What I Really Need IT WAS 6am when she woke up and the morning work out of the players started. Tumulong si Collen sa paghahanda ng mag kakailanganin ng mga players para sa practice matches mamaya. Sa ngayon hinahanda ni Hina at ni Collen ang mga tubig at towels na kakailanganin nila pagbalik nila rito. Sumunod si Collen kay Hina sa tapat habang hawak-hawak ang mga towel, hawak naman ni Hina ang malaking basket na naglalaman ng mga tubig nila Sa ‘di kalayuan ay natanaw niya ang team ni Jayce na palapit na rito. They are running and some are toning down. “Ang saya manood ng basketball pero parang ang hirap maging player,” napangusong saad naman ni Collen. Mahinang napatawa si Hina at napatingin sa kanya. “You’re doing fine in our sessions, napapansin kong nagiging sporty ka na? How