HS3

200 Words
Sa tuwing may pasok ay kinakabahan ako kasi baka mahuli niya ako. Kung an0-ano pa naman ang pinagsasabi ko sa kaniya sa chat. Pero hindi pa rin nagbabago ang inis ko sa kaniya. Kailangan ko ng paliwanag kung bakit niya ako binagsak. Kung malakas lang siguro ang loob ko ay matagal ko na siyang na-confront sa grades ko. Sa tuwing lalapit kasi ako sa kaniya, nakakatakot ang mga tinginan niya. Para kang kakainin na buhay. Kailangan ko pa tuloy bawiin 'yon para hindi ko na ma-enroll sa susunod na taon. Kung sabagay, hindi lang naman ako ang binagsak niya, kasi marami kami. Pero mali pa rin ang ginawa niya. Hindi makatarungan sa akin. Akala niya naman kanina na hindi ko masasagot mga tanong niya. Nakangisi pa siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Napahiya tuloy siya noong alam ko ang sagot. Nag-review kaya ako sa subject niya. Anong akala niya sa akin, tamad? Ganito lang ako, pero masipag talaga ako mag-aral. Kaya nga sobrang stress ko noong binagsak niya ako without valid reasons. Hindi ako makakapayag na hindi makakaganti sa kaniya. Pinalaki kaya ako ng tatay ko na fighter at hinsi sumusuko. Kaya Ethan James Velasquez, maghanda ka! -Nemo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD