" A-Ako na po Papa G, ako na ang kukuha sa taas. Busy pa si Manang, sige manang ituloy n'yo na muna po ang ginagawa ninyo! " natataranta niyang sambit nang marinig na ipapakuha ni Papa G ang healing water nito sa kwarto. " Ah sige Terrence, salamat ha at maaasahan ka talaga!" natutuwang sambit naman ni Papa G. Tumayo siya at mabilis pa sa alas cinco na naglakad patungo sa kwarto ng mga magulang ni Xia. Nang umakyat siya sa kwarto ay dali-dali niyang hinanap ang lalagyan sa basurahan. Naalala niyang itinapon pala niya iyon . Nang makita ang lalagyan ay napaupo na muna siya sa kama . Ang akala talaga niya ay tubig lamang iyo ni Papa G, healing water pala iyon na galing pa sa ibang bansa.Napakamot tuloy siya ng ulo sa pag-iisip, patay talaga siya kay Papa G neto. " Bahala na !"sambit niya