"Good morning Miss Xia, pasok po kayo!" sambit ng baklang naka panlalakeng outfit. "Hmmm siya na ba Miss Xia?" . " Mmm yeah, siya na nga! Ano ang masasabi mo, Mamu? Pasok ba sa taste mo huh?" dinig niyang sambit ni Xia sa bakla. " Hmmmm, let me see!Wow ha, mukhang matibay 'to! Ang lapad ng chest and the face sister ah pwedeng pang display sa burol, birthday at shoot rin sa kasal! Infairness huh ang galing mong pumili sistah! " maarteng sambit ng bakla habang hinahawakan siya sa balikat. "So pwedeng pwede noh?"ulit ni Xia sa kan' ya. " Yes, one hundred percent pasok na pasok siya sa banga! " maarteng wika ng bakla na umapir pa kay Xia Jill. Napailing na lamang siya sa narinig. Parang tumatayo ang mga balahibo niya sa katawan sa paraan ng pagtitig nito sa kan'ya. Tila ba tagos sa ka