Balik tayo kay James Lopes, ang aking pangalawang boyfriend..
Katulad nga ng sabi ko. Na-scam na naman ako ng magmotel kami ni James. Kung ang kay Jun dati ay 1 inch chorizo, ito namang kay James ay 2 inches senorita na saging.
Kahit papaano ay magaling naman magromansa si James. Pero hindi ko alam sa aking sarili bakit na disappoint na naman ako ng makita kong sinlaki lang ng senorita ang saging niya. Kumbaga gwapo kasi siya at maraming naggagandahang babae na nakarelasyon dati kaya ang taas ng expectation ko sa kanya. Kaya pala siguro hindi din tumatagal ang mga naka-relasyon niya dahil sa laki ng saging niya. Huhuhu!
Siguro nga itinadhana talaga ako para sa mga maliliit ang nota dahil nga payat ako.
Ayoko na talaga mag-expect pa. Bumawi lang talaga sa looks department si James.
*****
Kasalukuyan
"Hi, Ma'am Deb. Kumusta naman ang maganda kong ex?" bati ni James sa akin ng malingunan niya ako pagdaan ko sa pwesto niya.
Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko siya.
"Still pretty and fresh," matamis na ngiti ko sa kanya. "Kumusta naman ang napakagwapo kong ex?"
Lumapit ito sa akin at ngumiti ng napakatamis.
"I miss you, Deb. Hindi mo ba ako namimiss?" naglalandi na naman si James.
"At bakit naman kita mamimiss?" nakaismid kong sabi.
"Hindi mo ba namimiss ang mga lambingan natin. You know-- 'yong paglabas labas natin dati," kumindat pa si James.
Gusto kong itirik ang aking mata pero pinigilan ko ang aking sarili. Calm down, Deb!
"Ilaan mo na lang sa iba 'yang pang date mo dahil hindi mo na ako mauuto pa. Nasa iisang kompanya lang tayo James kaya civil lang ang pakikitungo ko sa'yo. Ayokong maging bastos. But--tandaan mo 'to, walang second second chance sa akin. I know my worth. 'Pag ako niloko, hiwalay kaagad. Hindi ako pinanganak para magpakatanga sa isang lalaki lang." at maliit ang nota, gusto ko sana idagdag.
"Deb... Can't you give me a second chance please.. Mahal pa rin kita kahit na matagal na tayong naghiwalay. Kaya nga hanggang ngayon single pa din ako para patunayan sa'yo na nagbago na'ko-- na hindi na ako ang James na dati mong nakikilala na babaero." pagsusumamo nito pero mahina lang ang boses dahil baka marinig ng ibang mga empleyado ng E-Wonder.
Hinarap ko si James. Huminga muna ako ng malalim. At pinagkrus ang aking kamay sa aking dibdib. Tinaasan ko siya ng kilay.
"James, matagal na kitang pinatawad sa panloloko mo sa akin. Pero please lang, lubayan mo na ako. Huwag na huwag mo nang e-o-open-up 'yan sa susunod dahil nakamove-on na'ko. Let's move forward, okay. Sa ngayon focus ka na lang muna sa work mo dahil kapag hindi mo pa ako tinigilan ay irereklamo na kita ng harassment. Hindi lang 'yan, baka e-report din kita sa management para matanggal ka. Kaya kung ako sa'yo, maglaway ka na lang sa akin sa malayo. Tutal inuna mo ang landi, magtiis ka. Adios!" sabay layas sa natigilang si James.
Pinagpatuloy ko na ang pag-iikot sa aking mga staff. Nang makita at macheck na okay ang kanilang mga trabaho ay bumalik na ako sa aking opisina.
Naalala ko na naman ang mapait na hiwalayan namin ni James apat na taon na ang nakakaraan....
Kakatapos lang ng 1st year anniversary namin ni James. Isang linggo pagkatapos naming magcelebrate ay um-absent ito kahit Lunes na Lunes. Nagulat na lang ako pagdating sa office ay wala ito at nag message na masakit daw ang ulo niya dahil nasobrahan ng inom kagabi kasama ng mga kaibigan niya.
Hindi naman ako mahigpit pagdating sa relasyon ko kay James dahil may tiwala naman ako sa kanya basta ang sabi ko lang noon sa kanya ay magpaalam siya sa akin kung saan siya pupunta. Kahit uminom pa siya kasama ng mga kaibigan niya o kung may mga babae pa man, hindi ko din masyadong pinagseselosan, but, winarningan ko na rin siya dati pa na kung saka sakali na mambabae siya ay huwag lang talaga siya papahuli sa akin dahil ako pa naman ang tipo ng tao na hindi naghahabol sa lalaki. Lumaki kami ng aking mga kapatid na babae na araw araw pinagsasabihan ng aming Mama na huwag na huwag maghahabol sa lalaki kapag niloko. May karma din ang mga 'yan.
So, dahil masakit ang ulo ni James dahil sa kalasingan ay naisipan kong dalawin siya sa kanyang apartment. Nasa may Makati lang ang apartment ni James at dinala na niya ako ng apat na beses doon. May duplicate copy ako ng susi ng kanyang apartment dahil gusto nga noon ay magsama na kami na tinutulan ko naman. Hindi komo hindi na ako v*rgin ay makikipaglive-in na ako kaagad. Kahit na nga may susi ako ay hindi ako pumunta ng sarili ko para lang makipagchukchakan kay James. Ngayon pa lang dahil nga nag-aalala ako sa kanya. Alam ko ang nararamdaman ng nalalasing dahil paminsan minsan ay nalalasing din ako kapag naimbitahan sa mga birthday party at sa bar. Baka nagsusuka at may migraine na ngayon si James.
Bumili muna ako ng cheesecake at chocolate cake sa isang bakeshop at softdrinks para dalhin ko sa apartment ni James. Papalapit pa lang ako sa apartment ay hindi ko na maintindihan pero may nasesense na akong hindi maganda.
Girl's instinct.
Bakit bigla bigla ay pakiramdam ko na parang nangyari na 'to. Alam kong papasok ako sa apartment ni James. Hindi ko na kailangan pa ng susi dahil nakaawang na ang pintuan.
Deja vu.
Pinilig ko ang aking ulo.
"Nope. Hindi bukas ang pintuan..." habang dinedeny ko sa sarili ko na deja vu nga ang nangyayari ay unti unti na akong lumalapit sa tapat ng pinto ng apartment ni James.
Oh my God.
Nakaawang nga ang pinto. Alam ko na ang kasunod na mangyayari dahil parang dumadaloy lang sa aking memorya ang susunod na eksena. Eksenang papunta sa pagkakatuklas ng isang kataksilan.
"Baw kalinti sang g*go ya. May bayi gid ni sa nga upod sa sulod mo. Ari niyo nga duha." galit na wika ko bago pumasok sa loob.
Translation: "P*cha ang g*go. May babae talaga itong kasama sa loob. Humanda kayong dalawa sa akin."
Pagpasok ko pa lang sa sala ay may mga damit na akong nakitang nakakalat kung saan saan. May nakita akong damit pang lalaki. Tapos ay may nakita akong short.. tube top.. at t-back papunta sa kwarto ni James.
Nakaawang din ang pinto ng kwarto ni James. Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko kaagad si James at isang babaeng hubo't hubad. Pareho silang tulog sa kama. Sumigaw kaagad ako.
"Ang g*go ka! Butigon! Manugtonto! Ari hu, saksak na sa baga mo ang panty na sang babayi mo. Abi mo malagas ko sa imo ha. Break na ta. F*ck you!" Naalimpungatan ang dalawang natutulog sa kama. Hindi kaagad nakahuma si James ng isaksak ko sa bunganga niya ang panty nang babaeng kasama niya.
Translation: "G*go ka! Sinungaling! Manloloko! Ito, saksak mo sa baga mo ang panty niyang babae mo. Akala mo hahabulin kita. Break na tayo. F*ck you!"
Kaagad akong tumakbo palabas ng kwarto pero naabutan ako ni James at nahawakan sa kamay.
"Deb, magpapaliwanag ako. Please mali ang nakita mo," pagsusumamo ni James.
Iwinaksi ko ang aking kamay na hinawakan ni James.
"Huwag mo akong hahawakan, James. Break na tayo. Kung mali man ang nakita ko, sorry, dahil ako pa pala ang mali ngayon. Huwag kang mag-alala, isang araw lang kitang iiyakan. Huwag na huwag mo akong susuyuin sa trabaho dahil baka mapahiya ka lang. Adios!"
Hindi na humabol si James dahil tinalikdan ko na siya kaagad.
Pagkauwi ko noon ay umiyak ako ng umiyak. Niyaya ko si Ivy na uminom. Tahimik lang si Ivy na nakikisimpatiya sa akin. Kahit naman bigo ako ay hanggang hatinggabi lang kaming nag-inuman ni Ivy. May trabaho pa kami kinabukasan. Kailangan pumasok pa din ako. Hindi ko ipapakita kay James na naapektuhan ako sa paghihiwalay namin. Ano siya, suwerte! Duh!
Minsan talaga kung sino pa ang mga hindi pinagpala sila pa talaga ang mga sinungaling at manloloko. Hay! Siguro tatandang dalaga na lang ako. Tutal nakatikim na naman ako ng luto ng Diyos eh.
Bitin! Hindi ako nasarapan!