Tahimik akong nakadungaw sa bintana ng kwarto ko. Habang pinapanood ko ang mga naglalaro ng basketball. At isa na sa player na nandoon ay ang kapatid ko.
Tumingin din ako sa lalaking agaw pansin ang angking kakisigan. Gusto kong tumili ng malakas nang ma-shoot niya ang bola. Tumingin din ako sa mga babaeng halos maglupasay mapansin lamang ni Jeff Luwes.
Gusto kong bumaba upang sugurin ang mga babaeng malalandi. Nakakasira ng araw, dapat ako lamang ang magpantasiya kay Jeff. Dahil ako lamang ang tanging babae na nararapat sa aking mahal.
Halos magtatalon ako sa galak ng manalo ang team nina kuya Billy.
"Hay, kailan mo kaya ako mapapansin mahal kong, Jeff?" baliw na tanong ko sa aking sarili.
Nakita kong patungo sila rito sa bahay. Kaya nagmamadali akong umalis sa bintana. Agad akong lumapit sa harap ng salamin at nabilis rin akong nagsuklay ng buhok at naglagay nang kaunting lipstick. Para naman maging maganda ako sa paningin ng mahal ko.
Agad akong lumabas ng kwarto. Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang boses ng kapatid at ang mahal kong si Jeff.
Umupo ako sa sofa at nagkukunwaring busy ako sa pagbabasa ng magazine. Pero ang tainga ko ay nakikinig sa dalawang tao na papalapit sagawi ko.
"Bettina, ikuha mo nga kami nang maiinom!" pasigaw na utos sa akin ng lintik kong kapatid.
"Kuya ikaw na kaya, tinatamad ako," angal ko.
Tumingin ako sa kapatid kong tamad. Pansin kong salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Ngumisi lamang ako sa kapatid ko.
"Heto na nga, ohh, ikukuha ko na kayo ng tubig," iritableng wika ko.
Nagdadabog akong pumunta sa kusina. Nakakainis, lagi na lang akong inuutusan.
Sa aming tatlong magkakapatid ako lagi ang paboritong utusan. Akala ko ba pagbunso hindi inuutusan.
"Ano'ng nangyayari riyan sa mukha mo, Bettina?" tanong ng Inay ko.
"Kasi naman, Inay. Ako na lang lagi ang inuutusan ni Kuya," sumbong ko.
"Sundin muna lamang ang kuya mo anak. Saka alalahanin mo, siya ang nagbibigay sa 'yo ng pera, dahil wala kang trabaho sa ngayon. Iwan ko ba sa iyong bata ka, hindi ka matangap-tangap sa trabaho," sermon sa akin ni Inay.
Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin alam kong bakit hindi ako matangap sa trabaho.
Isang akong nurse, kaya lamang ay hindi ako matanggap sa mga hospital ina-aplyan ko. Ang sarap lamang sunugin ng mga pestes hospital na iyon.
Kinuha ko ang pitsel na may malamig na tubig sa refrigerator. Upang dalhin sa kapatid kong tamad. Malayo pa lamang ako ay naririnig ko na ang tawanan ng mga ito.
Walang imik na ibinaba ko ang pitsel sa lamesita kasama ang dalawang baso.
Tumingin ako sa aking mahal. Busy ito sa kanyang cellphone. Hindi man lang tumingin sa akin, kailan kaya ako susulyapan ni Jeff?
Naglakad na lamang ako palabas ng bahay. Nag-iisip ng paraan upang pamansin man lang ako ng lalaki.
Sa apat na taong namin paninirahan dito sa Luwes Village, hindi ko man lang nasasabi sa mahal ko, ang aking feeling. Wala akong pakialam kung ako mismo ang magtapat sa lalaki. Ang mahalaga naipahayag ko ang pagmamahal ko sa kanya.
Unang kita ko pa lang sa lalaki ay nagkakagusto na agad ako sa kanya. Ngunit simula noon at hanggang ngayon ay hindi man lang ako kinakausap nito. Lalapit pa lang ako kay Jeff, ay lumalayo na agad ang lalaki. Para bang may kakahawa akong sakit.
"Bettina Zamora!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin, nakita ko ang isang lalaking may taglay rin kakisigan. Hindi ko kilala ang lalaking papalapit sa akin.
"Natatandaan mo pa ba ako, Bettina?" tanong ng lalaki.
"Hindi, sino ka ba?"
"Ohh! Ang sakit naman. Okay magpapakilala ako sa 'yo. Nicko Rey."
Napanganga ako nang marinig ko ang pangalan na Nicko. Ang dating pangit at nerd na kaklase ko ngayon ay artistahin na. Lumapit ako kay Nicko upang matitigin ko nang maayos ang mukha ng lalaki. Totoo ngang gwapo na ang dati kong kaklase.
"Ikaw ba talaga iyan Nicko?" tanong ko at halos hindi makapaniwala.
"Yes, ako na nga ito, Bettina."
"Ang gwapo mo." Sabay pisil sana sa mukha ni Nicko.
"Bettina, pinatatawag ka ng kuya mo!"
Bumaling ako sa lalaking tumawag sa akin. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko ang bulto ni Jeff Luwes. Nakatingin siya sa amin ni Nicko. Ngunit madilim ang pagmumukha nito.
"Sige, susunod na ako," sagot ko.
"Ngayon ka na nga pinatatawag!" iretableng wika ni Jeff.
"Ngayon na ba? Sige pupunta na ako."
Bumaling ang tingin ko kay Nicko.
"Aalis na ako, hanggang sa sunod nating pagkikita." Itinaas ko ang palad ko upang pisilin na naman sana ang mukha nito.
"Bettinaaa!"
Nabitin sa ere ang palad ko. Nabalak sanang pisilin ang mukha ni Nicko. Tumingin ako sa lalaking sumigaw. Lalong nagdilim ang mukha nito.
Kaya umiiling na ibinaba ko ang kamay ko at nagpaalam na kay Nicko. Lumapit ako sa lalaking nakabusangot ang pagmukha.
"Ano bang problema mo, doctor?" tanong ko.
Isa kasing Doctor si Jeff Luwes. May sariling hospital ang lalaki. At itong Luwes Village ay kanya rin. Simula nang lumipat kami sa Village na ito ay naging kaibigan na ito ng aking kapatid.
Sumabay ako sa paglalakad sa lalaki. Kaso lang ay malalaki naman ang hakbang ni Jeff. Halos takbuhin ko na nga maabutan ko lamang ito.
Nang tuluyan maabutan ko ang lalaki ay mabilis akong humawak sa braso niya. Kaya lang ay agad rin na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.
"Huwag mo nga akong hawakan, Bettina."
"Hahawak lang naman ako, ang arte mo naman doctor."
"Naiinitan ako, kaya tigilan mo ang paghawak-hawak sa akin," asik ng lalaki.
Nakasimangot akong bumitaw sa lalaki. Hinintay kong makapasok siya ng bahay namin bago ako sumunod. Parang bigla sumakit ang puso ko.
Kailan kaya ako mapapansin ng mahal kong si Jeff. Sana ay mayrooong magbenta ng gayuma sa akin bibili talaga ako, nang tuluyan ko nang maangkin ito.
Lumakad ako papasok sa loob ng bahay at nakita ko si Ate nakausap si Jeff.
Biglang sumakit na naman ang puso ko. Bakit kaya pagdating sa akin ay parang naiinis si Jeff? Pero kay ate Jessica ay magiliw naman siya kong makipag-usap.
~GAYUMA~