargador at paggising niya sa umaga ay nag kakargador na muna siya bago pumasok. Nang mailagay ko na ang limang libo ay humiga na rin ako sa tabi niya. Masarap ang simoy ng hangin sa kubo at malamig sa likuran ang papag.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD