Jade POV, Iniwan ko na doon si Ate, ikaw na mismo ang umalam Ate.Pina iwan ako nina Kuya Four dahil baka kung ano pa ang magawa ko, pwes! Wala akong pakealam buhay na ng mahal ko ang nakataya doon. Tinakbo ko ang bangin at tumalon, pag ka talon ko dinamdam ko muna ang hangin at pinalabas ang pakpak ko.Nilipad ko ang bundok at tinungo ang pinuntahan nina Kuya. Hindi ako uupo at mag hihintay lang ng balita sa palasyo kailangan ko rin tumulong. Hindi nagtagal natanaw ko na ang black castle. Unti-unti ko binalik ang pakpak ko at pumasok. Nakita ko agad na ang daming patay. Hindi ko na yon pinag aksayahan ng oras, at pinuntahan ko na sina Kuya sa loob. Hindi ko pinansin ang nagkalat na lamang loob, mas inaalala ko ang mahal ko. "Jade! What are you doing here!" Umalingawngaw ang boses ni K