"Xia!" sambit niya sa sarili. Naka ilang tawag na siya sa cellphone nito ngunit panay ring lamang ito. Itong si Elsa kasi hindi mapigilan ang sariling hindi sabihin ang mga past experiences niya sa loob ng office niya. Of course, dati pa iyon noong hindi pa sila nagkakilala ni Xia Jill. Hinabol niya ito kanina hanggang sa parking lot ngunit bigla na lamang itong nawala. Napakabilis yata nitong nakarating sa parking.Galit na galit ito marahil sa kan'ya. Ang mga babae nga naman,kaunting mali lang walk-out kaagad. Ni hindi man lamang marunong makinig ng explanation. Ni hindi man lamang nagtanong sa kan'ya, basta galit eh sampal kaagad! " Bumalik na lang siya sa office niya. Hindi naman niya alam kung saan nagpunta si Xia Jill kaya mas maigi pang tapusin na muna niya ang nakabinbin niyan