bc

My Stepbrother Is In Love With Me (Shenelle and Zein)

book_age18+
641
FOLLOW
5.0K
READ
twisted
sweet
bxg
campus
office/work place
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

Noong una, tinitingnan lang kita sa malayo. Malalim kang mag-isip, tila laging may bumabagabag sa iyo. Hindi ko makalimutan ang makakapal mong kilay na binagayan ng matatalim mong mga mata na tila ba sa isang kurap lang ay hihilahin na ako at mapupunta sa ibang mundo.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
“SABAY TAYO pumasok bukas ha? May kailangan ka pang ikuwento sa akin, Shenelle,” wika ni Lucie. Siya ang kababata, kaklase at matalik kong kaibigan. Nasa second year high school na kami sa Mataas na Paaralan ng San Mateo. “Lagi naman tayong sabay pumasok at umuwi, ‘di ba?” Naglalakad kami ngayon pauwi ng bahay. “Baka kasi may iba ka ng makasabay tapos makalimutan mo na ako.” Nakanguso si Lucie habang nakakapit sa braso niya. “Paano naman mangyayari iyon? Wala naman akong ibang kasabay kung hindi ikaw? Napagkakamalan na nga tayong magkapatid dahil magkamukha na tayong dalawa eh.” “Basta, ako lang ang bestfriend mo ha? Ikuwento mo sa akin bukas ang sinabi ni Romnick.” “Wala naman akong ikukwento sa iyo.” “Hmmn, mayroon kaya! Sige na, dito na ako.” Mabilis niya akong niyakap nang tumapat na kami sa bahay nila. Matalino si Lucie hindi katulad ko na average level lang pagdating sa pag-aaral. Kahit ganoon, hindi ako kailanman nainggit kay Lucie. Deserve niya kung ano ang mayroon siya dahil alam kong pinaghirapan niya iyon. Ang hindi ko lang alam ay ang sinasabi niya tungkol kay Romnick. Lahat ng lumalapit sa akin ay tinatanong niya. Ang sabi niya noon, baka raw kalimutan ko na siya kapag may bago na akong best friend. Which is malabong mangyari. Sapat na siya para sa akin. Siya ang kaibigan kong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. “Shenelle, nariyan ka na pala,” salubong na bati ni mama. Agad ko siyang hinagkan sa pisngi. “Akala ko po mamaya pa kayo uuwi?” “Maaga akong nagpaalam sa boss ko dahil may kailangan akong asikasuhin, Shenelle.” Tila aligaga si mama. “May bisita akong darating kaya kinailangan kong umuwi ng maaga.” Tumango ako. “Kaya pala. I-lock ninyo na lang po ang pinto kapag lalabas na kayo. Sa loob lang po ako ng kuwarto ko. Magre-review lang po ako dahil may quiz kami bukas.” Tumalikod na ako. “Shenelle…” Humarap ako. “Bakit, ‘Ma?” “Tatawagin na lang kita kapag handa na ang hapunan.” Kumunot ang noo ko. “Ma, ako na po ang bahala. Make sure na makauwi po kayo ng ligtas mamaya.” “Anak, ipapakilala kita sa bisita ko mamaya. Sana mapagbigyan mo ako.” Tinitigan ko si Mama na nakayuko. “Bakit po?” “Gusto ka nilang makilala.” Nag-angat na siya ng tingin na may ngiti sa labi. “Sige na.” Marahan niya akong tinulak. “Kakatukin na lang kita mamaya. Kahit naguluhan ako ay pumasok na ako sa silid ko. May bisita si mama at ipapakilala raw sa akin. Mamaya ko na lang iisipin ‘yon dahil mas mahalaga ang makapag-review ako sa quiz bukas. Kahit na kaibigan ko ang pinakamatalino sa aming klase ay ayaw ko naman na maging kulelat. Gusto kong makapasa gamit ang sarili kong kakayahan. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay dumapa ako sa ibabaw ng kama. Nakalatag na rin lahat ang mga notebooks at books ko para hindi na ako mahirapan pang kunin ang mga iyon sa bag ko. Inuna kong kunin ang Algebra. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat ng subjects. Babae ang teacher namin at medyo istrikto kaya nahihiya akong magtanong kapag hindi ko agad naintindihan. Ayaw ko naman umasa kay Lucie. Hindi porke’t kaibigan ko siya ay hindi na ako magpupursige. May pangarap din ako sa buhay, hindi nga lang ako sigurado kung ano iyon. Basta ang alam ko, gusto kong makatapos sa pag-aaral dahil sa sarili kong sikap. Away kong sayangin ang paghihirap sa trabaho ni mama. Nag-iisa niya akong anak at ako lang ang maaasahan niya pagdating ng panahon. Lumaki akong walang ama. Iniwan si mama ng magaling kong papa noong nalaman nito na buntis siya. Sa ganda ng mama ko, nagawa pang iwan ng magaling kong ama. Hindi naman sa pagmamayabang ay maganda ang lahing pinagmulan ko. Namana ko ang kaputian at ang mukha ni mama. Matangos ang ilong, makinis ang balat at maganda ang korte ng labi ko na binagayan ng kilay kong makurba. Matangkag din ako katulad ni mama Masasabi kong kahit papaano ay pinagpala ako sa pisikal na kaanyuan. Bakit ba kasi ang hirap intindihin ng Algebra? Napabuga na lang ako ng hangin. Kahit yata kabisaduhin ko ang buong aklat ay mahihirapan pa rin akong maintindihan. Bigla kong naalala na may assignment pala ako sa Biology. Isinantabi ko muna ang Algebra. Pakiramdam ko kasi mauubusan na agad ako ng lakas kapag ipinagpatuloy ko pa. Madali kong natapos ang assignment ko sa Biology. Hindi gaya ng Algebra, kailangan ko lang basahin ng paulit-ulit ang Biology book ko upang masagutan ang mga tanong sa assignment. Napangiti ako. One task down. Napatingin na naman ako sa Algebra notebook kong halos walang sulat. Bumili pa kasi ako ng isang extra notebook at doon ko isinusulat lahat ng mga tinuro ni Ma'am Isabelle. Mapapahanap ka na lang talaga ng brilyante sa lupa para lang mabilis na ma-pick up ang turo niya. Kapag tinitingnan ko ay parang madali lang. Kapag gagawin ko na ay hindi na makagalaw ang kamay ko. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng uhaw. Bumangon ako at tumayo. Hinanap ko ang tsinelas ko sa ilalim ng kama saka humakbang na patungo sa pinto. Tahimik ang paligid. Marahil umalis si mama. Dumiretso ako ng kusina at kumuha ng baso. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Nakadalawang baso ako ng tubig. Kapag Algebra talaga, nauubusan ako ng tubig sa katawan. Nilagyan ko pa ng tubig ang baso na dadalhin ko sa silid ko. Ibinalik ko ang pitsel sa loob ng refrigerator nang bigla na lang may nagsalita sa likod ko. “Pwede ba akong makainom ng tubig?” Mabilis kong isinara ang pinto ng refrigerator. Nanlaki ang mga mata ko. “Sino ka! A-ano ang ginagawa mo rito? Magnanakaw ka ‘no?” Sa tangkad ng lalaki na lampas pa sa refrigerator ay tiyak na wala akong panama. Mabilis kong nahablot ang sandok at itinutok sa mukha niya. “Paano ka nakapasok sa bahay namin? May iba ka pa bang kasama? Nasaan sila?” “Gusto ko lang uminom ng tubig.” Hindi niya ako pinansin at binuksan ang refrigerator. “Hoy, kinakausap kita, mister! Sino ka at bakit ka narito sa loob ng bahay namin?” Matalim niya akong tinitigan ngunit hindi ako nagpatinag. “Im – “ “Shenelle? Ano ang ginagawa mo?” pinaglipat-lipat na tanong ni Mama na nasa tabi pa ng lalaki. “Ma, may nakapasok sa bahay natin! Magnanakaw ‘yan!” sigaw ko. “Ma, tumawag ka ng barangay, dali!” “Shenelle, kumalma ka.” “Ma! Ipa-barangay na natin ang higanteng ‘yan at baka kung ano pa ang gawin sa atin!” “Shenelle,” tawag muli ni Mama. “Ma! Dali na!” “Shenelle!” Mataas na ang boses ni Mama. “Bisita ko si Zein. Wala ka dapat ika-panic, okay?” “Bi-bisita ninyo po?” Tumango si mama. “Pero – “ “Fix yourself first, Shenelle at pagkatapos ay lumabas ka na at ipapakilala na kita sa kanila.” Nabitiwan ko ang sandok na hawak ko kasunod ng pagtitig sa tila walang emosyong mukha na tinawag na Zein ni mama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
38.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.6K
bc

The Sex Web

read
133.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.7K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook