"Kumusta kaya ang lakad ng anak natin, Andong?" tanong ni Aling Tina sa asawa. Nasa manggahan sila ng oras na iyon. Kasalukuyan silang namamahinga kasama ang mga kapwa manggagawa ng rancho. Oras ng meryenda nila kaso halos hindi nila magalaw na pagkaing nasa harapan nila. Naiisip nila kasi ang kalagayan ng anak nilang nasa siyudad upang magpatulong sa Boss ng kanilang young master. "Sa oras na ito ay nasa siyudad na iyon, Tina. Baka nasa tahanan na siya ng mga Mondragon. May tiwala naman ako sa kanila kaya't alam kong magiging okay ang lakad niya. Ang Yaya ni Sir Tommy, wala pa rin bang balita sa kaniya?" tugon at tanong ng Ginoo. "Iyan na nga, Andong. Masyado kasi siyang loyal sa mga magulang ni Sir Tommy. May tiwala ako sa kaniya, alam kong hindi niya ipagkakanulo ang alaga niya nguni