C-3: Kilig to the bones

1200 Words
Kinabukasan. Mas lalong naging aligaga ang lahat, dahil iyon na ang araw na kanilang pinakihihintay. Araw na mag-iisang dibdib sina Adlene at Rafael na asawa to be nito, at nagsimula nang mag- martsa ang entourage. Including Amihan na isa sa abay, kapwa pa sila natigilan ni Exodus dahil partner pala ang dalawa. Nagkangitian sila at masayang tinahak ang red carpet patungo sa ikakasal. "You're beautiful!" bulong pa ni Exodus kay Amihan. Ewan ba ng dalaga, such a simple compliment pero kinilig siya. "Thanks" bulong din ng dalaga. Hanggang sa nagsimula na ang sermon ng pari, napakaaliwalas ang kalangitan. Tahimik ang dagat, pati na ang kapaligiran nakikisalahok sa kasalang nagaganap. Afterwards, nagpalitan na ng "I do" ang dalawa kasunod noon ang "may you now kiss the bride!". Isang masigabong palakpakan at mga hiyawan ang siyang pumailanlang sa Isla kasabay ng mga tugtuging pangkasal. Natawa pa si Amihan nang si Alena ang nakasalo sa bridal bouquet na naihagis. Tiling- tili ang kanyang kaibigan na kanila namang pinalakpakan. "Cheers?" mula sa likuran ni Amihan ay lumitaw ang napakakisig na si Exodus. Sumunod naman si Amihan at nagpingkian ang kanilang mga baso. "Uuwi ka ba afterwards?" tanong ni Exodus sa dalaga habang mapagkit nitong pinagmamasdan. Namula naman ang pisngi ni Amihan pero kinikilig talaga the way Exodus look at her. Ang ganda ng mga mata nitong tila palaging nang-aakit. Kung sa painting sana ay napaka-perpektong guhit ang binata. "Hmmm..maybe!" Exodus chuckled. "Puwedeng huwag muna? I want to know you more, can I?" Ngumiti naman si Amihan, kumakabog ang kanyang dibdib sa totoo lang. At si Exodus lang ang may gawa no'n sa kanya. Sa dinadami ng mga guwapong kanyang nakita ay kay Exodus pa lang siya naakit sa una pa lamang nilang pagkikita. She can felt the impact, electricity and excitement. Iyong parang sa crush mo noong highschool si Amihan, hindi mo maintindihan ang iyong nararamdaman. "Baka matunaw na ako niyan," narinig ni Amihan na sinabi ni Exodus. Nakadama naman ng pagkapahiya ang dalaga, she admitted. "I'm sorry!" mahinang sagot ng dalaga. "It's okay, the feeling is mutual!" malambing na turan ng binata. Nahigit ni Amihan ang kanyang hininga, pero hindi siya tumingin sa binata. Subalit nakapagkit maman sa kanyang labi ang matamis na ngiti. "Hi, pogi!" magkasabay namang wika nina Alena at Divina pagkalapit sa dalawa. Sabay pang lumingon sina Amihan at Exodus sa dalawang dalaga. "Ay, match agad?" bulalas ni Divina. "Ha?!" nagtataka namang sagot ni Amihan. "Hanep ano? Agad nagka- match, mapapa- sana all ka na lang!" sabi naman ni Alena. Pinandilatan ni Amihan ang dalawa nang masinunuo nito ang ibig sabihin ng dalawa niyang kaibigan. Natawa naman si Exodus na lalong nagpakisig sa binata. "It's okay, Amihan! I'm glad that were get along easily!" Ani nito. "Hmmmm...ingatan mo ang friend namin ha? Lalo na kapag nakauwi na kami, broken 'yan eh!" Sabi ni Divina. "Divina!" babala ni Amihan. "Truth! Kaya magtatagal 'yan dito kasi naghahanap ng Fafa!" sabi naman ni Alena. "Uy, ang bad niyo ha?" sagot ni Amihan sa dalawa na natatawa. "Can I be your Fafa?" sabi naman ni Exodus. Tawang-tawa sina Alena at Divina habang namumula na ang mukha ni Amihan. "Joke, baka kasi maiyak ka na diyan! I'm just kidding para tumawa ka." Biglang bawi ng binata. "Okay lang, paepal lang talaga ang dalawang 'to!" sagot ni Amihan sabay irap kina Divina at Alena na napapalabi. "Walang masama beshy, after all bagay kayo!" Wika ni Alena. "Alena tumigil ka na ha? Namimihasa ka na girl!" pandidilat ni Amihan. "Hey, can we eat first before long conversation?" awat ni