HS10

206 Words
Nang makabalik na ako sa school ay agad akong pinatawag ng mga teachers ko dahil ang dami kong na-missed na lessons at kailangan kong humabol. Mabuti na lang at pinahiram din ako ng classmates ko ng notes. Bigla akong kinabahan nang ipatawag ako ni Sir Ethan James sa office niya. "Ilang araw ka nang absent, malapit na ang midterm natin. Wala ka bang balak na humabol sa klase? Bagsak ka na noong nakaraan, ah." Iniiwasan kong tignan ang mata niya habang sinasabi niya iyon. "Pasensya na, Sir. Ibibigay ko po 'yong excuse letter ko mamaya. Nakahiram na rin ako ng notes sa mga kaklase ko," nakayukong sabi ko. Tinigil niya naman ang ginagawa niya at nilahad ang kanang kamay niya sa harapan ko. "Good! Pahiram ng notebook mo, may ibibigay ako sa iyong reviewer para makahabol ka." Mabilis ko namang inilabas ang notebook at binigay sa kaniya. May sinabi pa siya na hindi ko narinig, kaya hindi ko na lang ito pinansin. Nagsulat siya roon at binalik sa akin ang notebook ko pagkatapos. "Mica, please, study hard." Nakatingin sa mata na sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako at nilagay pabalik sa bag ang notebook ko. "I will, Sir. Thank you," sagot ko at 'saka nagpaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD