FINALE: I Love You!

1797 Words
Settled na ang lipstick line business ni Suzet at nag start na din ang operation at sales nito. Maganda din ang naging output nito sa market. ZETTE ang brand name na ginamit nya sa kanyang lipstick line business. Hindi makapaniwala si Suzet na at the age of 27 ay meron na syang sariling kumpanya at ngayon ay ikakasal na sya sa kanyang first and last love. Matapos ang mainit na pangyayari sa kanilang dalawa ni Darwin sa condo, nagdecide silang dalawa na mag live-in muna sa condo habang hinihintay matapos ang pinapatayo nilang bahay at para maasikaso nila ng maayos ang kanilang kasal. ARAW NG KASAL Isa isang naglakad ang entourage sa simbahan. Unang pumasok si Darwin at mga magulang niya. Kasunod ang best man na sina Dexter, Marc at Reymund. Habang naghihintay si Darwin sa altar hindi pa man nakikita si Suzet ay naiiyak na ito. Inakbayan sya ni Reymund na umuwi pa galing Canada para sa kasal ng dalawa. "Congrats brader. Sa tinagal na panahon nyong nagtaguan ng feelings ni Suzet sa simbahan din ang tuloy!" Natatawa nitong sabi. "Congrats bro. Wish you all the best. I'm so happy for you." Ani Marc na tinapik tapik siya sa balikat. "Congrats bro! Huwag ka umiyak diba may sumpa ang pag iyak ng groom sa araw ng kasal. Magloloko daw ang groom kapag umiyak." Ani Dexter, nagtawanan silang apat. "Malabo yan mangyari samin" Natatawang sabi ni Darwin Maya maya ay naglakad na ang Maid of Honor na si Ana. Habang naglalakad ay naiiyak siya dahil ikakasal na ang bestfriend nya. Bigla nyang naalala ang usapan nila noon ni Suzet nung time na sila pa ni Reymund. "Bes basta kapag kinasal na kayo ni Reymund ako ang Maid of Honor mo ha." sabi ni Suzet sa kanya. "Oo naman ikaw lang naman ang bestfriend ko eh". Sagot nya. Ngayon naisip nya na nabaliktad ang ihip ng hangin nila ni Suzet. Napatingin sya sa kinatatayuan ni Reymund na nakatingin sa kanya. "Bro kapit lang ikaw na ang susunod." Sabi ni Darwin kay Reymund. Napangiti naman si Reymund. Maya maya ay nagsimula nang lumakad si Suzet. Sobrang ganda nito sa ayos at wedding dress na suot. Hindi nya napigilang umiyak habang naglalakad katabi ang mga magulang nya. "Anak napakasaya namin ng Papa mo na si Darwin ang napangasawa mo. Basta isentro nyo lang Panginoong Diyos sa relasyon ninyo. Kapag may problema huwag kang mahihiyang lumapit sa amin. Mahal na mahal ka namin." sabi ng mama nya na iyak ng iyak. Ang papa nya ay tahimik lang na naiiyak din. "Opo mama papa. Salamat po sa lahat. Salamat po sa pagtanggap at pagmamahal nyo kay Darwin". Naiiyak nyang sabi habang naglalakad patungo kay Darwin. Dahil naman sa sinabi ni Dexter kanina ay pinigilan ni Darwin ang pag iyak habang naglalakad si Suzet. Ngumiti na lang siya habang pinagmamasdan ang kagandahan ng babaeng minamahal niya. Pagdating kay Darwin ay nagbigay galang muna ang bride and groom sa kani kanilang magulang bago sila magkasabay na humarap sa pari. "Napakaganda naman ng asawa ko!" Namumungay ang mga matang sabi ni Darwin. Ngumiti naman si Suzet. "Ang gwapo mo din Beb!" Sagot niya. Matamis silang nagngingitian habang magkatabing nakaharap sa altar. Nagsimula ang seremonyas ng kasal, nagpalitan sila ng vows at singsing. At ilang minuto ang lumipas ay ganap na silang mag asawa. "I now pronounce you, husband and wife. You may kiss the bride!" Napangiti ang dalawa sa narinig. Bakas sa mga tinginan nila ang saya na sa wakas ay ganap na silang mag asawa. Humarap sila sa isa't isa. Tinaas ni Darwin ang veil na suot niya. Hinawakan niya ang mga kamay ni Suzet at hinalikan ito. Hinalikan din nya ito sa noo. Ilang segundong nagtitigan muna sila ng nakangiti. Kitang kita sa mga mata ng dalawa ang wagas na pag ibig sa isa't isa "I love you" Ani Darwin "I love you too!" Sagot ni Suzet tsaka nila pinagsaluhan ang unang halik nila bilang mag asawa. Panay naman ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob ng simbahan. Matapos ng halik ay nanatili pa rin silang nakatingin at nakangiti sa isa't isa at ninanamnam ang araw na yun na katuparan ng pangarap nilang dalawa na maging isa. Matapos sa simbahan ay kasunod naman sa reception. Sa isang hotel nila ginanap ang selebrasyon ng kasal nila. Sumayaw sila ng Papa niya para sa father and daughter dance. "Anak alam mo masaya ako na si Darwin ang napangasawa mo. Alam mo noong nagkaproblema kayo ni Darwin. Nakikita ko parati kang umiiyak, nasasaktan ka. Sinisisi ko yung sarili ko, inisip ko kung hindi sana namin hinadlangan ng mama mo si Darwin na manligaw sayo noon hindi mangyayari sa inyo yung pinagdaanan niyo. Patawarin nyo ko anak." Naiiyak na sabi ng papa nya. "Ano bang sinasabi nyo pa hindi nyo po kasalanan. Wala po kayong kasalanan dun huwag nyo po sisihin ang sarili nyo. Ginampanan nyo lang po ang obligasyon ng pagiging isang magulang sa akin. Huwag na po natin isipin yun ang importante kami na po ni Darwin at naging matatag po kami dahil sa lahat ng pinagdaanan namin". Umiiyak na sabi ni Suzet. Hindi niya alam na ganun pala ang iniisip ng Papa niya. Kahit gaano naging mahigpit ang magulang niya sa kanila noon ni Darwin, hindi niya naman sinisisi ang mga ito sa nangyari sa kanila. Iniisip na lang niya na ganitong kapalaran ang nilaan ng Diyos para sa kanila, ito ang tadhana nila kaya nangyari ang lahat ng pinagdaanan nila. Matapos ng father and daughter dance ay tinawag na ng emcee ang pangalan ni Darwin para sa kanilang first dance bilang mag asawa. "Darwin alagaan mo ang prinsesa ko ha pasensya ka na sa mga nasabi ko noon sayo. Alagaan mo sana ang anak ko. Magmahalan lang kayong dalawa. Huwag mo sana siyang saktan at paiyakin, naiintindihan mo ba?" Mariing sabi ng papa ni Suzet. "Opo. Mahal na mahal ko po si Suzet Uncle." "Anong Uncle, Papa mo na ko ngayon" Nakangiti nitong sabi. "Opo papa!" Nahihiyang sabi ni Darwin. Maya maya ay nagsimula na ang mag asawa sa kanilang first dance. Magkayakap sila habang sumasayaw. "Narinig mo yung sinabi ni Papa lagot ka kapag nagloko ka." Pabirong sabi ni Suzet. "Hinding hindi mangyayari yun. Ikamamatay ko kapag nawala ka pa sakin" sabi ni Darwin habang hinahaplos haplos ang pisngi ni Suzet. Napangiti naman si Suzet sa sinabi ni Darwin. Alam rin naman niyang hinding hindi siya sasaktan at lolokohin ni Darwin. Mga Ilang minuto pa ay natapos ang first dance ng mag asawa. Ihahagis na ni Suzet ang bridal bouquet. Ayaw sana sumali ni Ana ngunit pinilit sya ni Suzet. Nang ihagis ni Suzet ang bouquet nagtutulakan pa ang ibang mga babae sa pagsalo nito. Si Ana naman ay kampanteng nakatayo lang. Maya maya ay napapansin nyang sa kanya babagsak ang bulaklak at wala syang nagawa kundi saluhin ito. "Bessss" tuwang tuwang sabi ni Suzet. "Ikaw na ang susunod na ikakasal" "Panong ako eh wala nga ko boyfriend. Ulitin mo. Ihagis mo uli hindi ko alam kung bakit sa akin bumagsak yan" sabi ni Ana na pinipilit ibalik ang bulaklak kay Suzet. "Hindi na yan pwede ulitin. Halika na dito" Hinila ni Suzet si Ana sa harapan. "Ayoko bes!" pagtanggi ni Ana. "Bes naman kasal ko ngayon tatanggihan mo ko" nagkukunyaring pagtatampo ni Suzet Walang nagawa si Ana kundi sumunod kay Suzet. Mga lalake naman ang sumunod na naghanda para sa pagsalo ng wedding garter. Nang ihagis ni Darwin ang garter kagaya ng nangyari kay Ana ay awtomatiko din itong bumagsak sa mga kamay ni Reymund. Hiyawan at puro panunukso ang naririnig ng dalawa. Inakbayan naman ni Darwin si Reymund papunta sa harapan, sa tabi ni Ana. Sinimulan na niyang isuot ang garter sa paa ni Ana. "Higher! higher!" hiyawan ng mga tao. Awkward man ang pakiramdam ng dalawa sa isa't isa ay pinili pa rin nilang sakyan ang panunukso ng mga tao sa kanila. "kiss kiss kiss" sabi ng mga tao matapos maisuot ang garter. "Kailangan nyo din gawin kung ano ang gagawin ng bride and groom" sabi ng emcee. Nagkakahiyaan man ay walang nagawa ang dalawa . Maya maya ay hinalikan ni Darwin ang kamay ni Suzet. At ginaya din ito ni Reymund kay Ana. Sumunod ay sa noo, pisngi at ilong. At ginawa din ito ni Reymund. Sumunod ay sa labi. Sinadya ni Darwin at Suzet na maghalikan ng ilang segundo para tuksuhin ang dating magkasintahan. Panay ang hiyawan ng mga tao sa loob. Maya maya ay pumuwesto na si Reymund para gawin din ito. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ni Ana na nakatitig sa mga mata nito. "Ano to Reymund gagawin mo talaga" sabi ni Ana na pilit tinatanggal ang kamay ni Reymund. "Yun ang gusto nila eh." Nakangiting sabi ni Reymund. Wala naman nagawa si Ana hanggang sa halikan siya ni Reymund sa labi. Panay naman ang hiyawan ng mga panunukso sa kanila. Natapos ang selebrasyon ng kasal nila Darwin at Suzet. Masayang masaya ang lahat para sa dalawa na ngayon ay ganap ng mag asawa. Habang nagpapahinga sa kwarto ay napagkwentuhan nila ang masayang kaganapan ng araw na yun sa kanilang kasal. "Alam mo beb naisip ko siguro way din ni God na mangyari sa atin yung nangyari noon sa resort. Dahil doon kaya umabot tayo sa ganito. Siguro kung hindi nangyari yun hanggang ngayon nagtataguan pa rin tayo ng feelings." Sabi ni Suzet habang nakahilig sa dibdib ni Darwin. "Kaya God's plan is always the best talaga. Asawa na kita ngayon akin na akin ka na talaga Suzet. Pangako gagawin ko lahat para maging isang mabuting asawa sa'yo at ama ng ating anak". Sabi ni Darwin na hinahaplos ang buhok niya. Naisip ni Suzet na ibigay kay Darwin ang regalo niya. Bumangon siya sa kama at tinungo ang table. Binuksan niya ang isang drawer doon. "Beb may gift ako sayo." Inabot ni Suzet ang isang maliit na bagay na nabalutan ng gift wrapper. Binuksan ito ni Darwin. "What's this?" Nagtatakang tanong ni Darwin na noon lang nakakita ng ganun. "Pregnancy test. Buntis ako beb magkaka baby na tayo." Maluha luhang sabi ni Suzet sa saya. "Talaga beb magiging tatay na ko." Masayang sabi ni Darwin. Binuhat niya si Suzet sa sobrang tuwa. "Mahal na mahal kita Mrs. Suzette Faye Valiente Suarez!" Namumungay ang mga matang sabi ni Darwin. "Mahal na mahal din kita Mr. Darwin Dave Suarez." Nakangiting sabi ni Suzet. Masaya siyang sa wakas ay nagbunga ang tahimik nilang pagmamahal noon para sa isa't-isa. Noon minahal na nila ang isa't isa pero nanatili lang iyon sa puso nila. Marami silang pinagdaanan hanggang dumating ang araw na ito na ganap na silang mag asawa. Masaya sila dahil simula ngayon ay hinding hindi nila pagsasawaan banggitin sa isa't-isa ang katagang Mahal kita! The End.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD