GAYUMA 3

1119 Words
Isang linggo ang matuling lumipas. Nagtataka ako kung bakit walang Jeff ang pumunta rito sa bahay. Namimis ko na ang mahal ko. "Bettina, bakit ganyan ang pagmumukha mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa?” tanong sa akin ni Kuya Billy. "Huwag mo na lang akong pansinin kuya, pagod lang siguro ako,” kaila ko. "Paano ka naman mapapagod? Halos wala ka namang ginagawa rito sa loob ng bahay, ‘di ba?" umiiling na tanong ni kuya. "Umalis ka na nga lang kuya, inaabala mo ang naglalakbay ng utak ko. "Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong ni kuya. "Saan?" tanong ko rin. "Sa bahay ni Jeff. Napag-alaman ko kasing may sakit siya at balak ko sana’ng puntahan." Nagliwanag ang mukha ko nang marinig ko ang pangalan na binanggit ni Kuya Billy. "Sige Kuya sasama ako, wait lang at mag totoothbrush lamang ako,” paalam ko rito. "Bettina, ka-totoothbrush mo lang 'di ba? Mag totoothbrush ka na naman?" "Huwag ka ngang mangialam Kuya!" sigaw ko. Lumabas na ako ng bahay at hinanap ng mga mata ko ang aking kapatid. Nakatayo ito sa tapat ng gate, pansin kong bagot na bagot na ito sa paghihintay sa akin. "Bakit ang tagal mo?” "Nagpalit pa ako ng damit, kuya." "Huwag mo akong pinagloloko Bettin. Alam kong may gusto kay Jeff,” pagbubuko sa akin ni Kuya. Tumawa ako ng malakas sa sinabi nito. Kaya tumingin ako sa kapatid ko. "Paano mo nalaman, Kuya?" tanong ko. "Halatang-halata ka kapatid.” "Ooh! Sobrang halata na ba ako, Kuya? Tingin mo nahahalata na rin ni Inay?" tanong ko. "Siguro, kaya hinay-hinay lang sa pang-aakit mo kay Jeff. Baka sa bandang huli ikaw naman ang masaktan,” paalala ni Kuya. "Huwag kang mag-alala Kuya. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko." "Pinapaalalahanan lamang kita Bettina. Ayaw ko na makikita kitang lumuluha,” malungkot nitong sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa aking mahal na Kuya. Alam kong mangyayari iyon. Pero gagawa ako ng paraan upang mapasaakin si Jeff Luwes. Lumabas kami ng gate at lumakad patungo sa bahay ni Jeff. Magkatabi lang ang mga bahay namin. Ang kaibahan lang ay mas malaki at maganda ang bahay ni Jeff. Mayaman kasi ang lalaki. At sa aking pagkakaalam ay nasa ibang bansa naninirahan ang mga magulang nito. Pinapasok naman kami ng kasambahay ni Jeff at sa sofa. "Tatawagin ko lang po si Sir Jeff,” wika ng kasambahay. "Pwede bang ako na lang ang tumawag sa kanya? Nasa kwarto ba siya ngayon?" tanong ko. Bumaling ang tingin sa akin ni Kuya Billy, salubong din ang kilay nito. "Ano’ng binabalak mo, Bettina?" pabulong na tanong ni Kuya. ''Haa! Muka ba akong may binabalak, Kuya?" tanong ko. ''Umayos ka, Bettina,” pagbabanta ng kapatid ko. "Huwag kang mag-alala Kuya Billy. Magbabait ako, gusto ko lang na puntahan si Jeff sa kanyang kwarto. Malay mo hindi pala siya makatayo.” "Bahala ka nga sa buhay mo!" naiinis na wika ng kapatid ko. Ngumisi lang ako rito. Tumayo ako upang pumunta sa kwarto ng lalaki. Itinuro naman sa akin ng kasambahay kung nasaan ang silid nito. Excited ako habang papalapit sa pinto. Hindi na ako kumatok, sapagkat hindi naman kasi nakalock ito. Marahan kong itinulak ang dahong pinto upang bumukas iyon. Bumungad sa paningin ko ang lalaking nakadapa sa kama. Walang ingay na pumasok ako sa loob ng silid nito. Walang ingay din na isinarado ko ang pinto. Lumapit ako sa paahan ni Jeff. Ang sarap titigan ng malapad na likod ng lalaki. "Mahal ko! May sakit ka raw?" tanong ko sa lalaking nakadapa sa kama. Napabalikwas nang bangong si Jeff. Madilim din ang mukha nang tumingin sa akin. "Ano’ng ginagawa mo rito sa kwarto ko?" tanong nito. May nababanaag akong galit na nakapaskil sa mukha ni Jeff. Tila gusto akong ibalibag palabas ng kwarto niya. "Dinadalaw lang naman kita mahal ko,” paglalambing ko rito. "Hindi mo kailangan pumasok sa kwarto ng lalaki, Bettina. Lalo na at babae ka!” malakas na sambit nito. "Wala naman akong gagawin sa ‘yo, hindi naman kita ginahasa. Pero kung makapag react ka ay wagas." "Hindi iyon ang punto ko Bettina. Ang sa akin lang ay dapat hindi ka basta-basta pumapasok sa kawarto ng isang lalaki. Dapat lahat nang gagawin mo ay pinag-iisipan mong mabuti, hindi ka na bata sapagkat dalaga ka na, Bettina." "Okay,” sagot ko. Kahit ang totoo wala akong masyadong naiintindihan sa mga sinabi niya sa akin. Sapagkat abala ang mga mata ko na naglalakbay sa hubad na katawan ni Jeff. Ang sarap sigurong matulog sa malapad na dibdib ng lalaki. Para gusto ko tuloy na kagatin at paghahalika ito. "Bettina, nakikinig ka ba sa akin?!" "Oo naman nakikinig ako sa ‘yo,” sagot ko. "Lumabas ka na lang ng silid ko, Bettina. Susunod na lang ako sa ibaba.” "Hintayin na lang kita.” Marahas na nagbuntong-hininga si Jeff. Alam kong nagpipigil lang siya nang galit sa akin. Kaya sobra akong natutuwa, dahil ang haba ng pasensya niya sa kakulitan ko, lalo ko tuloy minahal ito. Tumayo ang lalaki mula sa kama. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumagsak ang kumot na nakalagay sa katawan nito. At tumambad sa paningin ko ang malapad niyang katawan. Naglakbay rin ang mga mata ko sa dibdib niya pababa tiyan at mas bumaba pa sa malaking bukol ng lalaki sa pagitan ng mga hita nito. Sobra akong nanghinayang dahil may maliit na saplot pa ang nakalagay roon. "Talagang tinitigan mo pa talaga, Bettina. Hindi ka ba naiilang sa akin? Lalo na at halos hubad na ako sa iyong harap,” umiiling na wika nito. "Bakit naman ako maiilang? Mas matutuwa pa nga ako kung makikita ko ang lahat-lahat sa katawan mo mahal ko,” baliw na sagot ko. Napaawang ang labi ng lalaki, hindi siguro makapaniwala sa pinahayag ko. Hindi rin nagtagal ang pagkagulat nito. Bagkos ay humakbang pa siya papalapit sa aking kinatatayuan. "Kakaiba ka talagang babae, Bettina? Sige nga tingnan natin kung ano pa ang kaya mong gawin.” Dalawang dangkal na lang at maglalapat na ang mga katawan namin. Hinihintay ko naman kung ano ang gagawin ni Jeff. Walang takot na tumingin ako sa bukol ng lalaki. Parang nanghahalina nahawakan ko iyon. Kinuha nito ang kaliwang pulsuhan ko. Sinundan ko ng tingin ang galaw ng kamay ni Jeff na nakahawak din sa pulsuhan ko. Kaunting-kaunti na lang at mahahawakan ko na ang mabintog at malaking bukol na iyon ni Jeff. "Bettina!" Biglang binitawan ni Jeff ang palapulsuhan ko bigla rin itong tumalikod at pumasok sa banyo. "Bettina, Bettina!" muling pagtawag ni Kuya Billy sa akin kasabay ang malakas na pagkatok sa pinto. Kahit kailan istorbo si Kuya Billy. Konti na lang mahahawakan ko na ang mabintog na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD