Khieth POV,
"Maraming salamat po at hanggang dito na lamang ang aking balita"
"Ano ba naman yan kay aga-aga patay na agad ang laman ng balita. Hindi ba sila nagsasawa sa kakapatay? Mga halang talaga ang mga kaluluwa nila!" Reklamo ko habang naglalakad.
By the way ako nga pala si Khieth Iris Key 18 years old. Wala na akong parents patay na sila. Working student ako at nag-iisa lang ako sa bahay. Sa katunayan nga papunta na ako sa school namin, scholar lang ako kaya bawal ma late.
Tiningnan ko ang relo ko, napangite ako ng makita na 7:00 am palang. Isang matamis na ngiti ang kumawala sa labi ko may pupuntahan pa pala ako nakangiteng wika ko sa aking isip.
Sa school na ito walang pakealam ang mga estuyante sa akin. Ang tingin nila sa akin poor, walang kwenta, basura, sambit sa school nila. Pero wala akong pakealam kung ano man ang tingin nila sa akin.
Wait balik tayo sa topic, tama na ang satsat. Pupunta pala ako sa gym, titingnan ko lang kung nandoon si Four.
Si Four ang long time crush ko. Oh, cratch that! Mahal ko pala.
Sa maniwala kayo at sa hindi stalker ako ni Four. Gwapo, mataas ang ilong, parang lahat nasa kanyang na pero ang sungit, suplado, at kilala sa tawag na Mr.cold.
Pero si Four ang tao na kapag tiningnan mo napaka mistoryoso.
Hayss! Mamaya na ang kwento ah! Malelate na ako. "Takbo Khieth takbo!" Kausap ko sa sarili ko.
And then suddenly...
Boggsssh!!!
Pakiramdam ko nawala ata lahat ng brains ko. Damn! Ang lakas ng impact ha!
"Aray! Kuya hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo!" Asik ko habang hawak ko ang noo ko. Pakiramdam hinampas ako ng malakas.
"Stupid! Watch your steps!" Pakiramdam ko nabingi ako sa sigaw ng taong nasa harapan ko. Unti-unting tiningnan ko kung sino ang nakabangga ko. Kumabog ng malakas ang puso ko, pakiramdam ko maraming kabayo ang tumatakbo.
"Holy s**t! Totoo bato!" Sambit ko sa isipan ko. Pero nakita ko ang pag kunot ng noo nito. Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya.
"A-ahh F-four i-ikaw p-pala." Hala nako totoo bato? Nauutal na wika ko. Kaharap ko ngayon ang lalaking pinapangarap ko.
"Yeah its me! And get out of my way!" Singhal niya bago tuluyang imalis, binigyan ko naman siya ng space upang makadaan. s**t! Bakit ba ang gwapo ni Four kapag nagagalit. Hindi manlang ako na offend sa sigaw niya, pakiramdam ko kumikintab ang mata ko habang nakatingin sa papalayong likod nito. Then it hit me.
" Hala! s**t! Late na ako!" Tumakbo ako ng mabilis, ayan utak mo Khieth lumandi kapa kasi. At least worth it naman. Natanaw ko na ang pinto ng room namin kaagad ko itong binuksan.
"Ms. Key! Why are you late!" Nako ang dragon ko na teacher. Mapait akung napangiti habang nakatingin sa kanila.
" A-ahh Sir kasi..." Mag-isip ka ng palusot Khieth, paganahin mo utak mo. "Kasi, may kalabaw kasi sa daraanan ko." Please gumana ka.
Lihim akung napamura sa palusot ko. Sa wala na akung ibang maiisip na palusot eh.
"Sa susunod Ms. Key ayus-ayusin mo ang palusot mo." Sabi ni teacher kaya tumango nalang ako. "Sige na umupo kana."
"Okay, Sir thank you." At pumunta na ako sa upuan ko. Pero s**t! Mag kaklase kami ni Four, kampi talaga ang tadhana sa akin. Nandito ako sa likod sa tabi ng bintana. At si Four nasa unahan ko. Teka? Ang bilis naman niya makarating dito? How weird?
Tumawa nalang ako pero patago lang.
Malaya ko ng matitingnan ang kanyang likuran.
"s**t! Bakit ba ang gwapo ni Four, may s*x appeal pa, kahit sino naman siguro mag kakagusto sa kanya." Wika ko sa aking isipan. Sumandal ako sa upuan habang mainam na tinititigan ang magandang likod nito.
Buong klase hindi ako nakikinig kay Teacher Rick nakatingin lang ako sa likuran ni Four. Bakit ba, sa hindi ako nagsasawa eh.
"Hays! Kung pwede lang kitang dalhin Four, matagal na sana kitang inuwi sa bahay." Tanga ka talaga Khieth bakit naman siya sasama sayo? Mayaman kaba? Maganda kaba? Hindi diba? Dream on Khieth. Malalim akung napabuntong hininga.
Kring! Kring! Kring!
Tumunog na ang bell at niligpit ko na ang mga gamit ko. Maingat ko itong binabalik sa bag ko, wala naman akung natutunan ngayon.
Ng biglang may bumulong sa akin.
"Ang gwapo ko namang kalabaw para humarang sayo." Kaagad na nanindig ang balahibo ko ng marinig ang malamig nitong boses, at iniwan niya akong nakatulala kasama ang mga kaibigan niya. Nakita ko naman ang pag-iling ng dalawang lalaki. Matagal pa ako bago naka recover dahil sa nangyari.
Lunok ng laway, kisap mata hingang malalim, tapos...
Ahhhhhhhh!!!
Shit! Totoo ba yon kinausap ako ni Four?Mamarkahan ko ang araw na ito. Kahit sita lang iyon parang kinausap niya parin ako.
Lumabas ako sa room na malapad ngiti papunta ako ngayon sa Cafeteria para bibili ng pagkain. Ang mahal ng mga pagkain nila dito, kaya kanin nalang binibili ko dito, nagluluto ako ng sariling ulam ko para makatipid.
Spplaassh!
Nagulat ako dahil may biglang bumuhos nalang sa akin ng malamig na tubig, pakiramdam ko pati puso nilamigan.
"Yan ang bagay sayo basura!" Sigaw sa akin ni Karla kasama ang mga aliporis nya. Si Karla ang queen bee dito sa school, ginagalang siya dito dahil apo siya ng may ari ng school na to. Marami ang natatakot sa kanya war freak kasi.
"Alam mo Khieth kung ako sayo umalis kana dito!" Sigaw niya sa akin. Napapikit ako sa sigaw niya.
"Hindi ka dito nararapat!" Sigaw naman ng alipores niya sa mukha ko. Hindi ko nalang sila papansinin sanay na ako sa ginagawa nila.
Tumayo nalang ako at lumakad paalis, naririnig ko pa ang tawa at bulong-bungan ng mga estuyante, pero hindi ko na pinansin ito. Tumakbo ako pa uwi sa bahay na umiiyak, halos kada araw ganyan ang ginagawa sa akin nina Karla.
Hindi naman ako maka sumbong dahil wala rin namang patutunguhan, kaya sinasarili ko nalang wala rin naman akong masasabihan ng problema ko, wala naman akong kaibigan. Hindi na ako pumasok at nag mukmuk nalang ako sa bahay.
Hanggang sumapit na ang gabi at niligpit ko na ang mga gamit ko, dahil may trabaho pa ako. Your okay Khieth, laban lang. Someday you will be successful.
Four POV,
"Damn! Nag uumpisa na naman sila. Mga walang hiya hindi na nadala." Mura ko habang nakatanaw sa dulo. Tiningnan ko si Ace sa tabi ko.
"Four sa tingin mo kailan mo pa matatapos ang pakay mo dito?" Tanong sa akin ni Ace. Malakas akong napabuntong hininga.
"Hindi ko pa alam Ace." Sagot ko sa malungkot na boses, tumango nalang siya bilang tugon sa sagot ko at iniwan na niya ako.
By the way, I'm Four Harris Yeol 20 years old and I have a twin sister my mother and father, well that's a secret for now. I have only two friends Ace and Sky there are twin too.
Pumunta lang naman ako sa mundo na ito dahil sa misyon ko, at napa importante noon.
(The next day)
Pumunta ako ng maaga sa school dala ang kotse ko, pag park ko nito umalis na ako.
Habang naglalakad ako parang may sumusunod sa akin, pero hindi ko na pinansin iyon at ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Oh! Four salamat at dumating kana." Sabi ni Sky sabay tapon sa akin ng susi. Mga baliw talaga. Sumunod ako sa kanila habang papasok kami sa masukal na parte ng school.
"Sayo na yan Four, walang labis walang kulang." Sabi naman ni Ace. Tinaasan ko it ng kilay.
"Four wala kaming babae na nakita, sayang nga eh, kung babae sana yan, e di sana may pampalipas oras tayo bago gawing agahan." Napatawa ako sa sinabi niya, mga gago talaga!
"Asshole! You're right. Siguro next time." Sagot ko kay Sky. Kung babae sana, kaso hindi. I have needs you know.
"Sige na Four tapusin mo na yan, at aalis na tayo." Sabi ni Ace na naka foker face.
Dahan-dahan akung lumapit sa walang malay na tao, sayang ka ikaw ang nakuha nina Ace na pagkain namin.
Lumapit na ako sa tao na walang malay nakabulagta ito sa lupa habang may sugat sa mukha dahan-dahan akung yumuko at kinagat ang leeg niya, ramdam ko ang pagbalik ng lakas ko dahil sa sariwang dugo na iniinom ko, ng maubos ko na ang dugo niya sinimulan ko ng wasakin ang tiyan niya at kinuha ang puso niya at kinain.
"Its been a long time since I eat human"I said and smile. Napailing naman sina Ace sa akin. Ng matapos na ako, bumalik na ako kina Ace at Sky, tapos narin sila sa kanilang ginagawa.
"Four may sasabihin ako." Saad ni Ace. Napakunot naman ang noo ko.
"Ano yon?" Sagot ko habang pinupunasan ang kamay ko.
"Kailangan na nating bumalik sa mundo natin."Napatigil ako sa ginagawa ko, napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Ofcourse I know.
"Naiintindihan ko." Sagot ko at umalis na, iniwan ko na silang dalawa doon.
"Aba! Ang bastos talaga ni Four! Diba Ace?Hoy Ace!" Singhal naman ni Sky kay Ace. Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Sky.
"Ano ba Sky! Alam mo na nga ang sagot magtatanong kapa!" Singhal sa kanya ng kambal nito, kita mo na?
"To naman di mabiro." Sagot sa kanya ng kambal niya. Hindi pa ako nakakalayo narinig ko na naman ang away ng kambal. Iniling-iling ko nalang ang ulo ko sa, mga bata isip talaga.
Bumalik na ako sa campus at dumiritso sa library. Hindi na ako papasok. I want to visit the library.
Palakad lakad ako sa harap ng book shelf habang nag hahanap ng libro, ng biglang...
"Ahhhhh! Ano na ang gagawin ko!" Sambit ng isang babae, ano yan baliw? Hinayaan ko nalang siya, total hindi naman niya ako nakita pero nabigla ako sa narinig ko mula sa kanya.
"Nako! Ano bang klaseng nilalang si Four!"Sigaw niya.
Doon napukaw ang sarili ko. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ko. Damn! Mabilis akung
Lumapit ako at tiningnan kung sino ang babae, kung ganon may alam ka pala, hindi to pwede!
Dali-dali akong lumabas at umuwi sa bahay, nadatnan ko ang kasambahay namin na nag lilinis, inutusan ko siya. Dali-daling umalis ang
kasambahay namin at sinunod ang aking utos.
"s**t! f**k! Hindi to pwede!" Malakas kung sigaw at sinipa ang mesa na nasa harapan ko! Tumilapon ito sa malayo at nawasak.
Tinawagan ko sina Ace at Sky na umuwi muna dahil may pag-uusapan kami. Hindi nagtagal dumating na sila.
"Mag handa na kayo, uuwi na tayo sa susunod na araw. Alam ko na napa aga pero kailangan." Mabilis kung saad sa kanila, napakunot ang noo nila.
"Pero Four bakit?" Tanong ni Sky. Tiningnan ko nalang sila at agad rin naman nila itong nakuha. Kaagad akung nagpaalam sa kanila na aalis muna ako. May aayusin lang ako. Damn!