Exodus. "Ay, gusto ko 'yan! May kasabayan tayong pogi," mabilis na tugon ni Divina. "Hoy!" sabad ni Amihan. "Hayaan mo na, pogi naman talaga ako!" natatawang turan ni Exodus. "See? Kaya umamin ka na ring na- starstruck ka sa kaguwapuhan ni Exodus!" baling ng dalawa kay Amihan. Isang untog ang natikman ng dalawa mula kay Amihan at sabay pang napa- aray. "Gusto niyo pa? Kapag hindi kayo tumahimik, bubukulan ko na talaga kayo!" Biglang tahimik ang dalawa pero nagbulungan sabay layo. Tawang-tawa naman si Exodus kay Amihan. Nauna nang naglakad sina Alena at Divina, upang magkaroon ng mas maraming oras ang dalawa. "Nakakaaliw kayong tingnan! I'm glad that I've met the three of you," nakangiti sabi ng binata. "Naku, pasensiya ka na sa amin lalo na sa dalawa mga bruha ang mga 'yon eh!" hinging-paumanhin ng dalaga. "Okay lang, much better nang masaya ang lahat, 'yong enjoying the occasion!" sagot ng binata. Kiming tumango - tango si Amihan, ilang sandali pa at niyakag na siya ni Exodus papunta sa buffet table. Si Exodus din ang naglagay ng pagkain ni Amihan sa plato nito dinig pa ng dalaga ang kiliting kilos nina Alena at Divina. Muli niyang pinandilatan ang dalawa, nahihiya kasi Amihan sa binata. Kulang na lang lantaran nang siya ang may motibo rito dahil sa ginagawa ng dalawa niyang kaibigan. Magpumilit man si Amihan na siya na lamang ang kukuha ng kanyang pagkain ay wala din itong nagawa, in short asikasong- asikaso siya ni Exodus. Label na lang ang kulang sa kanilang dalawa subalit ang iba, iisiping sila ay mag- jowa na. "How's your feeling?" tudyo ni Alena nang makabalik na sila sa kani-kanilang mesa. Iba kasi ang mesa ng mga groom sa mga bridesmaid. Subalit magkakahanay lang din sila, kumbaga sa left side ang mga girls, ang mga boys naman ay sa right side. "Tumigil ka, Alena nakakahiya!" pandidilat na sagot ni Amiha. Napaismid naman ang dalawa saka tinitigan si Amihan nang hindi naniniwalang tingin. "Kunwari ka pa, humanga ka rin ano?" pambubuska ni Divina. "Aminin!" si Alena ulit. "Oo na! Kaya please tumigil na kayo nakakahiya do'n sa tao ano?" "Sus! Nakakahiya, eh kung maglambingan kayo parang mag- jowa ah!" tudyo ni Alena ulit. "Hoy, shut up! Malay niyo may jowabels na 'yon, naiwan lang!" depensa ni Amihan. "Problema ba 'yon? As long as he's not married, okay lang girl!" turan ni Divina. "Shut up!" singhal naman ni Amihan. Tumigil naman ang dalawa dahil nagsalita ang emcee, sasayaw daw ang bagong kasal. Palakpakan silang lahat, hindi naman sinasadya ni Amihan ang mapatingin sa gawi ni Exodus. Nakatingin din pala ang binata sa kanya, ngumiti ito saka siya kinindatan. Kiming ngumiti si Amihan saka nag- iwas ng kanyang tingin pero, again kinikilig siya. Pakiramdam niya tuloy ay nasa highschool days pa lamang siya at kangitian si crush. "Asus, inlababo na yata ang Ale!" narinig ni Amihan na sinabi ni Divina. "Ha?! Uy, hindi ah!" mabilis na tanggi ng dalaga. "Bakit?" tanong naman ni Alena. "Aba'y nakangiting mag- isa girl with matching blush pa itets feslak niya, ay wagi si Ateng!" bira ni Alena. Dahil sa nadaramang iba- ibang emosyon ni Amihan ag nahampas niya tuloy si Alena sa braso nito. Agad na napangiwi si Alena habang humagikhik naman si Divina. "Pustahan tayo, magkaka- love life na si Ateng!" nakatawang wika ni Divina. "Ay sure ako girl!" sagot ni Alena at nag- apir pa ang dalawa. Napahilamos na lamang si Amihan sa sariling palad nito habang natatawang umiiling-iling dahil sa dalawa niyang bruhang kaibigan. Napagpasyan na lamang ni Amihan na huwag ng lingunin si Exodus sapagkat kawawa na siya sa kantiyaw at tukso nina Divina at Alena.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD