Valeen's POV "Who's that guy again, Vince?" Rinig kong tanong ni Sir Mavy habang kumakain kami ng lunch sa isa sa mga paborito daw nilang kainan. Totoong masarap ang mga pagkain pero hindi ako masyadong makakain dahil kanina pa ako naiilang sa pandalas na tingin ni Dave. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong magpaalam na pupunta sa CR pero nahihiya naman akong tumayo dahil.halos kakasimula pa lang namin kumain. "Who's guy, Dad?" Tanong ni Vincent habang kinukuha ang mga gulay sa plato ni Kylie at pinapalitan nito ng ibang gulay. "The one who gave that paper bag to Valeen." Sagot ni Sir Mavy habang sinusulyapan ang paper bag sa tabi ko. Pinamulhan ako ng mukha dahil dun. "I think I saw him once in one of our company's event." Nakakunot ang noo nito at mukhang pilit itong inaalala. Kahit