Chapter 14

2040 Words

TRISTAN'S POV HUMAHANGOS na pumasok ako sa loob ng aking bahay habang buhat-buhat pa rin si Cassie, na kanina pa ungol nang ungol sa aking mga bisig. "Lalaine, pakikuha mo 'ko ng malinis na bihisan ni Cassie, please?" Utos ko kay Lalaine na hanggang ngayon ay kasunod ko pa rin. "Oho, Sir." Mabilis naman itong tumalima. Idiniretso ko sa aking kuwarto si Cassie. Puno ng ingat na dinala ko s'ya sa banyo. "Hmm.." Ungol nito at lalong nanguyapit sa leeg ko. "Cassie, you need to take a shower." Mabagal s'yang umiling. "M-Maginaw.." "Bibilisan lang natin, ha? Nabasa ka ng ulan eh." Sa nanginginig na mga kamay, nagaw kong simulang hubarin ang suot nitong damit. Bahagya akong tumagilid para hindi ako magkasala. Naka-bra na lang kasi si Cassie at medyo pinagpala ito sa bagay na 'yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD