" Hoy, huwag ka na ngang mag-inarte diyan! Kanina pa si Chen sa baba nag-aantay kaya tara na bago pa magbago ang isip ng intsik na 'yun!" hiyaw sa kan'ya ni Jelaine sabay hampas ng throwpillow nito sa kan'ya. Nasa hotel siya ngayon ng kan'yang resort at katatapos lamang niyang maligo. Hapon na pala , muntik na niyang makalimutan ang birthday ni Chen. Hanggang ngayon ay hindi pa kapani-kapaniwalang narito si Mr. Chen at manlilibre pa ito . Sa tagal ng pagiging magkaibigan nila ay ngayon lamang 'ata ito manlilibre. " Go now, mauna ka na Jelaine! Susunod na lang ako.Hindi ako excited basta si Mr. Chen taya at baka mamaya its a [prank lang 'yan! Scammer pa naman ang intsik na 'yun! " pagtataboy niya kay Jelaine. Wala talaga siyang tiwala kay Mr. Chen sa totoo lang! Ito manlilibre? Eh isang