Khieth POV, Hanggang ngayon hindi ko pa nakakalimutan ang mga sinabi ni Four. Bumalik na ako sa kwarto namin ni Four at nag bihis alam ko 7:00 pm palang pero ano ang gagawin ko dito may driver naman sa labas sinabihan na ako ni Four pag may kailangan ako bumaba lang ako dahil may tutulong sa akin, napag alaman ko na mas mayaman pa pala sa inakala ko si Four. Bumaba na ako at pinuntahan sa parking lot ang personal driver nila. Ng makita niya ako mukhang nabigla ata. Kung hindi ito mundo ng mga tao bakit may mga kotse dito? Malamang Khieth nakarating sila sa mundo mo kaya hindi imposible na dinala nila dito ang kotse. "Ah Young Lady, may pupuntahan po ba kayo?" Tanong sa akin ng driver habang nakayuko. "Sa school manong." Maikling sagot ko. Bigla naman niyang binuksan ang pinto ng sas