ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 10 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. BINALEWALA ko na lang iyong babaeng sumugod sa akin sa may hallway dahil wala naman akong pakialam sa kanyang sinabi. Hindi naman ako ang lumalapit kay Alaric—siya ang lumalapit sa akin kagaya ngayon… “Vivi! Gusto mo bang sumama sa akin papunta sa mall mamaya pagkatapos ng klase natin? Libre kita!” nakangiti niyang sabi sa akin. Palagi na lang siyang ganito. Kapag kailangan ko ng tuloy ay agad siyang magpapakita at tutulungan ako. Kapag kailangan ko ng kasama ay agad din siyang mag vo-volunteer na samahan ako. Umiwas ako ng tingin kay Alaric at huminga ako ng malalim. Kailangan ko nang lumayo sa kanya. Napagkakamalan pa akong ginagamit ko siya para lang makalapit ako kay Matthias. “Ayoko,” malamig kong sabi at muli ko siyang