" Terrence, pakikuha na lang ng mga Jars sa taas. Please secure it, handle it with care kagaya ng pangangalaga mo sa buhay mo!" utos sa kan'ya ni Papa G. Nakabihis na ang lahat para pumunta sa tabing dagat upang isaboy ang mga ashes ng mga magulang ni Papa G. Lahat sila ay nakasuot ng puti. Nakashorts lamang sila ni Xia pati na rin ang kambal. Napalunok siya ng sunod-sunod. Pinagpapawisan na naman siya ng malapot. " Lola , patuwad este I mean patawarin mo po ako. Hindi ko po sinasadya pero abo na lang po ito , ang importante po ay nasa langit na po ang kaluluwa ninyo! Diyan na lang po kayo ha? Huwag na po kayong bumaba pa rito, kami nanang bahala sa mga abo ninyo." sambit niya bago niya kinuha ang dalawang jars sa altar. Nang bumaba siay ay dumating na rin sina Van Lexus Mondragon kasam