ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 7 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “VIVI, gumising ka na. Gabi na at nasa labas na rin sila Mommy. Gusto ka nilang makita at sumama ka na raw sa amin kumain ng dinner.” Automatiko akong napamulat sa aking mga mata at nagising ang diwa ng sabihin iyon ni Alaric. Mabilis akong napaupo sa aking pagkakahiga at napatingin sa kanya habang nanlalaki sa aking mga mata. “H-Huh? Ano na bang oras ngayon?” tanong ko sa kanya. “7 PM na, Vivi. Tumawag sa akin ang pinsan mo na si Kyle at nagtatanong kung nasaan ka na raw, sinabi ko na lang na nandito ka sa bahay at nagpapahinga pa,” sagot niya sa aking tanong. Sh-t! Sh-t! Napahilamos ako sa aking mukha sa aking kamay at huminga ako ng malalim. Ang sabi ko ay iidlip lang ako ng ilang minuto at aalis din kaagad ako, ngayon ay