Chapter 12

1765 Words

Cassie's POV NAGISING ako sa pakiramdam na parang may mga matang nakamasid sa akin at may mainit na hanging tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata, at tama ngang may mga matang nakamasid sa akin dahil ang guwapong mukha ni Tristan ang namulatan ko. "Anong ginagawa mo?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko dahil halos mahalikan na ako nito sa sobrang lapit ng mukha sa akin. Hindi naman ito umimik, nakatitig lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya't malakas kong tinulak ang dibdib nito gamit ang dalawang palad ko. Ngunit daig ko pa ang tumulak sa bakal dahil hindi man lang ito natinag. Sa halip mas idinikit pa nito ang mukha sa akin. Awtomatikong naitukod ko ang mga kamay ko sa dibdib nito. "L-Lumaya ka sa akin." Kulang sa diin na utos ko rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD