Chapter 32

2475 Words

CASSIE POV ANG pang-aakit na plano ko sana kay Tristan ay nauwi na nga sa mas malalim na damdamin. Matapos kong aminin sa sarili ko na nahuhulog na ako rito ay hinayaan ko na ang sarili ko na tuluyang mapamahal sa kanya. Nag-enjoy ko ang mga sandaling lumilipas sa piling ni Tristan. Sa sobrang pag-i-enjoy ay hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw at linggo. Isa lang ang sigurado ko, masaya na ako at kontente sa buhay na mayroon ako ngayon. Hindi pa namin napag-uusapan ang kung anong tawag sa relasyon namin ni Tristan. Basta masaya kami sa piling ng isa't isa. Na tipong ayaw ko na yatang umalis sa piling niya. Kasalukuyang nakikigulo ako sa pag-aalis ng mga damo sa taniman nang may biglang umupo sa tabi ko. Amoy pa lamang nito ay kilalang-kilala ko na siya. Si Tristan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD