"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Engineer Saavedra?" tanong ni Mariz habang nasa daan sila pauwi. "Tsk! Eh, paano sa tuwing nagsasangga ang landas nami'y puro na lamang banggaan. Hindi ba kamalasan ang tawag doon?" Napaismid siya dahil sa tinuran ng kambal. "Kaya nga sinabi kong accidentally, twin sister. He accidentally bumped at you. No, I'm wrong. You and him accidentally bumped to each other, that's the right words to say. Oh...baka naman..." pabitin pa nitong wika. Kaya naman ay hinarap niya ito. Magkatabi lang naman sila sa back seat dahil ang marino nilang kapatid ay nasa harapan. Katabi ng driver, ang tagamaneho ng abuelo nila na nagrereklamo na wala raw ginagawa kaya't kahit sino sa pamilya nila ay tinatawag ito. Iyon ay kung may deperensiya ang mga sasakyan nila dahil lahat s