TERRENCE GELLER "Woooah? Ba't nandito ka?" Nagulat pa siya nang makita niyang papasok ng lobby ng hotel niya si Jelai. "Parang nakakita ka 'ata ng magandang multo. Of course, I'll stay here muna kasi libre, hindi mo naman ako sisingilin' di ba?" wika nito. "Bakit ka nga nandito?" tanong nito. "Kasi nga po Tiburcio, imbitado kami ng bessy ko sa birthday ng mga pamangkin niya. And, kailangan mong sumama, wala akong driver!" anito. "At gagawin mo pa akong personal driver mo? Ano ako si Tigre? Hindi kita asawa Jelai!" napapailing niyang sambit. "Well, okay lang naman kung ayaw mo! Ako na lang ang magmamaneho, may nakita nga pala akong bagong car sa parking lot. Sa'yo raw 'yun sabi ni Manong guard. Hiramin ko na lang ah?" "Bago pa lang' yun at wala akong tiwala sa'yo! Masyado kang barumb