Kanina habang nasa canteen ako ay nagkabanggaan kaming dalawa. Alam kong siya ang may kasalanan, pero umiwas na kaagad ako. Ayokong tumagal 'yong pag-uusap namin kasi hindi naman ako sanay na kausap siya sa personal. Sa chat lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng lakas na loob na kausapin siya. Nag-sorry kaagad ako sa kaniya, pero humingi rin siya ng tawad na siyang ikinagulo ng isip ko.
Ano kayang nangyari sa kaniya? Good mood yata ang may period naming teacher.
Kapag nalaman siguro ng mga classmate ko 'yong pinanggagawa ko baka pinagtawanan na nila ako. Ayoko namang sabihin sa kanila na ka-chat ko si Sir at ginugulo ito. Baka kung ano pa ang sabihin o maisip nila.
Kung titignan mo ay nasa twenties lang din ang edad niya. Tumatanda lang talaga siya kapag palagi itong highblood sa classroom. Lagi kasing nakakunot ang noo niya sa tuwing magtuturo ito. May itsura, matalino, malinis sa katawan at magaling magdala ng damit. Hindi ko nga alam kung may iba pa ba itong problema.
Halos lahat ng mga teachers at students ay napapatingin sa kaniya. Lagi siya ang laman ng newsfeed ko sa real account ko. Hindi naman na nakakapagtaka, kahit sa school ay siya pa rin ang topic.
-Nemo