BBC Chapter 2

1325 Words
Dahil sa nakalimutan kong itanong ang mga details kung saan pupunta at kung kailan darating ang bff ng jowa ni Flor ay nagmessage ulit ako sa kanya. Gabi na ngayon kaya malamang umaga na sa kanila sa Pennsylvania. Me: Ghang, nakalimutan ko pala itanong kung kailan siya darating at kung may preference ba siya kung babae o lalaki ang gusto niyang tour guide. Kung may particular na lugar siya na gustong puntahan dito sa Pinas. Kompleto naman siguro siya ng vaccine at booster. Alam mo naman dito sa Pinas, bawat lugar iba iba ang kanilang rules pagdating sa pandemic. Hindi muna nag reply si Flor. Pagkatapos ng kalahating oras ay saka ito nagreply. Flor: ‘Yong flight details niya isesend ko na lang sa’yo kapag okay na ang mga papers niya. Gusto ko sana lalaki tapos sobrang haba ng pasensiya kasi suplado nga si Hardy. Noong tinanong ko kung saan niya gustong pumunta, ang sabi niya ang tour guide ang bahala sa lahat. Kumbaga ang gusto lang talaga ni Hardy ay magbakasyon at magliwaliw. Bali magpapadala na siya ng pera sa tour guide para sa buong buwan at bahala na ang tour guide mag budget niyan. Parang ang labas ay ang tour guide ang magsisilbi niyang alalay habang nasa Pinas siya. Parang tour guide/ personal assistant/security/alalay ang labas. Iniisip ko nga na parang 24 hrs siguro ang tour guide na kasama niya sa loob ng isang buwan. Pag nagpa-booked daw ng room sa isang hotel, kuha ng 2 rooms para kay Hardy at para sa tour guide. Okay na, ghang? Pag may tanong ka message mo lang ako. Me: Ghang, gwapo ba ‘yang Hardy na ‘yan? Curious lang ako kasi sabi mo suplado. Flor: Hmm.. Naku ghang baka matakot ka kasi ang laki ng katawan. Super tangkad pa kasi nga American Football athlete. Makapal din ang balbas niyan pero pag nagshave naman siya ay gwapo din. Hindi ko lang siguro type ang mga malalaki ang katawan tapos suplado kaya si Keith ang nagustuhan ko. Me: Wala ka bang picture ghang para makita ko naman? Curious lang. Ang totoo gusto ko lang matingnan kung gwapo nga. Kung gwapo baka mag-apply akong tour guide. Hahaha. Flor: Ghang, wala gid. Hindi naman kasi kami close niyan at dito nakapa-sensitibo nila pagdating sa mga picture ghang. 'Pag pinicturan mo sila na walang pahintulot ay pwede ka nilang idemanda. Me: Okay, ghang ah. Sige 'yan lang muna sa ngayon. Kapag may mga tanong pa ako ay e-memessage na lang kita. Flor: Halong da ghang ha. Me: Halong man ghang. Bago ako natulog ay sinulat ko muna ang mga magagandang spot sa Pilipinas na pwedeng puntahan ng lalaki. Ang akala kong madaling magplano ng lugar na pupuntahan ay mahirap pala. Marami kasing isla ang Pilipinas at maraming magagandang lugar lalo na ang mga beaches. Ang mga foreigner pa naman mukhang mahilig sa mga pumunta sa beach. Ang problema ko, sa sobrang dami ng beach sa Pilipinas nahirapan akong pumili, gusto ko lahat mapuntahan ng lalaki. Eh kaso limited lang ang bakasyon niya. Maganda siguro para maiba naman 'yong mga hindi kilala at hindi masyadong napupuntahan ng mga vlogger ang irerecommend ko sa tour guide para naman mapromote din ang lugar. Kukunin ko talaga ang parte ko kapag nagpadala ng pera ang lalaki sa tour guide kasi ako ang naghanap ng taong sasama sa kanya. Bukas magtatawag ako sa mga agency kung saan ako makakahanap ng tour guide na sasama sa lalaki. Makatulog na nga. ******** Kinabukasan ay nagtawag na ako ng mga agency kung may tour guide sila na papayag sa gusto ng ganoong set-up. Naka-anim na agency na ako pero walang may gustong pumayag sa offer ko. May isa akong nakausap na agency na willing naman pero lahat ng lugar na pupuntahan ay taliwas sa napili ko at super mahal pa ng charge. Try ko nga ulit bukas. Mag rounds muna ako sa aking mga nasasakupan. Dahil nga pandemic sa ngayon ay rotation ang pasok ng aming mga staff. Three times a week silang pumapasok at ang remaining days ay work from home. Dapat nga work from home din ako kaso dahil sa aking position ay gusto kong maging good example sa aking mga staff. Isa akong Segment Head sa E-Wonder, Inc. Isang Software Company. Nasa Food and Beverage department ako. Meron akong mga Developers, Account Manager at Project Manager. Five years na akong nagtatrabaho dito. Salamat sa isa pa naming bestfriend na si Ivy. Classmate namin siya ni Flor noong college. Pareho kami ng mga course na BS Information Technology sa isang State University sa Bacolod. Kung si Flor ay mahiyain si Ivy naman ang pinakatahimik at matipid magsalita. Kumbaga parang siyang geek, genius, loner, introvert-ganyan. Hindi ko nga alam kung paano nasali sa amin si Ivy. Hahaha. Siguro dahil nga madaldal ako. Noong college kasi kami matalino si Ivy sa Programming. Gusto ko siyang kasama lagi sa group project para siya ang magpo-program tapos pwedeng ako ang magpresent for defense. Ganyan lagi ang set-up namin dahil tahimik lang siya. Matalino naman ako pero inabot muna ako ng two years bago natanggap sa E-Wonder sa recommendation na rin ni Ivy. Siyempre ayoko din naman mapahiya si Ivy kaya ginalingan ko din ang aking trabaho. Tuwing may presentation ng aming mga products like POS sa mga company, sinisiguro kong makukuha ko ang deal kaya hindi naman kataka taka na na promote kaagad ako from Developer to Manager to Segment Head. Dapat nga matagal na nilang gustong gawing Segment Head o Manager si Ivy kaso ayaw niya talaga. Mas gusto niya ang maging Developer lang. Papunta na ako sa desk ng aking mga staff ng madaanan ko ang puwesto ng aking EX - si James. Isa ding Developer. Nasa ibang Department si James. Mas nauna pa siyang magtrabaho sa akin sa E-Wonder. Hanggang ngayon ay Developer pa rin si James dahil sa hindi kagandahang record. Kahit na magaling mag-program si James at maboka ay lagi ding late katulad ni Annika. May mga issue din siya sa mga katrabaho namin dahil lahat ng mga natitipuhan niyang mga girls sa E-Wonder ay nililigawan at jinowa niya. Sadly, isa na ako doon. Noong bago pa lang ako ay crush na crush ko si James Lopes. Magkaedad lang kami ni James. Gwapo si James at cute. Kamukha nga niya si James Reid kaya nagustuhan ko siya. Wala man lang nagsabi sa akin na kilabot pala siya ng mga babae sa E-Wonder. Mag-iisang buwan na ako sa E-Wonder nang ligawan ako ni James. Tinanong ko muna si Ivy sa background ni James kasi mas matagal siya sa akin. Ang sabi lang niya single daw si James. Period. Wala talaga akong maasahan kay Ivy. Pagkatapos ng isang buwan na panliligaw sa akin ni James ay sinagot ko din siya. Sinigurado ko muna na single siya. Nagtanong tanong ako sa mga kasamahan ko at sinabi naman nilang single daw si James. Ayoko naman na maging kabit o tawaging ahas, mahirap na. Pinangangalagaan ko pa din ang aking imahe. Hindi ko na pinatagal at sinagot ko na siya. Sa loob ng isang taon naming pagsasama ay masasabi kong mabait at sweet si James. Lagi niya akong sinusundo sa aming apartment ni Ivy tuwing dayoff at nagdedate kami sa mga magagandang lugar. Dati magagandang lugar lang hanggang sa inaya na niya ako sa motel na naman. Noong una hindi ko pinagbigyan si James kahit na nga noong kakasagot ko pa lang sa kanya ay gusto niya magmotel kami kaagad. Sa 6th monthsary namin ay pinagbigyan ko siya. Dati na niyang inuungot sa akin 'yon kahit na kakasagot ko lang sa kanya. Kahit na hindi na ako v*rgin dahil ibinigay ko na sa aking first boyfriend ang aking v*rginity hindi naman ibig sabihin na bawat lalaki na jojowain ko ay makikipag s*x kaagad ako. Kaya nga hindi din lahat na nanliligaw sa akin ay sinasagot ko. Pinipili ko din ang lalaking mamahalin ko at talagang seryoso at hindi manloloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD