HS13

211 Words
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nasundan pa ng ilang messages iyon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may nagbago na sa amin. Good mood na siya palagi sa tuwing papasok para magturo at masaya na ako roon. Kaya sa tuwing may problema ako, siya ang takbuhan ko. Masaya akong ma-share ito bukod sa mga kaibigan ko. Kaso sa mga nagdaang araw, iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi na bilang estudyante at teacher ang tingin kong meron kami ngayon. Nahihirapan na akong itago ito sa sarili ko. Alam kong nahuhulog na ako sa kaniya-- kay Sir Ethan James. Hindi ko lang alam kung may balak siyang saluhin ako kung sabihin ko man ang nararamdaman ko sa kaniya kasi estudyante niya lang ako. Pero bahala na kung ano ang mangyari. Kung sasabihin ka man at ire-reject niya ako, hindi pa rin ako susuko. Okay lang naman siguro 'yong edad na 25 at 19. Hindi naman ako nalalayo sa kaniya. Sasabihin ko ito pagkatapos ng exam namin, para wala na akong ibang naiisip. Hindi naman siguro mahirap mag-confess ng nararamdaman. Baka pwede kong ideretso na lang na nagugustuhan ko na siya, para hindi na ako mahirapan pa. Kung ano man ang mangyari sa araw na 'yon. Ipapaubayan ko na sa Kaniya. -Nemo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD