Dahan -dahan niyang iginalaw ang kan’yang ulo at nang dumilat siya ay nakakasilaw na ilaw ang sumambulat sa kan’yang mga mata. “ W-Where am I?”nauutal na sambit niya nang makikta si Jelaine sa tabi niya. “ Nasa loob ka ng mansion ni Adrian. Huwag kang maingay tingnan mo nga kung sinu-sino ang nasa paligid mo ohhh!” bulong nito sa kan’yang taynga. Dahan dahan naman siyang umupo sa kama upang tingnan kung sinu-sino ang mga naroon sa loob ng kwarto. Nang makita ang isang batallion ng mga tao sa loob ay saka pa niya naalala ang nangyari kanina. “ What the f*ck!” sambulat niya nang maalala ang nangyari at sinabi ng dalawang inosenteng bata. “ Huwag na huwag kang magkakamaling kumilos ng hindi maganda Tiburcio. Isang maling galaw at isang maling sagot lang, paglalamayan ka na bukas!” bulong