Sa kabilang banda, dahil na rin sa pakiusap ng mag-asawang katiwala ni Tommy sa kanila ay regular din silang bumibisita sa rancho nito. Kaso nang araw na iyon ay hindi mapakali si Clarence. Hindi pa naman sila bumisita roon ng araw na iyon dahil ang balak nila ay mas maganda kung hapon sila pupunta. "Ano sa tingin mo, Honey? I mean, may ibig sabihin kaya itong pakiramdam ko? Tutuloy pa ba tayo ngayong araw o makikibalita na lang tayo sa mga tauhan nating nandoon?" hindi mapakaling tanong ni Clarence sa asawa. "Pangitain iyan, Hon. If I were you, tawagan mo muna ang mga nandoon or si Tan-Tan o 'di naman kaya ay sila Nana Tina at Tata Andong ang sabihan mo na late na tayong makapunta ngayon doon. Mahirap na ang susugal wala pa naman dito ang may-ari." Hinarap ni MaCon ang asawa na halatang