3: Night

997 Words
“There is always one side of the story that is yet to unfold before judging the entire situation.” -jazlykdat   *** Hindi na itinuloy ni Vaughn ang ginagawang proposal after dinner. Nainis na naman kasi siya kanina. He had a sumptuous meal, alright. Para kasing gumaling magluto yung cook nila. Iniisip niya rin na marahil ay magana lang siyang kumain dahil sa presensiya ng mga anak niya. For the last five years, his meal wasn’t as sumptuous as it was a while back until he commended the cook for the good meal. Tinawag pa niya ito sa dining table para lang purihin pero nagmukha lang siyang tanga nang sabihin nitong si Lianna ang nagluto. “Sir, ang misis niyo po ang nagluto lahat niyan.” Bahagya itong yumukod at ngumiti. Natuliro pa siya ng panandalian bago na-realize na si Lianna ang tinutukoy nito. Mas lalo siyang nainis nang marinig niya ang hagikhik ng kambal at mahuli si Lianna na kumindat sa mga ito. He is so pissed off. She is really a cunning woman. Naalala na naman niya noong mga panahong tinatanong niya rito kung may problema ito at sinasabi nitong wala pero kung anu-ano na pala ang pinag-iimbestiga nito pagtalikod niya. He even told her na sabihin nito sa kanya kung may problema but she never did. Kung hindi pa biglang hindi umuwi si Manang Pacing isang gabi, hindi niya malalaman ang lahat. Nag-alala kasi siya noon sa biglaang pag-alis ng matanda. It was very unusual kaya ipinahanap niya ito. Nang matagpuan nila ito, saka lang nito inamin ang lahat ng pinagsasabi nito kay Lianna. Nakaalis na noon si Lianna papuntang Davao. He helped Manang Pacing find her daughter and grandchild. He was so hurt realizing how Lianna doubted him as a person. Sa kabila ng lahat ng pagmamahal na ibinuhos niya. She went behind his back investigating over some nonsense innuendos. Ni hindi ito nagtanong o nagsabi sa kanya kahit ilang beses niya itong tinanong kung may problema ba ito. Ilang beses niya ring sinabi dito na kung may problema ay siya ang unang pagsasabihan nito. What hurts even more is when someone from the NBI called him up telling that his wife is accusing him of illegal gun distribution and murders. Natawa pa ang head ng NBI nang kausapin siya nito pagpunta niya doon. They know him because he is the legal distributor of guns and ammos sa lahat ng sangay ng gobyerno na nangangailangan ng ganoon. “Your wife seems not to trust you,” biro ng head ng NBI. He knew it was a joke but it brought havoc inside him. Okay lang na hindi siya pagkatiwalaan ng lahat huwag lang sana ang taong pinakamamahal niya. She should’ve asked him kung gusto nitong malaman kung legal ang business niya. Pero hindi, nakabuo na ito agad ng conclusion na illegal ang business niya. Worst, she went there accusing him of murders. That isn’t just one murder but two. And that was way out of line. Did she really think he was capable of murdering someone? Ganun ba talaga kasama ang tingin nito sa kanya? He understands if she has doubts because they got married too soon pero hindi naman sana ganun kalalang pagdududa. That only means one thing, whatever goodness he has shown her before didn’t really matter because she already made a wicked image of him in her mind based on other people’s words. Mga taong ni hindi nito kilala ng personal. Mga taong hindi man lang nito nakasama versus him who had been with her in the same bed. At iyon ang pinaniwalaan nito nang mahigit limang taon.   He was awakened from his reverie when he heard a knock on the door. He lazily opened it but he smiled when he saw Vanna. Nakapantulog na ito at may hawak na stuff toy. “Daddy, puwede po favor?” nakatingala ito sa kanya at humawak sa kamay niya. “What is it baby?” malambing niyang saad rito. Binuhat niya ito papunta sa kama at kinandong. “Can we sleep here in your bed?” nakangiti nitong saad. “Daddy please?” humalik ito sa pisngi niya at yumakap sa leeg niya. “Sure baby,” saad niya rito. Vanna giggled gleefully. Napatawa pa siya sa reaksiyon ng anak. But his smile faded nang makitang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Liam na katapat lang ng nakabukas na pintuan ng kuwarto niya. Hila-hila nito ang ina papunta sa kuwarto niya. Lianna looked ashamed at what Liam is doing. “Daddy said we could sleep here,” masayang saad ni Vanna habang nakayakap sa leeg niya. “Come here, Liam, Mommy!” masaya nitong saad sa dalawa. Babawiin sana niya ang pagpayag niya pero mukha kasing masayang-masaya ang dalawang bata. He can’t break their hearts. He just hopes that Lianna would be decent enough to retaliate. Pero hindi niya ito naringgan ng kahit anong pagtutol. Sumunod lang ito kay Liam papunta sa kama. “Yes!” Vanna jumped on the bed. Naiwan siyang nakatanga sa mga ito. Humiga ang dalawang bata sa gitna nila ni Lianna. He hates this idea. Dapat pala tumanggi na lang siya. He was looking at Lianna hoping she’d look his way para masenyasan niya ito na tanggihan ang dalawang bata but she’s not even looking his way. Nakikipagbiruan pa ito sa mga bata which irritates him more. The two asked their mother to sing a lullabye. Gusto sana niyang takpan ang tainga niya nang magsimula itong kumanta pero alam niyang makikita ng mga bata kapag ginawa niya iyon. He had to endure hearing her voice. Marunong itong kumanta pero naiinis talaga siya sa presensiya nito. It irritates the hell out of him. Para itong masayang-masaya. Magaling talaga itong magpanggap. Ganyang-ganyan ito noon. Parang masaya sa piling niya pero kung anu-ano na palang hindi magandang bagay ang iniisip nito tungkol sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD