CASSIE POV "TRISTAN…" mahinang sambit ko sa pangalan nito nang pakawalan ako. Sinapo nito ang magkabilang pisngi ko at masuyong hinalikan ang aking noo, at kapagkuwa'y muli akong tinitigan. Nasa mga mata nito ang lungkot at ang nagbabadyang mga luha. Gusto kong alisin ang lungkot sa mga mata niya pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon dahil ako mismo ay nasasaktan dahil tinanggihan ko siya. "Tristan…" Kumurap-kurap ito at tumikhim, tila nag-alis ng bara sa lalamunan bago nagsalita. "Aalis lang ako sandali, ha? Babalik ako." Kumunot ang noo ko. "Saan ka pupunta?" Pilit niya akong nginitian at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Hihinga lang ako sandali, ha? Hindi ako lalayo, diyan lang ako sa malapit, ha?" "Tristan, I'm sorry—" "Sshh!" Maagap nitong hinaharangan an