"Magandang gabi, Sir Tommy. Pasok ka, nasa sal sina Sir at Ma'am. Kanina ka pa nila hinihintay," wika ng night guard sa kaniya. "Magandang gabi rin po, Kuya. Sige po, maiwan na kita," tipid niyang tugon. Nasa entrance pa lamang siya main door ngunit kitang-kita na niya ang mga magulang. Halata ngang hinihintay siya. Kaya naman ay agad siyang nagparamdam, ipinaalam ang presensiya niya. "Magandang gabi po, Mommy, Daddy," aniya. "Oh, Iho, ikaw pala. Magandang gabi rin sa iyo, anak. Halika rito, maupo ka," masayang sabi ng Don. "Kumain ka na ba, anak? Kung hindi ay magpapahanda tayo kay Yaya ng dinner mo," sabi naman ng Chief Of Police. Ngunit magalang niya itong tinanggihan. Hindi pa siya kumain ngunit wala siyang balak magtagal doon. "Salamat na lang po, Mommy. Tapos na po ako," sagot