Tila tubig lamang ang beer sa kan'ya, di nga niya pansin na nakadalawang bucket na pala siya. Halos mapuno na ang mesa niya ng mga basyo ng alak. Ngayon lamang siya nakainum ng ganito kadami. Kapag umiinom siya , pa chill chill lang pero ngayon parang iba eh, parang wala nang bukas. " Sir, alas onse na po, closing time na po namin pasensya na po talaga!" sambit sa kan'ya ng babaeng umiiyak kanina. " Closing time? Pwede bang tawagan mo muna ang may-ari? Can't you see? Hindi pa nga ako tapos rito? I am a customer here at ako ang magdedesisyon kung kailan ako aalis!" bukyaw niya sa babae. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang sinasabi nitong boss. Lalake at medyo may katabataan at kapandakan ito. " So, ikaw pala ang boss? " Dumukot siya ng lilibuhing pera at ipinatong niya sa mesa." T